Chapter #11

185 9 0
                                    



Ara POV

          Pagkaalis ko sa Condo ni Kim napagpasiyahan ko na lang na pumunta sa Condo ko malapit sa Condo ni Kim. Hindi alam ng iba ang Condo ko dito maliban lang kay Kim na nakapunta na dito. Si Kim lang, ang assistant ko at ako nakakaalam ng condo ko pero alam ko may alam na sila Dad at Mom nito pero hindi na lang sila nagsasalita. Nirerespeto naman kasi nila ang mga desisyon ko.

           Dumeretso na ako sa Parking Area ng building kung saan ang Condo ko. My Condo is located near to Kim Condo. Manhattan ParkviewResidences is the name of the Condo. I bought it last 2 years. Pinabili ko ito sa secretary ko kasi para pag may kailangan siyang e-discuss regarding sa company ng parents ko dito na lang kami magkikita. Yes tama kayo may Company na naiwan ang parents ko sa akin. Hindi lang ako pumupunta sa Company pero ang pinagakakatiwalaan ko na secretary ay pumupunta sa Condo ko para doon mag-discusssa akin at mag-report sa mga nangyayari sa Company iniwan ng parents ko at dahilan ng pagkamatay nila.    

           Maraming naiingit sa Company ng parents ko kasi kilala ito sa buong mundo. Marami kaming branch since marami kaming services na binibigay sa client namin. VSG Company ang name ng Company na iniwan ng parents ko. Sabi nila pinangalan ito sa akin kasi ako daw ang magmamana ng Company pero hindi alam yun ng mga board member. Ang nakakaalam lang ay sina Mom and Dad at ang mga pinagkakatiwalaang tao ng biological parents ko. Hindi din alam ng iba ang meaning ng company. Iilang mapagkakatiwalaan lang ang nakakaalam para na rin sa kaligtasan ko.    

            Hindi ako nagpapakita personal sa mga meeting ng board kasi hindi pa rin naman namin alam kung sino talaga ang pumatay sa parents at sa kuya ko. Kinakausap ko ang board sa meeting gamit ang skype at ang nakikita lang nila ay ang buong puting tela na nakatakip sa buo kong katawan. Boses ko lang ang naririnig nila sa meeting namin. Ang Secretary ko lang din ang nagpapakita ng presentation at ako ang nagsasalita. Every meeting napapa-impress ko naman ang mga board member kasi talagang pinag-aaralan ko ang mga report na binibigay ng secretary ko. 

            Kahapon din bago kami pumunta sa Bar tinawagan ko na ang secretary ko na ngayon ko gustong makipagkita sa kanya para sa report. 


Flashback 

Ara: "Hello Carol." Carol gasp I heard in the other line. Siguro nagulat siya after almost 3 months ngayon lang ako naka.contact sa kanya. "Don't be too much OA,Carol."

Carol: "Ikaw ba talaga yan Ma'am Ara?" Ayaw pa rin talagang maniwala.

Ara: "Yes this is Ara,Carol. I want to meet you in my condo tomorrow for the quarter report. Pleasebe before mag-dinner."

Carol: "Ok ma'am. I will be there and please prepare for our dinner. I miss the food you cooked for US. Can you call Kim? I want to see her also. Please, please, Ara" Hahai ayan nanaman ang pagka-immature nitong secretary ko. Kaibigan namin siya ni Kim simula pa noong mag-college kami. Kaya siya ginawa kong secretary kasi same course naman kami na kinuha. At mapag-kakatiwalaan ko pa siya. Yung dati kasing secretary nila papa nag-retired na since matanda na daw siya.

Ara: "Ok then sasabihan ko na lang siya mamaya since magkikita naman kami mamaya at sigurado ako sa condo niya lang 'yun tatambay." Wala akong magagawa since ngayon lang din namin siya makakasama. "Basta wag ka malate. Need ko pag-aralan ang report mo para bago ako sumabak sa bagong mission eh makapag-meeting na tayo with the board members."

Carol: "Aye, ayeh Captain." And I ended the call.

End of Flashback


    Need ko pa magluto para sa dinner namin. For sa snack magpapadeliver na lang siguro ako. Pagkababa ko sasasakyan ko may nahagilap akong grupo na parang may pinagtutulongan. Akala ko ba mahigpit ang security dito (Hindi po totoo to kathang isip lang po ito. Kaya sa condo or building na nabanggit ko dito patawad po. Sure po ako mahigpit security niyo. Sana maiintindihan niyo po. Thanks). Bakit ba lapitin ako sa gulo? Dahil sa kakaisip ko hindi ko namalayan na dito na pala nakatingin sa akin ang grupo nila at parang kilala ko ang mga ito. Saan ko nga nakita ang mga lalaking ito? Hmmmm ah alam ko na sa Bar, grupo ni Ken. Malapitan nga, siguro taga dito din sila.

Me: "Oh mga brad may problema ba tayo dito? Parang may kaaway kayo hah? Saan si Ken hindi niyo ata kasama leader niyo?" Bakit ang seryoso naman ng mga mukha nila. Wala bang magsasalita sa kanila.

Me: "Napakaseryoso naman ng mga mukha ninyo. Siguro may unit din kayo dito noh?" Malapit na ako sa kanila ng may makita akong taong nakadapa na nakatalikod. Hindi ko namalayan hinawakan na pala ako ng ibang lalaki na kasama ni Cliff.

Cliff: "Pakialamera ka talagang babae ka. Kagabi ka pa sa bar nakikialam. Hanggang dito ba naman makikialam ka pa rin? Pwes kung gusto mo talagang makialam samahan mo na din yang lalaking nakadapa jan." At tinulak nga ako ng mga kasamahan ni Cliff doon sa lalaking nakadapa. Lumapit na lang ako sa lalaki at pilit na pinapaharap sa akin. Nang makita ko ang buong mukha niya. Nabigla ako sa nangyari sa mukha niya. Puro pasa at sugat. Dahil sa nakita ko sa nangyari sa kanya nakakuyom ang mga kamao ko ngayon na gusto ng manapak sa kanila. Nagsalita naman si Cliff.

Cliff: "Hindi ako katulad ni Ken na palalampasin lang ang nangyari kagabi. Wala akong pakialam sa mga magulang namin kaya noong makita ko siya kanina dito nakapaghigante din ako pero hindi pa yan sapat. Kaya nga lang dumating kang pakialamera ka." Akmang susuntukin na ako ni Cliff kaya napapikit na lang ako kasi naka-upo pa rin ako at nakakandong sa akin ang ulo ni Thomas. Hinihintay ko ang suntok ni Cliff pero wala akong maramdamang suntok na tumama sa mukha ko. Nang imulat ko ang aking mga mata nagulat ako sa taong humarang ng suntok ni Cliff.

********

Author's Note:

Natapos ko din ang Chapter nato. Huhuh

Dahil sa maraming ginagawa sa office ngayon medyo magulo ang Chapter nato.

Thanks po sa mga ibang nagbabasa.

Congrats again sa Lady Spikers. Go Idol Ara Galang.

Pride (ThomAra)Where stories live. Discover now