Chapter 26: Unexpected Thing Happens

97 8 0
                                        

3 MONTHS PASSED

Nagsimula ng pumasok si Micah sa university at masayang masaya siya dahil kasama niya si Lance at mayroon na agad siyang kaibigan. Si Daniel, yung kasabay niya pagkuha ng exam. Maganda naman ang takbo ng buhay niya. Pero hindi inaasahang nanghihina na ang kanyang Tita. Ayaw nitong magpatingin sa doctor. Kahit anong pilit niya ay tangi ito ng tangi. DI niya malaman kung ano ang problema. Palaging sinasabi ng tita niya na lagnat lang daw yun.

Isang araw habang pauwi si Micah ay napansin niyang may sumusunod sa kanya kaya agad niyang kinuha ang kanyang phone at tinawagan si Lance. Totoo na itong nanliligaw sa kanya.

Ilang beses itong nag ring ngunit wala pa ring sumasagot. Kniakabahan na siya kaya dali dali ang ginawa niyang paglakad. Nakarinig siya ng pagflash ng camera mula sa kung saan. Mas lalo siyang natakot. Tinawagan niya ulit si Lance pero wala pa rin.

“Katrina asan ka?” tanong niya sa kabilang linya.

Tama tinawagan niya ito. Wala na siyang maisip na pwedeng tumulong sa kanya.

“Bakit?” tanong ng kabilang linya.

“Tulungan mo ako” nanginginig niyang sabi dito.

Nabigla siya ng marinig niya itong magmura sa kabilang linya. Parang mas takot pa ito sa kanya.

“Asan ka?!" tanong nito.

Sinabi ko sa kanya ang lugar kung nasaan ako. Tapos yun binaba niya na ang tawag. Pumasok muna ako sa isang store para hindi niya ako masundan pero nakita ko na nasa labas lang siya at nakangiti. Nakakatakot ang itsura niya.Nangingingig ako sa takot ng biglang may tumapik sa likod ko. Sa sobrang gulat ko ay napasigaw ako.

“AHHHHHHHH!!!!”

Agad naman na tinakpan niya ang bibig ko. Nagpupumiglas ako ng bigla niyang alisin agn takip ng bibig ko at iniharap niya ako sa kanya. “Ako ito” 

“Lean?” sabi ko sabay yakap sa kanya. “Natatakot ako ng sobra.”

“Shhhh.... tama na andito na ako.” Sabi nito sabay haplos ng marahan sa likod ko.

Nakita kong umalis na yung lalaking sunod ng sunod sa akin. Kaya inalis ko na yung pagkakayakap ko sa kanya.

“Sorry.........” nahihiyang sabi ko.

“Okey lang......” sabi nito habang nakamot ng ulo.

Narinig naming ang pagbukas ng pinto ng store tapos nakita ko si Kat . Bakas sa mukha nito ang pag aalala at takot. Agad itong lumapit sa akin at niyakap ako.

“Thank God your safe..” sabi nito at kumalas ng yakap.

Tiningnan nito si Lean.”Salamat” sabi nito dito.

Inexplain niya sa akin kung bakit nandun si Lean ay malapit daw kasi ito sa lugar kaya sinabihan niya ito at agad naman itog pumunta. Medyo malayo kasi ang bahay niya doon at matatagalan siya. Grabe daw nag pag aalala niya sa akin.Nauna ng umalis si Lean dahil may lakad pa daw ito. Kaya kami na lang dalawa. Inaya niya ako sa baha nila. Grabe speechless ako sa ganda ng bahay nila.

“Maupo ka muna...” sabi niya sa akin.

Naupo naman ako tapos nilinga linga ang kabuuan ng bahay. Napakganda ng mga palamuti dito parang yung nakikita ko sa t.v.

“Akyat muna ako at magbibihis” paalam nito at agad na pumanhik sa taas.

Nakita kong may kinausap siyang magandang babae na nakauniform na maid bago umalis. Nakaupo lang ako ng may biglang lumapit sa akin na katulong.

“Do you want anything Miss?” tanong nito habang nakayuko.

“Ay wala po okey lang ako” sabi ko.

