MICAH's POV
Ako nga pala si Micah Del Valle. 16 years old. Single. Yun lang muna. So ngayon masakit ang ulo ko sa pagkakaumpog namin ni Tita. Kainis naman kasi bigla ka na lang bang gulatin.Ayan tuloy namumula ang noo ko. May bukol na siguro to mamaya..hayysstt..
Di ko kasi inaasahan ang pag uwi ni Tita as you can see mag isa lang ako sa bahay. Ang tita ko naman is nasa abroad pero ngayon nandito na sya.
Ano kaya balak nya? Sa ngayon ay bumaba na siya. Eto yung nangyari.
-----------------------------------------------------------
"MICAHHH!"
Bigla akong napabangon sa aking kama pagkarinig na pagkarinig ko ng pangalan ko..
*TSUG*
Minulat ko ang aking mga mata..
O.-
-.O
O.O
"Oh no? asan ba ako?" Nagpalinga linga ako. At sakto pagkatingin ko sa ibaba ay may nakita akong nakatihayang tao. Naitanong ko sa sarili ko.
"Hmmm? Kelan pa nagkatao dito?" Then all of a sudden I realize na si Tita pala yun. "Tita?" tawag ko dito.
"TITA?" Nilapitan ko naman ang taong nakahiga sa ibaba ng kama ko at tinapik tapik sa mukha..
"Tita? Gising!"
"Tita!" sabay tapik tapik sa mukha niya.Ayaw magising?. Ano kayang pwedeng gawin ko dito.
Isip...isip..isip...
"TING!" (sound ng Bright IDEA po yan)
Dali dali akong pumasok sa banyo at kumuha ng isang tabo ng tubig..Sabay buhos sa sleeping beauty kong tita.. WALAhhhHH...
Yun OH! Daig pa ang nagising sa bangungot.
"Ano ba yan Micay bakit mo ko binuhusan ng tubig?!"sabi niya.
"Ahh..ehh..Tita para fresh?!" palusot ko naman dito.
"O siya sige iha bumangon ka na jan. Sunod ka sa baba pagkatapos nakahain na ang pagkain." sabi nito na hindi man lang nababakas ang galit.
-----------------------------------------------------------
Kaya ngayon nag ayos na ako at bumaba na.Kanina pa yun naghihintay eh. Nagtataka ba kayo kung bakit wala ang parents ko? Ako nga din. Ulila na ako si Tita Chi na lang ang nag alaga sakin mula pa ng maliit ako hanggang ngayon na 16 na ko. Kaya mahal na mahal na mahal ko yan si Tita. Matandang magandang dalaga yan.Dami din nanliligaw dyan pero ewan ko kung bakit ayaw niya.Eh ang popogi nga at ang yayaman. Kung tumanda lang ako ng konti ay ako ang papatol dun eh...biro lang ayaw ko ng 4M (Matandang mayaman madaling mamatay)..
Di ko na rin nakilala ang mga magulang ko sabi sakin ni Tita namatay si Mama pagkapanganak sakin..Ang saklap lang di ba? Pero maswerte parin naman ako at nandyan ang Tita ko na palaging nagbabantay at nag aalaga sakin..
Siya ang sumusuporta sa lahat ng pangangailangan ko. Tulad na lamang ngayon na magka college na ko. Pero di ko pa rin inaasa ang lahat sa kanya may hiya pa naman ako.Yung Papa ko di ko kilala wala na rin akong pakialam sa kanya (bitter lang). Kasi sabi ni Tita buhat daw ng mabuntis si Mama nawala ng parang bula si Papa. Pero sabi niya wag daw akong magalit kay Papa kasi kung wala yun wala din ang isang katulad ko. O kitam kahit iniwan kami ni Mama ng ama ko di parin niya ako tinuruan na magalit dun.
Pagbaba ko ng hagdan nakita ko si Tita.. Tulala siya tapos malalim ang iniisip..Di ko muna nilapitan at baka nagdradrama na naman. Ganyan yan palagi pag nauuwi sa bahay. Di ko naman matanong kasi panigurado iiyak yan..Pramis.
Kaya ayun...stop muna ako dito sa hagdan.
(END OF CHAPTER 1)
BINABASA MO ANG
Meet Lucky [COMPLETED]
TeenfikceAko si Michaela Del Valle. Isang simpleng babae na may simpleng pangarap para sa aking kaisa isang pamilya. Simple lamang ang buhay ko ngunit magugulo ito sa pagdating ng mga taong mapapalapit ng husto sa akin. Isang hindi inaasahang pangyayari rin...
![Meet Lucky [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/7545897-64-k623606.jpg)