Continuation of Ara Flashback
Quarter to 4pm na. Nakahanda na ako at hinihintay na lang si Thomas. Ayaw ko kasing pinaghihintay ang bisita bago umalis. Mabuti na 'yong ready na para alis agad. Narinig ko ang busina nang sasakyan ni Thom. Paglabas ko nang Dorm nakita ko si Thom na nakatayo sa hood ng sasakyan niya. Ang gwapo talaga ng bansot na'to. Ang lakas ng karisma eh. Napatigil lang ako sa pagpapantasya sa kanya ng magtama ang mga mata namin. Nahalata ata niya. Kakahiya naman.
Thomas: "May crush ka sa akin noh? Makatitig ka naman parang hinuhubaran mo na ako niyan." Ang kapal talaga ng mukha. Bansot naman. Hindi na ako nagsalita at hinintay na lang na buksan niya ang pintoan ng front seat. Binuksan na nga niya at hinitay maka-upo ako bago niya isara at pumunta sa kabila sa driver seat.
Pagkapasok niya may inaabot siya sa likod na parang nahihirapan siyang abutin kasi nga bansot. Hahah evil laugh. Nang mapansin ko na parang naabot na niya kung ano man 'yong nasa likuran humarap siya sa akin at nabigla ako sa binibigay niya. Wow. As in W.O.W. Isang pumpong rosas na iba-iba ang kulay. Para saan naman kaya ito.
Me: "Bakit mo ako binibigyan nito, Thom? Ang ganda naman nito. Ang ganda ng pagkakagawa. Pero hindi naman ako mahilig sa bulaklak alam mo 'yan. Pero I appreciate this one. Thanks Thom." Nakangisi lang siya habang ako ang nagsasalita na walng preno. Pero bago niya pina-andar ang sasakyan nagsalita naman siya agad.
Thomas: "Your welcome, Ar's. Isa yan sa pasasalamat ko sa'yo pero hindi lang 'yan. May iba pa kaya mabuti pang umalis na tayo bago gumabi." Pero bago niya pina-andar lumapit siya sa akin. Ang lapit niya na-aamoy ko ang napakabango niyang pabango na napaka-manly talaga. Ang gwapo talaga niya sa malapitan. Hahalikan ba niya ako? OMG hindi ako handa. Pero bago ako pumikit narinig ko ang isang mahinang pag-click. Kakahiya naman assumera ko masyado. Akala ko hahalikan na ako hindi pala kinakabit lang ang seatbelt ko. Huhuh Nakatingin lang siya sa akin ng nakakaloko.
Thomas: "Ikabit mo naman ang seatbelt mo, Ar's. Alam mo naman safety before anything else diba. Ikaw na nagsabi niyan. Tsk3x." Huhuh napahiya ako don hah. Pero ang bilis pa rin ng tibok nitong puso ko.
Pinaandar na ni Thom ang sasakyan at parang malayo na din ang biyenahe namin. Tahimik lang ang byahe walang nagsasalita. Hindi ko alam saan niya ako dadalhin. Pero nang ma-realize ko kung anong daan ang tinatahak namin doon na ako nag-salita.
Me: "Thomas ang layo naman ng pupuntahan natin. Pa-Tagaytay to eh. Saan mob a talaga ako balak dalhin?"
Thomas: "Secret. Hintay ka lang Ar's. Malapit na tayo." Napa-pout naman ako. Ayaw niya talagang sabihin kaya tahimik na lang ako.
Ilang minuto lang tumigil na ang sasakyan sa isang Private Resort dito sa Tagaytay. Private Resort kasi wala namang maraming tao. At halata naman sa matataas na bakod. Pumasok na kami at kita ang ganda ng Resort.
Me: "Thom, kaninong private resort toh? Ang ganda naman." Naglalakad kami papunta ata kami sa dalampasigan. Bago kami makababa sa isang hagdan biglang humarap si Thomas sa akin at lalagyan ako ng panyo sa mata kaya pumapalag ako.
Me: "Thom ano yan? Bakit tatakpan mo mata ko. Hindi ko gusto yan Thomas hah. Huwag ka talagang lumapit." Pero kahit anong tulak ko sa kanya mas malakas pa rin siya sa akin. Kaya nagtagumpay siya. Nang patakpan na niya ang mga mata ko at naglalakad kami na hindi ko alam kung saan kami pupunta. Inaalalayan naman niya ako. Pag-nadapa ako humanda talaga siya. Mga ilang minuto din ang nilakad namin.
YOU ARE READING
Pride (ThomAra)
FanfictionAn Ara Galang and Thomas Torres Story including the other popular athletes ThomAra Fanfiction