Umalis na siya tapos pagbalik may dala ng juice at cookies. Ipinatong niya ito sa mesa at saka umalis.Nangingiti na lamang ako. Kinain ko na rin total gutom na rin ako.Nang matapos na ko sa pagkain ay wala pa rin si Katrina. Kaya napagpasyahan ko na ligpitin na yung kinainan ko.Naglalakad ako papunta ng kitchen nila. Tapos inilagay dun yung plate at baso pabalik na ako ng may marinig akong kalabog.

Agad agad kong tinungo ito at nakita ko ang isang di katandaang lalaki na nakabulagta sa sahig. Sa sobrang kaba ko ay nilapitan ko ito. Iniangat ko ang kanyang ulo na nakasubsob sa sahig. At laking gulat ko ng makita ko ang mukha nito.

Isang nakakaawang at nanlulumong tagpo ito para sa akin. Labis na nahabag ang aking damdamin sa kanya. Hindi ko mawari kung ano ang mararamdaman ko sa sandaling iyon. Namalayan ko na lamang ang pagdaloy ng mainit na likido sa pisngi ko.

Hinaplos niya ang mukha ko at ngumiti. Nabigla ako sa sunod niyang ginawa.

“Helena....” mahinang sambit niya.

Kasabay noon ay ang pagkawala niya ng malay. Parang nagslow motion ang lahat at nakita ko ang nag aalalang mukha ni  Katrina na papalapit sa amin . Mabibilis ang kilos ng bawat katulong sa bahay. Ang tanging nalaman ko na lang ay nasa ospital na kami.

“Okey ka lang?” sabi sa akin ni Katrina.

Parang natulala na lamang ako. At nawalan ng imik sa mga sandaling iyon.

-------------------------------------------------------------------------------

Katrina POV

Kasama ko ngayon si Micah at kasalukuyan kaming nasa hospital. Labis labis ang pag aalala ko kay Daddy ng mga sandaling iyon.

“Micah? Okey ka lang ba?” pang ilang beses ko na itong natatanong sa kanya pero wala siyang imik. Naguguluhan na ako hindi ko alam kung ano ang iniisip niya sa ngayon.

“Teka kukuha lang ako ng makakain natin” paalam ko dito. Kahit na ayaw ko naman sana siyang iwan pero nagugutom na rin ako. Kami lang ang nandito.

Tumayo na ako at akmang aalis nang bigla niya akong pigilan.“Bakit?”

“Sino siya?” sabi sa akin sabay turo kay Daddy na ngayon ay nakaratay sa kama ng ospital.

“He’s my Dad.”

Nakita kong tumango tango siya tapos biglang lumuha.

“Hey don’t cry.” Sabi ko na naiiyak na rin.

Pinunasan naman niya ang kanyang luha at ngumiti sa akin.

“Hehehe..Pasyensya ka na.. Naawa kasi ako sa kanya.” Sabi nito at pilit na ibinabalik ang sigla.

“Sama ako sayo” sabi nito.

Napangiti na lamang ako sa kanya bumalik na siya. Kahit hindi niya pa alam ang totoo ay nararamdaman ko ang concern niya sa Dad ko. At natutuwa ako kahit na ganito ang situasyon. Alam ko na darating din ang tamang panahon para dito.Nilapitan namin si Daddy. Tulog na tulog ito at tingin ko ay payapa ang kanyang mukha.Hinaplos ko ang mukha nito.

“Alis muna kami Dad. Gutom na po kasi itong anak niyo. “ sabi ko dito sabay halik sa noo nito.

Saglit kaming lumabas at pumunta ng restaurant na malapit lamang sa ospital. Kahit walang ganang kumain ay kumain pa rin kami. Natapos kami ng tahimik.

“Ah Katrina uwi na ako ha?” paalam ni Micah pabalik na kami sa ospital minamaneho ko ngayon ang aking kotse.

“Ah sige ihahatid na kita” sabi ko.

“Huwag na makakaabala lang ako sayo. Kailangan ka ng Dad mo dun” sabi nito.

Dad natin yun bulong ko.

Meet Lucky [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon