Chapter 22: A New Friend

97 7 0
                                    

MICAH POV

Sabay sabay kaming napatingin sa kanya. Isang napakagandang babae ang aking nakita. Mukha siyang model sa ganda ng tindig. Maganda at balinkitan ang katawan at medyo curled ang kanyang buhok.Nakatulala lang ako habang papalapit siya.

“Micah mapasukan ng langaw yang bibig mo.”

Tiningnan ko naman ng masama si Lean sino pa nga ba. Asar lang eh.

“Katrina...” rinig kong sabi ni Lance.

Tiningnan ko naman si Lance mukhang close sila nito ah. Landrew kasi ang tawag eh. Ako nga di ko sya matawag ng ganun. Nakita kong nakipagbeso ito kina Lance at Lean at pagkatapos ay ngumiti sa akin.

“Who is she?” agad na tanong nito sa dalawa.

“She is Lance girlfriend soon to be.” Sabi naman nung asungot na walang iba kundi si Lean.

“I see. You really are pretty sa malapitan.” Sabi nito sabay lahad ng kamay sa akin.

Tinangap ko naman ito at nakipagshake hands sa kanya. Grabe parang bulak sa sobrang lambot yung kamay niya.

“Nice to meet you..uhmm…” sabi nito na parang nag iisip.

“Michaela Del Valle” sabi ko.

“Michaela. Nice name.” sabay tingin nito kay Lean.

Huh?Ano kayang meron. Panay kasi ang tingin niya kay Lean habang kausap ako.

“Ah so where are you guys going?” tanong nito sa amin.

Tahimik lang ako. Nahihiya kasi akong makipag usap sa kanya. Kaya dun lang ako sa tabi ni Lance.

“We’re having our lunch together. You like to join us?”  alok ni Lance dito.

Parang umasim naman ang mukha ni Lean sa sinabi ni Lance. Ano kayang meron. Ngumiti muna ng pagkalapad lapad si Katrina bago nagsalita.

“Sure!” sabi nito.

“We use my car.” Sabi ni Lean sabay labas ng keys niya sa bulsa.

“OK!” sabay naming sabi ni Katrina.

Natawa na lang kami tapos tumabi siya sa akin at inagaw ako kay Lance at ngumiti.“Tabi tayo ah! J”

Tumango lang ako sa kanya.Sa front seat naupo si Lance tapos sa backseat naman kami.Habang nasa byahe ay panay ang kwento ni Katrina sa akin ng kung anu ano. Medyo naiilang kasi ako sa kanya kaya puro ngiti at tango lang ang ginagawa ko.

“Michaela saan ka mag aaral this school year?” tanong nito sa akin.

“Sa University sana if makapasa ako sa scholarship exam” sabi ko.

“Really that’s great. I’ll help you to get into our school” masayang sabi nito.

Ano daw. Our school?.Kanila yung school na yun?Tama kaya pagkakarinig ko.

“Huh ah eh Katrina.Sa inyo yung school?” tanong ko ulit.

“Yup! My father own it.” Nakangiting sabi nito.

Natahimik ako bigla. Grabe nakikipag usap talaga ako sa anak ng may ari ng University na iyon.

“Oi natahimik ka?” sabi nito habang pinopoke ang pisngi ko.

“Ah Eh…di ko kasi akalain na kayo may ari nun” sabi ko sabay kamot ng ulo.

“So I was saying.. I could help you para maging scholar ng school. I’ll talk to dad about it.” Sabi nito.

“Ah eh …..”

“Were here!!” sabi ni Lean kasabay ng paghinto ng sasakyan.

Tumingin ako sa bintana tapos nakita ko ang isang mamahaling restaurant. Yung nakikita ko sa t.v pag nanonood ako.Pinagbuksan ako ni Lance ng pinto tapos inalalayan makababa. Si Katrina naman ay bumaba na.Nasa harap na kami ng restaurant napapawow talaga ako.

“Hey mapasukan ng langaw yang bibig mo!” sabi ni Lean sabay angat sa baba ko.

Hinawakan naman ako ni Lance para makapasok. Sa isang reserved area kami naupo then nag order na si Lance ng makakain.Tabi kami ni Lance tapos tabi naman sila Katrina at Lean sa upuan. Apatan kasi siya. Ang ganda ng ambiance dito.

“Micah ano ba gusto mo kainin?” tanong sa akin ni Lance sabay bigay sakin nung menu.

Tiningnan ko naman ito tapos di ko mapigilan na matigilan sa nakikita ko. Ang dami pero di ko alam ang nakasulat.

“Ah eh..kaw na lang Lance mag order sa akin” sabi ko sabay kamot sa ulo.

Kinuha naman ito ni Lean yung menu sa akin tapos tumawag ng waiter.Tinginan na lang kami sa kanya. Dahil ang galing niya magbigkas nung nakasulat ang sosyal parang babae. Hahaha.Tapos yung ilang minute lang kumain na kami. Gutom na rin kasi ako tapos masasarap pa yung inorder ni Lean. Infairness may taste naman siya.Tapos yun biglang sumakit yung tiyan ko ang dami ko kasing nakain kaya nag excuse muna ako.

“Ah excuse me. C.R. lang muna.” Nahihiyang sabi ko sa kanila.

Ngumiti naman ng nakakaloko si Lean sa akin. Ang sarap lang tusukin ng tinidor.

“I'll go with her muna...” sabi ni Katrina at tumayo na rin.

Nginitian ako ni Katrina tapos pumunta na kami ng cr. Ako diretso ako sa cubicle at naglabas ng sama ng loob. Nang tapos na ako ay lumabas na ako tapos naghugas ng kamay. Nakita ko si Katrina na nag aayos at naglalagay ng make up sa mukha. Di ko napansin na naaaliw na pala ako sa panunuod sa kanya.

Nginitian niya ako tapos nagpatuloy lang siya sa ginagawa then humarap siya sa akin.

“Gusto mo lagyan kita?” sabi niya na nakangiti.

Todo tangi naman ako sa kanya. Ni minsan ni hindi ako naglalagay ng make up sa mukha. Mas gusto ko yung natural kong ganda.

“Okey.” sabi niya. “Micah, can I talk to you? Something personal?” sabi niya ng matapos na sa ginagawa niya.

Ano kayang itatanong niya???? 

Meet Lucky [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon