TITA CHI POV
Natapos rin kaming kumain ng agahan. Grabe ang kulit nitong batang ito. Ano kaya yung sinasabi niya na ibinilin sakin. Likas pa naman sa akin ang pagiging makakalimutin.
Hayyss makapag isip nga.. Teka.. Parang.....Hay ewan di ko talaga matandaan.. Senyales na siguro to ng pagtanda.. Matanong nga ulit ang batang yun.. Padabog kasi kung makapag ayos ng pinagkainan napapaisip tuloy ako.. Wait parang may natatandaan na ako..
-----FLASHBACK-----
1 year ago..
" Alis na ko Micay ha? Pakabait ka.. madali lang naman ako dun..tatawagan naman kita palagi.okey?!"
"Opo Tita" - Micah
Kita sa mga mata ng pamangkin ko noon ang lungkot. Eh kung ikaw ba naman ang iwan mag isa. Sino bang di malulungkot?.. Ay Teka konsyensya? Ikaw ba yan?
Niyakap ko n lang ang pamangkin ko ng pagkahigpit higpit para di na siya masyadong malungkot..Inaasahan ko naman na ito eh. Kung di ko lang talaga kailangan umalis di na ako mag aabroad para makasama ng matagal itong pamangkin ko. May kailangan kasi talaga akong gawin dun at alam ko na ito ang magpapasaya sa taong yakap yakap ko.. Napaluha tuloy ako nung maisip ko. Haist..
Nang marinig naman ng batang ito ang iyak ko.
"Tita wag kang umiyak papangit ka nyan!"- biro ni Micah sabay kalas ng pagkakayakap ko sa kanya.
"Anong ako?! Ikaw nga jan ang naunang magdrama tapos sasabihan mo ako ng ganyan..?"-
Tumawa lang siya at yumuko.
"Ikaw talagang bata ka kahit kailan." - napabuntunghininga naman ako ng malalim sabay hawak sa mukha ng pamangkin ko na ngayon ay nakatungo..
"O para naman hindi ka na malungkot anong gusto mong pasalubong pag uwi ko?"
"Ah Tita wala po. Ang pagbalik niyo lang po ang ikakasaya ko" - Micah
Malaki na ang pamangkin ko. Manang mana sa akin...este sa kapatid ko.. ang bait at very sweet... Ganyang ganyan din si Ate sakin..hayyysss....
"Sige na Micay ano ba gusto mo?" - Pilit ko sa kanya.
"Ah eh.. Tita wag na po. Madami na po kayong naibigay sakin..Pero meron talaga sana akong gusto..." - nahihiya nyang tugon
"Oh ano ba yun?"
Ngingiti ngiti na siya tapos sabay sabing "Gusto ko po tita ng -------------" mahina yung pagkasabi niya nung last word kaya ganyan..
"Ano yun?Di kita marinig eh. Parang hangin naman kausap mo nyan."- ako na iiling iling..
"Sabi ko po gusto ko po ng LAPTOP." sabay yuko niya...
"Ah yun lang pala kala ko kung ano na.." sabi ko
"TALAGA Tita?" - excited niyang sabi..
"TALAGANG TALAGA?!"- sabi niya pa..habang niyuyugyog ang balikat ko..
"OO nga..ang KULIT!" - sabay pisil ko sa mukha niya..
"Okey Tita thank you po pwede ka na po umalis baka maiwan ka eh..ByeBye!" - sabi niya na at tulak sakin palabas ng pinto..
Natawa naman ako sa kanya. Humalik muna siya sa pisngi ko bago tuluyan akong umalis..
-----END OF FLASHBACK-----
Napalo ko ang ulo ko ng kamay ko ng matandaan ko yung pinangako ko sa kanya. Nakalimutan ko talaga kasi yun dahil madami dami rin kasi akong inasikaso sa Japan. Pero siyempre magpapalusot na lang ako para di siya magalit.hehehe (evil laugh)
"Micay"- tawag ko sa kanya..katatapos lang niya mag ayos ng kusina.
"Ano po yun Tita?" - Micah habang nakayuko..
Nagtatampo pa siguro sa akin to. Naisip isip ko..
"Samahan mo ko sa mall" - sabi ko
"Po?" - Micah na bakas sa mukha ang pagtataka.
"Sabi ko samahan mo ako sa mall at ng makapamasyal tayo." - ako habang ngingiti ngiti
"Bakit po?" - tanong niya
Ang kulit ano bang nakain nito at tanong ng tanong..haist teka..may naisip ako..
"O ano ayaw mo?!" - ako habang nakataas ang kilay parang naghahamon..hehehe
"Gusto mo mag isa ka dito.Bahala ka sige. Alis na ko." sabay akyat ko sa taas at pasok sa kwarto. Isasara ko na sana ang pinto ng magsalita siya..
"Teka Tita sama ako!" - Micah
Kunyari di ko narinig at sinara ko ang pinto at nagsimulang mag ayos na para sa pag alis. Nabigla naman ako ng may kumatok sa pinto.. Napangiti ako..tulad ng inaasahan..
"Pasok" - sabi ko ng pagalit.
Bumukas ang pinto at tumambad sa akin si Micah na bihis na bihis na at nakaligo na. Agad AGAD. Sabi na eh..
"Oh?!" - sabi ko na medyo may pagkataray habang nakaupo sa kama
"Ah eh Tita.SORRY!" sabay yakap sakin at iiyak iyak..
"Sama na ako.PLEASE?!" sabay pacute..at upo sa may kama
"OKKEY..Tara na! Anong tinatanga tanga mo pa dyan?" - sabi ko at tumayo..
"YES!!" - sabi niyang tuwang tuwa..
SA MALL...
Naglalakad na kami papasok ng mall ng bigla akong may naalala...hmm kailangan kong muna mag withdraw biglaan kasi di ako nakapag isip kanina na magdala ng cash puro credit cards to malamang baka di tanggapin dun sa pagbibilhan. Medyo di kasi masyadong kilala itong mall kung nagtataka kayo.. kaya nagpaalam muna ako sa pamangkin ko.
"Ah Micay libot libot ka muna.May pupuntahan muna ako..Saglit lang tatawagan na lang kita pag okey na." - sabi ko sa kanya..
"Ah oh sige po Tita." - Micah
"Okey sige alis muna ako." - sabi ko
Pahakbang na ko paalis ng may naalala ako..haist sobra na talaga ang pagiging makakalimutin ko..whew..
"Ah wait Micay eto oh". - pigil ko sa kanya na paalis na din sabay bigay sa kanya ng cash.
"Gamitin mo pag may nagustuhan kang bilhin okey?.BYE"- sabi ko sabay kaway.
"Salamat po Tita ingat ka po." - sigaw nya habang paalis ako..tumango na lamang ako sabay lakad palabas..
(END OF CHAPTER 4)
Hanggang dito muna ang chapter na ito..
Sa mga nagbasa po thank you :) please leave a comment..pasyensya na kung walang pang exciting na part..dadating din tayo jan.. hehehe..
Kailangan ko na ba nung Authors Note?.. please guide me..
BINABASA MO ANG
Meet Lucky [COMPLETED]
Teen FictionAko si Michaela Del Valle. Isang simpleng babae na may simpleng pangarap para sa aking kaisa isang pamilya. Simple lamang ang buhay ko ngunit magugulo ito sa pagdating ng mga taong mapapalapit ng husto sa akin. Isang hindi inaasahang pangyayari rin...
![Meet Lucky [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/7545897-64-k623606.jpg)