Chapter #23

199 12 1
                                    

Someone POV

Magkikita-kita ulit ang Team Victor sa condo ni Ara para e-finalize ang plano nila at ibigay sa mga members ang mga device at para ibigay ang budget na pera sa mga susuotin na formal attire nila sa VSG Company.

Kakarating lang ni Ara sa pinto-an ng Condo Unit niya nang lumabas naman si Thomas sa Unit niya. Agad niyang napansin si Ara since magkaharap lang naman ang Unit nilang dalawa. Pero si Ara hindi pa siya napapansin since nakatalikod ito.

Thomas: "Good morning, Ara! Ngayon lang ata kita ulit nakita dito ah?" Nabigla man sa boses na nadinig nilingon agad ni Ara ang lalaking kumakausap sa kanya.

Ara: "Oh Thomas, nandiyan ka pala. Good Morning din sayo. Ah oo ngayon lang ako nakabalik marami kasing asikasuhin. May lakad ka ata?" Napansin kasi ni Ara na bihis na bihis si Thomas.

Thomas: "May lakad ang barkada kaya paalis na din ako. Magtatagal ka ba dito sa Condo mo?"

Ara: "Ah oo. Simula ngayon dito muna ako mag-stay."

Thomas: "Mabuti naman at napag-isipan mong tirahan din ang Unit mo. Ang mahal kaya ng bili natin sa mga Unit natin tapos hindi lang pakikinabangan. Heheh Sige Ara alis na ako. TUmatawag na si Jeron. See you around!" Narinig niyang may kausap ito bago nakalayo sa kanya. Siguro si Jeron na 'yon sabi niya sa isip. Pumasok na ako si Aras a unit niya.

Ara POV

Mabuti na lang umalis si Thomas para hindi niya mahalata na andito ang buong Team. Baka makahalata pag-nandiyan siya. Kailangan kong kausapin si Carol na dito na muna tumira habang nasa mission kami para hindi kami pag-hinalaan.

After 1 hour dumating din ang lahat. Nasa secret room na kami at nag-bibigay na ng instruction sa lahat. Pagkatapos maibigay ang mga kailanganin nila at ma-explain ng mabuti ang plano. Magkasabay na kaming umalis sa Condo Unit para pumunta sa MOA at pumili ng mga susuotin.

Pagkarating namin sa MOA ang mga lalaki ay pumunta na sa for boys section na suit. Si Tigs at Andrei ang magiging PSG ko habang nasa mission kami. Si Kib at Almond naman since BSBA Major in Marketing Mngt. naman silang dalawa magiging under sila ni Thomas para mabantayan din nila ito.

Sa side naman naming mga Girls pumunta na kami sa girls section na pang office. Pero dahil hindi mahilig si Kim magsoot ng mga skirt lahat ng pinipili niya ay slacks lang talaga at long sleeve with collar. Ako naman both ang pinili ko kasi medyo kaya ko namang magsoot ng skirt pero hindi lang parati kaya bumili na lang din ako ng slacks same kami nila Mika and Cyd.

Natapos kaming mamili ng mga susuotin mga bandang 6 in the evening na kaya napagpasiyahan ng Team na mag-dinner na lang din bago umuwi sa kanya-kanyang tirahan. May isang araw na lang kami para maghanda. Bukas ang huli naming pahinga bago sumabak sa bagong mission.

Pagkatapos ng dinner nagkanya-kanya na kaming umuwi since lahat naman sila may mga dalang sasakyan. Natawagan ko na si Carol habang bumabyahe pabalik sa Condo ko. Bukas na bukas din lilipat na si Carol. Pagkarating ko sa Condo dinala ko na lahat ng binili ko pero dahil naparami ang bili ko ng damit nahihirapan akong bitbitin ang lahat. Mabuti na lang at nakita ako ni manong guard na naka patrol sa parking area na 'yon.

Guard: "Ma'am tulungan ko nap o kayo. Pero hanggang sa may elevator lang ako ma'am."

Me: "Ok lang, manong. Salamat po sa tulong."

Pagkarating namin sa may elevator iniwan na ako ni Manong Guard. Nang makarating na ako sa 18th Floor paglabas ko naman nahirapan din ako. Mabuti na lang talaga walang sumakay sa ibang floor. Bumabagsak na ibang kung pinamili. Hahay bakit naman kasi ang dami kong binili. Tumingin-tinign ako sa paligid baka may makita akong tutulong sa akin. May isang Boy attendant akong nakita kaya tinawag ko para tulungan ako at pagdating naming sa Unit ko bago siya umalis binigyan ko siya ng Tip since malaking tulong talaga ang ginawa niya. Ang saya nga niya sa natanggap niya. Binigyan ko kaya ng 3 thousand. Ayon ang laking pasalamat niya.

