Thomas POV
188 ang nakalagay sa pintu-an at katapat nito ang Unit ko na hindi ko pa sinasabi sa kanya. 187 ang Unit number ko. What a small world. Pero kahit minsan hindi ko naman siya nakita na pumupunta dito ah. Simula naka-graduate kami dito na ako tumira.
Binuksan na niya ang pintuan at bumungad sa akin ang napakagandang ambiance ng unit niya. Hindi siya talaga pang girly hindi katulad nang ibang babae. White and gray lang ang makikita mong pintura sa ding2x pero yung mga appliances niya talagang pang mayaman. Pina-upo na niya ako sa couch niya sa sala.
Ara's POV
Nagsisisi tuloy ako ngayon bakit dito ko siya dinala sa Unit ko. Huhuh
Dahil sa concern ko sa kanya hindi na ako nag-isip pa at dinala ko na siya dito. Andito na kami ngayon sa unit ko at papunta ako sa CR para kunin ang Medical Kit para gamutin si Thom. Pagdating sa kanya minsan hindi na ako nag-iisip. Hindi ko dapat ipakita sa kanya na concern ako lage sa kanya. Pabalik na ako sa sala nang tingnan ko si Thom patingin-tingin lang siya sa paligid. Pinag-aaralan siguro niya ang kaboo-an nitong Unit ko.
Me: "Tapos ka na bang mag-obserba sa buong Unit ko? Gamutin na nga nating 'yang sugat mo. Ikaw naman kasi eh. Ayan tuloy binalikan ka noong mga nakalaban mo kagabi. Tsk3x"
Thomas: "Hindi ko naman inaasahan na andito din sila. Hindi ko naman sila nakikita araw2x dito. Ang tagal ko nang nakatira dito pero ngayon ko lang sila nakita sa parking ng Building."
Nang marinig ko ang sinabi niya. Ano may unit siya dito? Ibig sabihin dito talaga siya nakatira kaya nagkita sila nila Cliff. Anong floor kaya siya. Sana tinanong ko na lang siya para doon na lang kami nag-punta. Hindi pa sana niya malalaman na may Unit ako dito. Huhuh
Me: "Ah may Unit ka din dito? Anong Floor? Bakit hindi mo sinabi na dito ka pala nakatira? Doon na lang sana tayo pumunta." Kainis to. Nalaman pa tuloy niya. Huhuh
Thomas: "Hindi ka naman kasi nagtanong. Hinila mo na lang ako bigla papunta sa floor nato." Namilosopo pa. Bigwasan ko siya eh. 'Wag kang mag-alala magkatapat lang tayo ng Unit. Pwede na ako pumunta diyan sa kabila kung ayaw mong andito ako." Ay nagtampo agad. What? Magkatapat lang kami ng Unit?
Me: "Ano magkatapat lang tayo? Ano ba number ng Unit mo?" So meaning pag-andito ako palagi ko siyang makikita. Pero noong andito ako for a week. Hindi ko naman siya nakita sa tapat.
Thomas: "Oo. Magkatapat lang tayo. 187 ang number ng Unit ko. Mula naka-graduate tayo dito na ako tumira." Ay ganun taray nito. Nakabili agad ng Unit niya. Hindi ko alam mayaman siya. Mabuti pa magluto na lang ako ng dinner.
Me: "Dito ka na lang. Maghahanda lang ako for our dinner." Pagkatapos kung iligpit ang mga ginamit ko pang-linis sa sugat ni Thomas pumunta na ako sa kusina para maghanda para sa dinner. Since andito naman si Thom at papunta na sila Kim at Carol. Mabuting magluto na lang ako habang hindi pa sila dumadating.
Thomas: "Matagal ka na ba nakatira dito?" Nagulat si Ara sa pagtanong ni Thom. Bigla2x kasi itong nagsalita sa likod niya. Hindi niya namalayan na sumunod pala ito sa kanya.
Me: "Wag ka ngang manggulat. 2 years na din mula nang binili ko ang unit nato." Nang masagot ko ang tanong ni Thomas may narinig naman kaming nag-buzzer. Siguro sila Kim at Carol nayan. An aga naman ata nila.
