Chapter #18

177 12 4
                                    


Thomas POV

Pagkatapos naming kumain ang Team ni Ara pumunta na sa room na sinasabi niyang pinasadya talaga niyang ipagawa para sa mga ganitong emergency meetin. Magpapaalam na din ako sa kanila marami pa din akong dapat tapusin sa report ko.

Me: "Ars alis na ako salamat kanina at sa dinner. Kailangan ko na ding tapusin ang report ko. Carol salamat din sa pagpapatuloy sa unit niyo. Send ko na lang sa email mo ang copy ng Report ko." Paalis na sana ako nang magsalita si Ara.

Ara: "Sa susunog Thom mag-iingat kana. Hindi ako palaging nasa paligid lang para tulungan ka sa mga ganyan. Kung maaari kasakasama mo sila Jeron sa mga lakad mo. Kasi hindi mo kaya ang ganun karami." Nag-aalalang mukha ni Ara ang nakikita ko. May care pa rin pala siya sa akin. Kung sabagay ako lang man talaga ang lumalayo sa kanya dahil na din sa insecurities ko sa mga nararating niya.

Carol: "Oo nga naman Thom. Wag ka muna umalis Thom. Dito mo na lang gawin 'yung report mo. Baka matulungan pa kita. Heheh" Tama din si Carol matutulungan din niya ako.

Me: "Ok. Kukunin ko na lang mga files at laptop ko sa Unit din balilk lang ako agad. May mga tanong din ako na kailangan ko talaga tulong mo doon Carol." Hindi ko na hinintay na makasagot sila lumabas na ako agad ng Unit nila.

Ara POV

Umalis agad si Thom pagkasabi niya na kukunin niya lang ang mga gamit niya. Naiwan na lang kami ni Carol dito sa sala kasi sila Mika at Cyd na ang naghugas nang pinagkainan namin.

Me: "Carol alam mo na naman ano dapat mong gawin diba? 'Wag mo lang palapitin si Thom sa room na 'yun. Baka makahalata siya once na kakausapin ko kayo gamit 'yun. Pagkatapos niyong gawin ang report niya send me a copy to my email." Gusto kong pag-aralan agad ang report ni Thom.

Carol: "Ok Ars. Send ko sa email mo ang copy. 'Yong akin pagkatapos ng meeting niyo. May kailangan din akong sabihin sayo. Sana mapagbigyan mo ako. Heheh" Ano naman kaya ang sasabihin ni Carol na parang napaka-importante naman talaga.

Me: "Ok Donkey. Heheh Sige punta na ako sa kanila mukhang andoon na din sila Mika and Cyd. Ikaw na magsabi kay Thom na hindi pwedeng pumunta malapit sa room na 'yon. Ok?"

Carol: "Hmmmp.. Ayan ka na naman sa donkey na yan eh. Sabihan ko kaya si Thom na pumasok sa room na yan. Hahah Pero sige na nga. Basta pagbigyan mo request ko. Heheh" Ano naman kaya request nitong donkey na'to. Makapunta na nga sa room.

Pagdating ko sa room andoon na nga sila lahat at naka-upo na. Akon a lang pala ang hinihintay nila. Kailangan matapos na'to nang maaga kasi marami pa kaming gagawin ni Carol.

Me: "Attention Team Victor!" Ma-awtoridad kong sabi para sa akin lang ang attention nila. "Alam niyo naman siguro kung bakit andito tayo lahat. Ito na ata ang pinakamabilis na araw na pinaalam agad sa atin ang susunod na mission. Kahit ako man ay nagtataka pero wala na tayong magagawa. By Monday nextweek kasi agad kailangan na nating simulan ang mission. Bubuksan ko na ang email para sa mission natin." Bakit parang kinakabahan ako sa bago naming mission. Hindi naman ako ganito dati pag-binubuksan ko email ko para tingnan ang mission ah. Ganito ba kadelikado ang mission na'to para kabahan ako?

Someone POV

Nang mabuksan na ni Ara ang email niya at na-open ang file nan aka-attached sa email agad tumambad sa kanya ang mukha nang isang lalaki na kilalang-kilala niya. At masasabi niyang minahal din niya. Kahit ngayon may nararamdaman pa rin siya. Nabigla siya bakit ito ang nasa files nang bago nilang mission. Hindi alam ni Ara na kahit ang mga kasama niya sa kwarto na 'yun ay nabigla din. Kitang-kita naman kasi dahil naka connect naman ang laptop ni Ara sa Projector Screen. Biglang nagsalita si Kim dahil siya lang din ang nakabawi agad sa pagkabigla. Hindi kasi ma scroll down ni Ara ang file para makita ang buong mission.

Kim: "Hmmm. So ako na siguro ang magbabasa sa files. Ako naman ata ang isa sa mga nakakakilala nang husto na nasa larawan di ba maliban kay Boss Batman na hanggang ngayon ay nabibigla pa rin." Sabay pigil tawa ni Kim na hindi naman pinansin ni Ara.

Mika: "Ok go on, Falcon. Wala pa kasing balak gumalaw si Boss Batman." Sabay tingin kay Ara na hanggang ngayon ay malalim pa rin ang iniisip.

