Chapter #12

164 10 0
                                    

Someone's POV

        Hinintay ni Ara na tumama ang kamao ni Cliff sa mukha niya bago siya lumaban. Pero ialng minuto na ang nakalipas wala pa ring kamao ni Cliff na tumama sa mukha niya. Kaya napagpasyahan ni Ara na imulat ang kanyan mga mata.

        Hindi niya inaakala na kaya hindi tumama ang suntok ni Cliff sa mukha niya kasi pinigilan na ito ni Thomas na biglang tumayo at hinarang ang suntok ni Cliff. Hindi naman niya namalayan na tumayo na pala si Thomas na nakahiga sa kandungan niya dahil ang iniisip niya sa mga oras na 'yun ay ang makapaghigante sa grupo ni Cliff. Kahit nahihirapan si Thomas pinilit pa rin niya ang sarili na magsalita.

Thomas: "Wala namang ganyanan mga pare. Kita niyo namang babae 'yang sasaktan niyo. Ako naman ang may atraso sa inyo di ba. Eh di ako na lang suntokin niyo. Para naman kayong hindi mga lalaki." Nilalakasan na lang ni Thomas ang loob niya na magsalita ng ganun kila Cliff kasi ayaw niyang madamay si Ara sa gulo na pinasok nila ng barkada niya. Hindi naman nagustuhan ni Cliff at ng mga ka grupo niya ang sinabi ni Thomas.

Cliff: "Ang lakas naman ng loob mong magsalita ng ganyan eh kayo na nga itong nasa alanganin. Hindi ko na talaga to palalampasin kahit babae pa yan." Susuntukin na sana ni Cliff si Thomas pero sa mga oras na 'yun hindi na nakapagtimpi pa si Ara sa kanila.

         Dahil sa galit ni Ara wala na siyang pakialam kung ano man ang mangyari pagkatapos niyang bugbugin ang grupo ni Cliff. Hindi alam ng grupo ni Cliff na magaling din sa hand to hand combat si Ara. Hindi siya magiging Captain kung hindi siya magaling at malakas. Isang Black belter si Ara sa larangan ng Martial Arts. Isa isang pinatumba ni Ara ang mga ka grupo ni Cliff ng walang kahirap-hirap. Bagsak lahat ang mga kasamahan ni Cliff. Hindi naman talaga sila bugbog talaga kasi pinatulog lamang sila ni Ara.

Thomas POV

         Medyo nagulat ako sa ginawa ni Ara napatumba niya lahat ng kasamahan ni Cliff, kasama ito. Pero medyo lang naman kasi alam kong kaya ni Ara talaga na patumbahin sila. Hindi siya magiging Captain kung hindi niya kayang protektahan ang sarili niya laban sa mga masasamang tao. Isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi na ako lumalapit kay Ara mula noong malaman ko na papasok siya sa PMA. Nalaman ko 'yun noong narinig ko sila ni Kim na nag-uusap before ang graduation namin.

Flashback

         Masaya akong naglalakad at hinahanap si Ara sa Campus. Ibabalita ko sana sa kanya na nakapasa ako sa lahat ng subjects ko at makakagraduate na din ako. Hindi ko ito magagawa kung ako lang mag-isa. Lahat nang ito ay dahil sa tulong ni Ara. Pag may vacant time siya talagang tinuturu-an niya ako. Matiyaga siyang nagtuturo sa akin. Naglalakad na ako ngayon papunta sa room ni Ara. Alam ko kasi kung saan ang room niya sa ganitong oras.

          Nang malapit na ako sa room ni Ara narinig ko na ang boses niya pero may kausap siya. Naririnig ko mga boses nila. Sigurado ako dalawang babae ang kasama ni Ara basi na rin sa naririnig kong mga boses. Hindi muna ako pumasok sa room nila at nakikinig lang ako sa kanila.

Kim: "Sigurado ka na ba Ara sa desisyon mo? Baka magbago pa yan sabihin mo lang. Pero kung gusto mo talagang ituloy yan sasama ako sayo. Syempre ako lang din ang susunod sa yapak ng Erpat ko. Hahah" Ano kaya ibig sabihin ni Kim samga sinasabi niya.

Carol: "Sorry girls pero hindi ko trip 'yang sasalihan niyo. Bahala kayo kung sasabihan niyo akong OA pero ayoko. Kayo na lang kasi para naman kayong mga lalaki kung kumilos eh."

Ara: "Ok lang Carol. Sa ating tatlo ikaw lang naman talaga ang babae kumilos eh. Gusto ko talagang pumasok sa military dahil gusto kong malaman sino may gawa noong nangyari sa totoo kong pamilya. Kahit matagal na 'yun gusto ko pa rin malaman. Kahit pinagbabawalan ako ni Mom at Dad. Masakit pa rin sa akin ang nangyaring 'yun. Hindi ko man masabi kina Mom and Dad na minsan binabangongot ako dahil sa napapanaginipan ko 'yun ayaw ko lang talaga silang mag-alala lalo na si Mom." Ang lungkot ng boses ni Ara sa sinabi niyang 'yun. Naririnig ko lang din sa iba na hindi talaga sila Mr. and Mrs Bolick ang biological parents ni Ara pero kung e-trato man siya nang mga ito ay parang tunay na anak na din.