Thomas: "Ako na magbubukas. Magluto ka na lang." Hindi ko namalayan tumakbo na pala siya sa may pintu-an. Huhuh naunahan na niya ako. Sigurado ako maraming tanong na naman sila Kim at Carol nito. Huhuh
Thomas POV
Hindi ko na hinintay pa si Ara na siya magbukas ng Pinto. Ako na tumakbo agad sa may pintu-an. Nang mabuksan ko ito parang gulat na gulat ata silang dalawa na makita ako dito.
Me: "Hi Kim. Hi Carol." Hindi pa rin gumagalaw ang dalawa. Ano kaya problema nila.
Kim POV
Papunta na ako sa Condo ni Ara. Dumaan na lang din ako sa pinakalapit na bilihan ng Pizza. Gusto ko kumain ng Pizza ngayon. Nang makabili na ako tumuloy na ako papuntang Condo ni Ara. Pagkarating ko sa Parking Area sa Condo ni Ara nakita ko naman agad ang secretary ni Ara na pababa na din sa Car niya.
Me: "Carol!" Tumingin naman siya agad sa gawi ko at kumaway na din siya sa akin. Lumapit din ako agad sa kanya."Sabay na tayo paakyat. Ito oh maydala akong Pizza. Heheh"
Carol: "Himala nanglibre ka ata ngayon?" Ouch kakakita nga lang naming nangbabara agad.
Me: "E.appreciate mo na lang kasi minsan lang to."
Carol: "Sa bagay. Sa minsan na yan alam ko ikaw din uubos niyan. Hahah" Ang sama talaga nito. Nakasakay na kami sa elevator ang pinindot 'yung 18th Floor kung saan ang Unit ni Ara. Nang makarating kami sa Unit ni Ara nag-doorbell na din kami. Medyo matagal binuksan ni Ara ah.
Nang may nag-bukas na nagulat naman ako doon sa nag-bukas. Alam ko si Carol nagulat din. Bakit andito siya sa Condo ni Ara? Akala ko ba kunti lang kaming nakakaalam nito. Asan nab a ang babeng 'yun. Pero ang mukha niya hindi naman ganyan 'yan kagabi ah. Hindi naman siya nasuntok talaga. Dahil sa kakaisip ko bigla naman nag-salita si Carol.
Carol: "Thomas? Ikaw ba yan? Ano ginagawa mo dito sa Unit ni Ara? Bakit nandito ka?"
Thomas: "Pasok muna kayo bago ko sagutin tanong mo Carol." Pumasok naman kami ni Carol. Keysa naman sa nakatayo lang kami sa labas. Mabuti na dito sa loob makaka-upo kami. Heheh
Me: "Oh sagutin mo na ang tanong ni Carol. At isa pa nasaan ba si Ara?" Asan kaya ang babaeng 'yun.
Thomas: "Kung si..." Hindi na natapos ni Thomas sasabihin niya nang sumigaw si Ara.
Ara: "Thomas sino ang dumating? Sila Kim at Carol ba? Papuntahin mo na agad dito sa kusina may sasabihin ako." Ayun sigurado ako alam na niya marami kaming tanong.
Thomas: "Oh ayun ang sagot sa tanong mo Kim. Hahah" Medyo Masaya si Thomas ngayon ah.
Carol: "Mabuti pa nga doon na lang tayo. Kainin na din natin 'yang dala mong Pizza Kim. Sigurado ako hindi pa luto 'yung dinner natin eh. Heheh" Sabay2x na kaming pinuntahan si Aras a kusina. Marami talaga akong tanong sa babaeng 'yun ngayon.
*****
Talo man ang Lady Spikers kahapon masaya naman ang ThomAra Shipper. Hahah
Pero ang mas importante eh ligtas si Ara. Sana maganda result ng Check-up niya.
Kaya niyo 'yan Lady Spikers. Kayo mananalo sa Saturday.
#BringItHomeDLSU
YOU ARE READING
Pride (ThomAra)
FanfictionAn Ara Galang and Thomas Torres Story including the other popular athletes ThomAra Fanfiction