Kim: "Ok. Kitang-kita niyo naman siguro kung sino ang nasa picture. Nakasama pa natin siya kaninang kumain at siguradong nasa labas lang ng kwartong ito kasama ni Carol." Sabay scroll down at doon na nga bumalik sa realidad si Ara nang makita niya kung bakit si Thomas ang Subject nila this time.

Mika: "Oh ano na Boss Batman? Ikaw na ba magtatapos oh si Falcon na?"

Ara: "Sige Falcon ikaw na magtapos. Makikinig na lang ako." Sabay tingin kay Kim na nasa kanyang gilid lamang.

Kim: "So sa nakikita natin siya ang new subject na kailangan nating bantayan. May natanggap ang kanyang ama na isang threat na nag-lelead na gusting patayin ang pangalawa nilang anak na nagkataon na nagtatrabaho sa VSG Company. Ang pamilya Torres ay may 5% shares lamang sa company pero malaking hakbang na 'yun para sa iba na makuha ang 5% shares para maging 50-50 ang labanan sa shares at makuha nang mga kalaban o sakim sa malaking profit ng VSG Company..." Napag-isip2x ni Kim ang nasa report na ang company na binabanggit sa report ay ang company na pag-mamay-ari nila Ara sigurado siyang hindi magdadalawang isip si Ara na tanggaping ang panibagong mission. Since ito na ang matagal na hinihintay ng kaibigan niya na makakuha nang lead kung sino ang pumatay sa mga magulang niya. Pag-nagkataon baka mapahamak ang kaibigan niya sa padalos-dalos na decision. Tsk3x

Mark: "So ang puntirya talaga nila ngayon ay ang anak lang niya na pangalawa at nagkataon pa na sa VSG Company ito nagtatrabaho. EH bakit ayaw nilang e-benta na lang ang shares nila sa owner ng VSG Company. Para 55% na sa kanila." May point din si Tigno "Wolf" pero hindi madali 'yun. Nakisali na rin si Ara usapan.

Ara: "35% lang ang meron ang VSG owner na minana pa niya sa Family niya nan a-ambush." Nanginginig na parang iiyak na saad ni Ara." "Habang ang 15% shares ay nasa Bolick o kina Mama at Papa na loyal sa may-ari ng VSG Company. Alam ko na hindi nila ibibinta 'yun sa kabila kasi ako na ang humahawak ng shares nila at nasa sa akin kung ibebenta nila 'yun." Napatango naman ang lahat sa sinabi ni Ara. Pero hindi pa niya sinasabi na siya ang Owner ng VSG Company sa grupo niya.

Kim: "So 50-50 talaga ang labanan ngayon. Hindi nila kayang saktan si Boss kasi alam nila ang mangyayari sa kanila pag-nagkataon. So si Thomas ang pupuntiryahin nila." Sa sinabi ni Kim Nagpataas ang matagal nang nananahimik na si Almond a.k.a "Tiger".

Almond: "May tanong ako Boss Batman. So kilala ng Pamilya mo ang Owner ng VSG Company? Kasi sa nababasa ko sa mga balita ang bunsong anak lang ng Galang Family ang nakaligtas sa ambush na 'yun. Siguro naman matutulongan niya ang Family ni Thomas para hindi ito mapahamak." Tumingin naman si Kim kay Ara na humihingi nang pirmiso kung sasabihin ba nila ang totoo. Kasi pag-nagtatago sila ng secreto sa mission na'to malamang papalpak sila. Tumango naman si Arak ay Kim.

Kim: "Guys may sasabihin kami ni Boss Batman sa inyo. Pero sana kung ano man ang sasabihin naming sa apat na sulok ng room na ito wala kayong pagsasabihan na kung sino man. Classified to walang ibang nakakaalam kung hindi ang nalalapit lang na mga kaibigan at piling kamag-anak lamang kasi hindi pa nahuhuli ang may kasalanan sa ambush." Hinintay naman ni Kim ang pagsang-ayon nang lahat. Nagtinginan ang lahat at sabay na tumango kay Kim.

Kim: "Kilala niyo ang may-ari ng VSG Company at nakaligtas sa ambush. Matagal niyo na siyang nakakasama sa mga mission."

Kib: "Ano? Ikaw ba 2nd Lt.? Ang yaman mo naman pala. Bakit hindi mo sinabi. Nakakatampo ka." Sabay pout ni Kib. Napakunot noo naman ang iba. Pero si Kim binatukan lang si Kib kasi malapit to sa kanya.

Kim: "May sir aka talaga sa utak eh. Patapusin mo kasi ako. Ang may-ari ng VSG Company ay walang iba kundi si Boss Batman." Nabigla ang lahat na nakatingin sa kanilang Captain. Walang gustong magsalita sa kanilang nalaman. Lalo na si Kib na nakanganga pa talaga.

****

Wooh. Graveh hindi ko alam paano siya tapusin. Hahah

Congrats F2 Logistic Cargo Movers. Skort talaga ni Ara at Kim ang nagpanalo eh. hahah

Pagpasinsiyahan na po mga errors. heheh

Pride (ThomAra)Where stories live. Discover now