Chapter #21

179 12 3
                                    

Ara POV

Sa Monday na magsisimula ang mission naming. Kailangan ko na naman pumasok sa Company na naging dahilan para mawalan ako ng Pamilya. Sisiguraduhin ko ngayon na mahuhuli ko na ang masterminad ng Ambush.

Nasa bahay ako ngayon after ng meeting kanina deretso na kaming dalawa ni Kim sa mga bahay namin. Nawalan talaga ako nang gana na lumabas dahil sa mga narinig ko. Wala akong ka-alam2x na may nangyaring Fixed marraige between my parents and Thomas. Kung hindi nag-open-up ang Pamilya ni Thomas kanina hanggang ngayon wala pa rin akong alam. Kailangan kong kausapin sila Mom and Dad tungkol dito kung may alam ba sila. May dinner daw kami ngayon. Sigurado ako pag-uusapan namin ang tungkol sa pagpasok ko regular sa VSG Company. Hahai

May bigla namang kumatok sa room ko. Sigurado si Manang Fe yan. Kasi alam nila ayaw ko nagpapadisturbo pag-andito ako. Kay manang Fe lang talaga ako hindi maka-react.

Manang Fe: "Ara, nak. Dinner na, punta kana sa dining area. Andoon na mom and dad mo. Ikaw na lang ang hinihintay." See tama ako.

Me: "Sige po, Manang Fe susunod na lang po ako. 5 minutes po."

Nag-ayos na ako para makababa na at makakain. Miss ko na din ang luto nila Mom at Manang Fe.

Nasa may pintoan na ako ng Dining Room nang marinig ko sila Mom and Dad na nag-uusap at parang galit na galit si Mom kay Dad. Makikinig pa sana ako kaso nagulat ako nang may nangbatok sa ulo ko.

Manang Fe: "Pasok kana, nak. Plano mo pa talagang pakinggan ang pag-uusapan nila rinig mo na nga nagalit na ang Mom mo. Mabuti pa awatin mo na bago pa lumala yan. Baka nakakalimutan mo noong last away nila naglayas Mom mo at sa Camp niyo pa natulog. Hahah nakakatawa talaga Mom mo noong time na 'yon. Sa lahat pa nang pinuntahan doon pa talaga sa madaling malalaman."

Me: "Manang talaga. Alam mo naman si Mom pag-nag-aaway yan sila ni Dad gusto lambingin ko para lambingin ko daw si Dad. Kasi alam niyo naman hindi maka-hindi yan si Dad."

Mula kasi nang inampon ako ni Dad and Mom tinuring na talaga nila akong anak. Meron silang anak pero nasa sinapupunan pa noon, dahil sa Batang sundalo pa si Dad noon nawalan ito ng Oras kina Mom dahil doon naging depressed si Mom. Nakunan siya at hindi na ulit sila naka-buo dahil natatakot si Mom.

10 years old pa lang ako noon nang mangyari ang ambush. Nalaman agad nila Mom and Dad ang nagyari kaya sila agad ang nakapunta sa lugar na 'yon. Si Mom ang unang nakakita daw sa akin walang malay at maraming sugat pero wala naman daw tama ng bala kasi si Papa at Mama talagang niyakap ako para lahat ng bala sa kanila tumama. Si kuya din naka-yakap sa akin kasi ako daw yong princess niya kaya ayaw niya na nasasaktan ako. Si Mom noon ay kakasal pa lang kay Dad. I think that time 25 years old lang si Mom at si Dad naman mas bata ng isang taon kay Mom 24 naman siya.

Buntis si Mom that time 1 month pero nakunan din siya after 3 months. Inampon nila ako at tinuring na anak. May chance pa naman na magka-anak si Mom eh kasi bata pa sila ni Dad. Pero naging busy si Mom sa restaurant na naiwan ni Mama. Si Mom ang business partner ni Mama sa mga ibang business na under sa VSG Company. Si Dad naman busy sa katungkulan niya bilang Army. Hanggang naging General na siya. Pero sana makabuo pa sila. May chance pa naman ata kasi hindi pa naman menopause si Mom. Nabalik lang ako sa realidad nang tinawag ako ni Mom na kumain na.

Mom Aby: "DaughterF, bakit nakatayo ka lang diyan? Halika dito kumain kana. Niluto naming ni Manang Fe ang mga paborito mong ulam. At para pag-usapan natin ang sinabi ng Dad mo sa akin."

Pumunta na lang ako sa upo-an na kaharap lang ni Mom.Habang nagsasandok ako ng pagkain at ulam biglang nagsalita si dad.

Dad Bolick: "DaughterF, 'yung kanina hindi ko talaga alam na may usapan sila ate at kuya sa mga Torres. Kahit ako nabigla sa mga sinabi nila. Kahit ngayon nga pati Mom mo nabigla at inaway ako."

Naka-pout na pag-susumbong ni Dad sa akin. Hahah ang cute lang ni Dad. Akala mo kung sinong matapang pag-nakaharap sa maraming tao. Pero pag-andito naman siya sa bahay kasama namin talagang sinusunod niya si Mom.

Mom Aby: "DaughterF, wala talaga kaming alam. Wala din kasing binabangkit si Ate sa akin noon. Kahit palagi kaming magkasama sa restau. Pero may sinabi siya sa akin na isang locker na nakalagay sa bank andoon daw ang mga papeles na kailanganin mo balang-araw. Baka kasali na doon ang kasundo-an ng mga Torres and Galang sa kasalan na binanggit nila."

Napaisip naman ako sa sinabi ni Mom. So may locker pala na iniwan sila Mom. Ang daming secreto sila Mama at Papa na hindi ko pa alam.

Me: "May binigay po ba si Mama sa inyo na account, Mom? Gusto ko sanang puntahan at tingnan bukas na bukas din bago magsimula ang mission naming sa Monday."

Mom: "Oo naman. Ang alam ko nasa restau nakalagay yun. Kaya bukas daan ka muna sa restau, nak. Para maka-visit ka naman doon. Ang tagal mo nang hindi pumupunta sa restau. Mabuti pa sa Office ng Dad mo parati kang pumupunta doon kahit 1 week rest kayo. Huhuh"

Me: "Hindi naman sa ganon Mom. Syempre naka-schedule din sa 1 week rest naming ang pag-bisita sa restau. Gusto mo sabay na tayo bukas, Mom? Hatid kita sa restau. Ako ang driver mo tomorrow."

Mom: "Talaga, Nak? Sige ba payag ako. Yehey Thanks nak pinasaya mo ako." Sabay yakap niya sa akin.

Para talagang bata to si Mom. Napatingin naman ako kay Dad at nakita ko siyang nakangiti dahil sa inaasal ni Mom. How I wish makatagpo din ako ng katulad ni Dad na mahal na mahal si Mom. Kahit mag-asal bata ako. Heheh

Dad: "Sige na tapusin niyo na ang pagkain niyo para makapag-pahinga na tayo. Kung ano man ang nakalagay sa locker, nak. Tandaan mo andito lang kami handang tulungan ka."

Me: "Yes, Dad. Alam ko naman po 'yun. 'Wag kayo mag-alala pag-nakuha ko lahat nang kailangan kung tanong sa locker na 'yun sasabihin ko sa inyo ang plano ko. Sige Mom and Dad tapos nap o akong kumain punta na ako sa room ko." After kong sabihin 'yon umalis na ako sa hapagkainan.

Habang naglalakad ako papuntang kwarto iniisip ko pa rin kung anong mga nakalagay sa locker. Sa mission naming ngayon hindi lang si Thomas ang poprotektahan namin. Pati sarili ko at ang Company na iniwan ng Pamilya ko. Kailangan ko nang malaman kung sino ang pumatay sa kanila at kung sino ang nagtatangka sa buhay ni Thomas. Hindi pwede magtagal ang mission namin. Napabuntong hininga naman ako nang malalim. Ang daming kailangan pag-tuonan nang pansin. Hindi ko namalayan nasa harapan na ako ng kwarto ko. Binuksan ko ito at pumunta agad sa study table ko. Kailangan kung pag-aralan ulit ang pasikot-sikot sa Company at report para ngayong Monday. Mapapasabak ako agad sa Monday nito. Hindi ko na napansin na nakatulog na ako sa harap ng Laptop ko. Basta naramdaman ko na lang na may lumapit sa akin.

Mom Aby POV

Pagkatapos namin ni Manang Fe sa paglilinis sa dining Area and kitchen napag-isip2x ko na puntahan si Ara. Tinuring ko na talaga siyang para kong tunay na Anak. Kahit 42 na ako may chance pa naman talaga na mabuntis ako kasi hindi pa naman ako menopause. Pag-binigay ng Panginoon tatanggapin ko nang lubos. Nakarating na ako sa tapat ng Kwarto ng anak ko. Pag-bukas ko nakita ko siya agad sa study table niya at umiilaw pa ang laptop niya.

Nakalapit na ako sa kanya at nang tingnan ko kung ano ang pinag-aaralan niya nakita ko na parang report 'yon para sa Company updates. Tiningnan ko siya at talaga mapayapa ang pag-tulog niya. Kumuha ako ng kumot sa higaan niya at binalabal sa kanya. Ayoko siyang gisingin kasi ngayon ko lang nakita ang mahimbing niyang tulog na parang walang ina-alala.

Ang dami na niyang problemang hinaharap. Bata pa lang siya puro problema na lang ang kanyang iniisip. Pagkatapos ko siyang kumotan hinalikan ko na lang siya at umalis na sa kwarto niya.

********

Natapos ko din ang Chapter 21.. Heheh

Congrats sa F2 Cargo Movers Kahapon sa Panalo laban sa Petron. Heheh

Vote and comment guys. Thanks

Pride (ThomAra)Where stories live. Discover now