Kim: "Wag ka nang mag-alala, bruh. Sasamahan kita na tuklasin kung sino talaga may gawa non. What our friends for kung hindi man kita matulungan sa problema mo. Isa pa alam niyo naman na sundalo din papa ko so wala ng problema doon. Wala namang ibang susunod sa yapak non eh. Hahah" Iba din talaga ang pagkakaibigan nila Ara at Kim talagang sanggang dikit 'yang dalawang 'yan.

Nabanggit ni Kim and word na "sundalo" hindi kaya balak ni Ara at Kim na pumasok sa Military? Nahihibang na ba sila? Delikado 'yang papasukan nila. Mapapahamak lang sila sa ginagawa nila.

Ara: "Alam ko mapapa-OO ko din si Mom at Dad sa plano ko. Pag-naka-graduate tayo Carol isa lang ang hihingin kong tulong sayo. Sana pumayag ka sa request ko." Ano kayang tulong ang hihingin ni Ara kay Carol. Mukhang mabigat ata.

Carol: "Oi, napaka seryoso naman niyang mukha mo Ara. Gaano ba kabigat 'yang hihingin mong tulong eh napaka-seryoso naman." Mukhang mabigat nga kasi sabi nga ni Carol napaka-seryoso ni Ara.

Ara: "Sasabihin ko lang sayo sa takdang panahon pero sa ngayon 'wag na muna. Hindi pa naman umaalis si Tatang eh. Pero alam ko magpapa-alam din siya kasi tumatanda na din siya. Gusto ko din siyang magpahinga." Hah hindi ko maintindihan mga sinasabi ni Ara. Sino si Tatang? Kaanu-ano niya 'yang si Tatang? Bigla namang nagsalita si Kim.

Kim: "Basta 'yung plano Ara magiging magaling tayong sundalo. Mabuti na lang nag-exam tayo last year at nakapasa tayo. Galing2x talaga natin. Kaya nga lang ikaw nag-TOP 1 sa PMA exam ako muntikan na hindi makapasa. Huhuh" What nag-TOP 1 si Ara? Ang alam ko mahirap ang exam sa PMA ah. So meaning ba nito pumasa na siya sa lahat nang test? Siguro pagkatapos niyang tanggapin ang deploma niyia deretso siya sa PMA.

Ara: "Wag ka nga maniwala sa kanya Carol. Oo nag-Top 1 ako pero siya naman pang Top-3. Hahah"

          Lalong bumaba ang tingin ko sa sarili ko. Eh ako nga muntikan nang hindi maka-graduate this year tapos siya naman makaka-graduate na magiging Magna Cum Laude. At sa narinig ko Top-1 pa siya sa exam sa PMA. Sabi nila hindi bero ang mga Test sa PMA pero siya. 

           Ahhhhhh!!! Ayoko nang marinig pa ang lahat ng pag-uusapan nila. Malalaman naman siguro niya na makaka-graduate ako dahil sa Tulong niya. Mabuti pang tawagan ko sila Jeron makapag-celebrate na lang with them.

End of Flashback

          Kaya ayun umalis ako sa lugar na 'yun na hindi pina-alam sa kanya at magpasalamat sa kanya na makaka-graduate ako dahil sa tulong niya sa pag-tiyatiyaga sa pagtuturo sa akin sa mga subjects na hindi ko talaga maintindihan. Mula noon hindi na ako lumalapit sa kanya kahit noong graduation na tinatawag niya ako. Pero hindi ko talaga siya pinansin noon. Alam ko nasaktan ko siya sa mga oras na 'yun.

          Hindi ko namalayan tapos na niyang buboggin ang sila Cliff at nakatulog na nga ang mga ito. Dumating naman ang mga Security Guard at si Ara na ang nag-explain sa kanila. Siguro kilala si Ara dito kasi wala nang mahabang explaination at dinala na ng mga security sila Cliff at mga barkada nito. Natigil lang ako sa pag-iisip nang mag-salita si Ara.

Ara: "Halika ka na Thomas gagamutin natin 'yang mga sugat mo." Hindi na ako pumalag pa nang alalayan ako ni Ara kung saan man kami papunta. Nang mapansin ko nakasakay na kami sa elevator at pinindot niya ang 18th Floor. So kapareha pali kami ng Floor. Ano kaya ang number ng Room niya? Hindi ko namalayan na nasa 18th Floor na kami. Sabay na kaming lumabas sa elevator since inalalayan pa rin niya ako.

          Naglalakad na kami papunta sa Unit niya at tumigil kami sa isang pintu-an nang tiningnan ko ito, WTF!!. What a small world!

*******

Heheh pabitin daw muna. Ano bay an.

Pero Congratz sa Lady Spikers kahapon. Game 2 angkinin niyo na Girls. Kaya yan. Laban.

Pride (ThomAra)Where stories live. Discover now