MICAH POV
1 month later
Hayyyy...Kusot ng mata..strech strech tapos bangon sa kama..
Naku napuyat ako kagabi ah.. Eh pano ba naman kasi kinukulit ako kagabi ni Tita. Pinapasuot ako nung orange dress na ang ikli below the knee eh ang alam ko lang suotin ay jeans at shirt tapos may heels na sandal.hindi porket may kaliitan ako ginaganun na. LIFE IS UNFAIR ...ai nakuha ko pa talagang magdrama.. T______T ... GRR.. San ba kasi kami pupunta at ganun pa ang kailangan isuot.
Anyway Im still happy kasi may sarili na akong laptop. Nakikiwifi rin ako sa kapit bahay namin. Ahihihi.. Mabait na kapitbahay walang password ang wifi.. Nag aaral din kasi ako para dun sa scholarship exam eh malapit na yun..
"Micay?!"
Sino pa nga ba tumatawwag sakin ng ganyan? Hai si Tita talaga.. Favorite niya kasi yung sa Got to Believe in Magic na bidang babae.. kaya napapadalas ang tawag sakin ng micay..tss..
"Bababa na po!"
"Bilisan mo malelate na tayo".
"OPO!"
Ayan tumahimik na. Ayos higaan, Ligo, Paganda tapos bihis..BIHIS?? Oh no. Ayoko ng dress! Argh!!! Hindi naman sa alanganin ako eh.. Ayoko ng ganun..huhuhuhu.. Tingin sa dress sa closet.. Pink pa talaga? Hindi ba pwedeng black na lang or red?? Ay pangit naman pala kung red parang may birthday..
"MICHAELA DEL VALLE BABA NA!!!!!"
Ai naku patay kang bata ka. Complete name with surname pa..Haisst no choice.. Bumaba naman ako sa hagdaan. Hinay hinay lang nakaheels aketch.. Natuto na ako noh..
Pagbaba ko nabigla ako... kasi nakita ko si.......
LANCE??
LANCE POV (first POV)
Earlier last month
"Lance iho pwede mo bang idala itong box sa may DEL Valle Residence dadaan ka naman dun diba?" sabi ni mama.
"Po?"
"Pakidaan naman ito please iho.. Need itong maipadala dun.. Nagkasakit kasi yung magdadala dapat nito. Busy rin ang ibang tauhan sa mall".. sabi niya pa.
"Ah eh Ma.. Di po ba pwedeng si Kuya na lang?" ..tinatamad kasi ako eh.. alam ko si kuya wala yung matinong ginagawa. Yun na lang utusan niya.
"Di pwede iho. May trabaho na yun"..
"WHAT?! Really Ma?!" talaga di naman yata kapani paniwala yun..Eh sa sadyan tamad magbanat yun ng buto eh.. Pati nga pag linis ng kwarto inuutusan ako kahit makita ko pa yung mga tinatago tago niya kina mama na rated tooot..
"Yes Iho, dun siya sa mall natin nagwowork. O sige na iho. Payag na. Wala na kong mapag utusan eh. Male late na rin ako."
"Okey Ma. just this once lang ha.".. baka pag nagkataon akalain ng iba delivery boy talaga ako.. Wahh ayoko nga ng ganun..
"Thanks iho. Nandun na yun sa baba.." at naglakad na siya pababa.
Wow lang nakaprepare na pala ako na lang hinihintay. Si Mama talaga. Ai naku ngayon lang talaga ito. Teka... Teka... sabi ni mama nagwowork na si kuya sa mall. Ano kaya gawain nun doon? Malamang taga utos yun.. Hai naku.. Makaalis na nga..
-----Del Valle Residence----
TOK TOK TOK
TOK TOK TOK
TOK TOK TOK
Kanina pa ako katok ng katok dito. Sumasakit na lang kamay ko. Ano naman kasi klaseng bahay ito. Malaki naman wala man lang doorbell. Ah.. May naisip ako..
TOK!!!!!!!!!TOK!!!!!!!!!TOK!!!!!!!!!
TOK!!!!!!!!!TOK!!!!!!!!!TOK!!!!!!!!!
TOK!!!!!!!!!TOK!!!!!!!!!TOK!!!!!!!!!
Mas malakas na yan. Hahaha kumuha kasi ako ng bato yun ang pinangkatok ko..
Kakatok pa sana ako ng biglang bumukas ang pinto. Napatigil ako saglit. Ano to..? Ang pangit ng itsura..Ay hindi naman masyado. Gulo lang talaga ang buhok niya tapos nakapangtulog pa siya na sando at pajama. Tapos may muta pa sa mata at may panis pang laway. Pfft. Pigil na pigil akong tumawa..
"Goodmorning Ma'am. There's your ordered item in our mall. Just please sign this and were through.." nakangiti kong salubong sa kanya
Nabigla siya..yung itsura niya ganito O.O
Pfft. Sasakit tiyan ko nito eh.
Nang makabawi siya ay nagtanong na siya.."Ah ano ba yun?"
"Its an expensive laptop"..
"Ah excuse me." sabi niya
"Bakit po mam dadaan po ba kayo?"..pabiro kong tanong...hahahaha grabe mukhang tutulog tulog pa ata ito eh..
"NO, I said excuse me for what you've said."
Wow naman. Sinungitan ang gwapong tulad ko. Nakakabadtrip na ah. Walang ganyanan trabaho lang. Ai anu ba yan..
"Ano po yun mam?".. tingnan natin pipikunin ko ito.
"AH KUYA FYI di po ako nag order ng ganyan. Wala nga po akong pambayad dyan eh. Tska po ang aga aga pa eh nagbubulahaw ka na." sabay pameywang niya.
Hala di ako pumunta dito para makipag away. Ibibigay ko lang naman yung box eh ang taray.. Ai makasorry na lang nga kasi kita ko naman sa kanya na naistorbo talaga siya sa pagtulog.
"Pasyensya na po mam napag utusan lang naman po ako." pakonsyensya ko naman sa kanya.
Saglit siyang nag isip at natahimik.. Tapos biglang kuminang kinang mata niya. Ang cute. Aba nakakabakla naman ang term ko ah..ah.. May narinig naman ako na nagtatawag ng pangalan..
"Micay??!!!"
"Micay??!!!"
"Micay??!!!"
OH? Siya pala yung Micay.. parang narinig ko na yun eh.. hmm.. ah tama sa teleserye..hahaha.. ang dami kong tawa ngayong araw na ito ah..
TAPOS the Rest is History.....
Joke lang.. Nex Chapter na lang po.. para makita niyo naman yung side ni PAPA Lance :)

BINABASA MO ANG
Meet Lucky [COMPLETED]
Genç KurguAko si Michaela Del Valle. Isang simpleng babae na may simpleng pangarap para sa aking kaisa isang pamilya. Simple lamang ang buhay ko ngunit magugulo ito sa pagdating ng mga taong mapapalapit ng husto sa akin. Isang hindi inaasahang pangyayari rin...