Pagkaalis ng boy attendant inayos ko agad ang mga pinamili ko sa kwarto para makatulog na din ako. Bukas kailangan pa naming ni Carol mamili ng stocks na pagkain para sa pang-araw2x namin. Dahil sa pagod nakatulog agad ako.

Kinabukasan (Sunday)

Someone POV

Nagising si Ara dahil sa ingay ng doorbell niya. Bumangon si Ara na inis na inis dahil gusto pa niyang matulog. Pagka-bukas niya ng pinto-an ay pumasok agad ang taong kanina pa nag-dodoorbell.

Carol: "Graveh ka naman, Ars. Tulog mantika ka ngayon. Kanina pa ako nag-dodoorbell. Mabuti pa si Thom napagbuksan agad ako. Nakatapos na lang kami mag-kape tulog ka pa rin. Muntikan ko nang sirain yang doorbell mo."

Nahimasmasan naman si Ara sa kakatalak ni Carol at sa narinig niyang pangalan na Thomas. Hindi pa kasi niya nasara ang pinto-an at pagtingin niya sa pinto-an andoon si Thomas na nakangising nakatingin sa kanyang kabuo-an. Madali namang tumakbo si Ara sa kwarto niya at nag-ayos.

Nagulat naman ang dalawa sa naging reaction ni Ara na pagtakbo ng makit niya si Thomas. Tumawa naman ng malakas si Carol ng maintindihan niya kung bakit tumakbo si Ara. Pagkatapos mag-ayos ni Ara ay lumabas agad siya sa kanyang kwarto. Pagkalabas ni Ara sa kwarto niya tiningnan agad siya ni Carol na naka-ngisi.

Carol: "Nakakatawa ka, Ars. Dahil nakita mo lang si Thomas tumakbo ka kaagad. Wala naman kay Thomas kung hindi ka pa nakapag-ayos. Sanay na yan sa pangit mong mukha pag-umaga. Hahah"

Ara: "Makapang-lait to akala mo naman maganda ka. Hmmmp"

Thomas: "Huwag kang mag-alala, Ars. Maganda ka naman eh kahit hindi ka mag-ayos. Hahah" Biglang namula si Ara dahil sa narinig niya mula kay Thomas at napansin naman agad 'yon ni Carol.

Carol: "Ay ang harot niyong dalawa. Tama na nga yang landi niyo. Ars hindi pa ako kumakain. Magluto ka naman diyan oh. Dito na din kakain si Thomas. May e-rerevise lang kami sa report. Please....heheh" Binatukan naman agad ni Ara si Carol.

Ara: "Anong malandi ka jan. Sipain kita eh. Pagkatapos niyo mag-revise aalis tayo para mag-grocery. Kunti na lang ang stock natin sa pagkain. Masiba ka pa naman sa pagkain."

Carol: "Graveh ka naman sa masiba, girl. Hindi kaya sakto lang naman ang kain ko hah. Sige na magluto kana para makakain na tayo."

Nagluto na nga si Ara para makakain na sila. Nasanay na din kasi siyang kumakain ng breakfast. Tapsilog lang ang niluto niya at nag-gisang kanin na din siya. Pagkatapos niyang magluto tinawag niya ang dalawa at lumapit naman agad ang dalawa sa hapagkainan.

Thomas: "Tapos na naman 'yon, Carol diba? Aalis ako pagkatapos nating kumain. Ok lang ba?"

Carol: "Oks na 'yon, Thom. Pwede ka nang umalis pagkatapos kumain."

Pagkatapos ngang kumain umalis na si Thomas at sina Carol at Ara na lang ang naiwan. Si Ara na ang naghugas ng pinagkainan nila kasi pina-ayos na niya ang mga gamit ni Carol sa kwartong gagamitin nito.

Umalis ang dalawa bandang tanghali na at napag-isipan nila na sa Mall na lang kumain bago mamili. Hapon nang matapos silang mamili. Nag-take-out na lang din sila ng pagkain para hindi na sila magluto nang hapunan kasi maaga pa silang papasok bukas.

Pagkarating nila sa Unit ay inayos na nila ang lahat ng pinamili nila at kumain na din sila ng dinner. Pagkatapos nilang maglinis ay nagkanya-kanya na silang pasok sa kwarto nila at naglinis nang katawan. Dahil sa pagod ay nakatulog agad ang dalawa dahil maaga pa ang pasok nila bukas.

******

Weeww. Natapos din ang Chapter #23. Heheh

Congrats again sa F2 Cargo Movers last Thursday. Undefeated talaga sila.

And Congrats to Mika Reyes. Deserve mo po ang Golden ticket na yan.

Thanks po sa pagbabasa at pag-vote and comments. heheh


Pride (ThomAra)Where stories live. Discover now