Chapter 30 : Another attack

173 9 7
                                    

Thomas POV

Maaga akong pumasok sa office dahil na din sa nakita kong balita kahapon. Wala akong lakas nang loob na tawagan si Ara kaya napag-isipan ko na pumasok ng maaga. Pero nang pumunta ako sa pansamantalang office niya naabutan ko naman si Carol na busy sa table niya.

Me: "Good morning, Ms. Carol. Andiyan ba si Ms. C.E.O.?" Nakakonot naman na tumingin si Carol sa akin pero bigla niya itong iwinaksi.

Carol: "Good Morning, Mr. Torres. I'm sorry to disappoint you but the C.E.O. is not yet arrive. She called me this morning telling that she will come in the office at afternoon." Bumalik agad ang tingin niya sa mga papers na kanina pa niya binubuklat. Kaya pala busy siya masyado wala pa si Ara. Hindi pa rin ako umaalis kaya tumingin uli si Carol. "Ano pa ang kailangan mo Mr. Torres? Masyado akong busy para pansinin yang ka-cutan mo na kamukha ni bimby na anak ni Kris." Ayan na naman siya sa pag-tawag niya sa akin nang anak ni Kris.

Me: "Ayan kana naman sa bimby na tawag mo Carol, hah. Tanong ko lang sana kung kamusta na si Ms. C.E.O.. Sigurado naman ako na alam mo 'yong balita tungkol sa ambush sa kanila kahapon, right?" Tumingin na nga nang tuluyan sa akin si Carol at napakaseryoso ng mukha.

Carol: "Oo, Thomas alam ko syempre. Ano pa at naging secretary ako dito. Unang araw pa lang niya as Acting C.E.O. pero may nagtangka na agad na patayin siya. Acting lang yan hah. Ano pa kaya if nagpakita ang C.E.O. and totong Heir? Mas malala pa siguro ang mangyayari. Mabuti na lang at sundalo si Ara. Hindi pangkaraniwang sundalo kaya nakaligtas siya. Sumabog nga lang ang Ducati ni Mark. Pero papalitan na lang daw ni Ara 'yon. Ang importante ligtas sila. Papasok 'yon mamaya at sigurado ako may dagdag na bantay na siya. 'Yon ang sinabi niya sa akin kanina na kikitain nila ang dadagdag sa PSG niya." Ang haba nang sinabi ni Carol pero isa lang naalala ko ligtas si Ara. OK na OK siya. Wala akong paki sa sumabog na Ducati motor nong Mark na 'yon. Kaya pala hindi siya pumasok ng maaga dahil kikitain nila ang dadagdag sa PSG niya. Siguro si Ma'am Aby ang nag-suggest na dagdagan ang PSG niya. Syempre nag-iisang anak pa naman nila Ma'am Aby at General Bolick ito.

Me: "Sige, Carol balik na ako sa office. Salamat sa info." Hindi ko na hinintay pa na makasagot si Carol. Umalis na ako agad para hindi ko na siya maistorbo at bago pa siya makahalata. Inaamin ko may nararamdaman pa rin ako kay Ara. Pero dahil na rin sa Pride ko kaya ako lumalayo sa kanya. Hanggat kaya kung umiwas, iiwas ako sa kanya. Pero dahil sa nangyari kahapon kaya medyo nag-overreact ako at sumugod agad sa office niya. Sana hindi mahalata ni Carol.

Bago ako pumasok sa office ko nakita ko si Cyd sa table niya na parang may pinapakinggan at seryoso masyado ang mukha. Tiningnan ko siya ng mabuti at nakita ko na nakasabit pala ang earset niya. Nilingon ko ang cubicle nila Kib at Almond since makikita ko naman mula sa pwesto ko ang ibang employee. Nakita ko sila Kib at Almond na katulad kay Cyd ay may earset then na nakasabit sa kanilang mga tenga at seryoso ang mga mukha. Sigurado ako isa lang ang pinapakinggan nila. Ma-isturbo nga itong si Cyd.

Me: "Ms. Demecillo, Please come inside in my office!" Bago ako pumasok tiningnan ko kung ano ang magiging reaction niya at nila Kib and Almond. Nakita ko sa mga mukha nila ang pagkabigla. Narinig ko pa ang sinabi ni Cyd bago ako makapasok ng tuluyan sa office ko.

Cyd: "Fuck, nahalata ata niya ako. Sorry boss." So may pinapakinggan nga sila and I think naka group conversation sila. Ako lang ang nakahalata sa kanila kasi alam ko ang totoong trabaho nila.'Yong iba naman dito ay wala naman talagang alam sa kanila kaya wala silang pakialam kung anong gagawin nila.

After few minutes pumasok na si Cyd at kita sa mukha niya na kinakabahan siya.

Me: "Please sit, Ms. Demecillo. Hindi naman ako nangangain nang empleyado." Kanina pa kasi siya nakatayo at wala atang balak umupo.

Pride (ThomAra)Where stories live. Discover now