Chapter 17: Everything would be fine

108 8 0
                                    

LEANDRO POV

Nakakainis. Akalain mo yun kung kailan okey na ako bumalik pa siya. Ano na naman ba ang kailangan niya? Ang katawan ko? Ahihihihi.. joke lang di kasi ako mahilig magdrama hindi tulad ng kapatid ko.

Speaking of him. I have to see him this week. Baka kung ano na naman ang gawin nun. Yeah alright I admit. We shared a girl in the same time. How? Why? At bakit?

It’s because that girl is totally a flirt. Pinagsabay niya kami ng brother ko without knowing it. Kaya pala ayaw niyang ipakilala ko siya sa family ko. Hindi ko man lang nahalata na she is using me kasi I thought from the very start the she love me. Nararamdaman ko naman iyon at nakikita pero nung malaman ko yung totoo sobrang sakit, napakasakit. I remember the first time I saw her and my brother making out. Di ko napigilan ang sarili ko na saktan ang sarili kong kapatid. I am such an idiot that time. Maraming nagbago. My brother and I always argue since then ni hindi na kami magkasundo kahit sa isang bagay na kung dati ay okey naman. Ni hindi lang kami nag uusap kung minsan ay nag iiwasan kaya I stayed in my condo instead of my own house. Naging maliit na ang mundo para sa aming dalawa dahil sa nangyari.

Then nabalitaan ko na lang na Marj left. She went to abroad. I was totally broken that very day. Araw araw at gabi gabi ako sa bar. Umiinon at nilalasing ang sarili. Im so stupid to fell for her, she’s my first love and I know she’s my brother’s first love too.

Minsan pa nga muntik na akong mamatay at muntik na akong makapatay. I was drank and I don’t know what happen.

Nahospitalized ako at yung nabangga ko. 6 months ako sa hospital before nakarecover. I never met the person na nabanga ko all I know that shes okey. Mas nauna daw yun makalabas kaysa sakin basta di na daw yun nagfile na complaint kasi nag iisa lang daw yun. I have read her name as far as I can remember its starts with letter M. Mina ata. Kapag tinatanong ko kina Mama yun napapagalitan lang ako kaya di na ko nagtatanong pero I want to say sorry to her personally if makilala ko siya.

Naputol ang pagmumuni muni ko ng may marinig akong papalapit sa pinto.

Tok

Tok

Tok

Tumayo naman ako sa pagkakahiga sa sofa at pumunta sa pinto.

“You’re here” sabi ko.

Tuloy tuloy lang siya sa pagpasok at umupo sa sofa at binuksan ang TV. Tumabi ako sa kanya at pinatay ang T.V. Tumingin siya sakin.

“Kuya”. Sabi niya

Parang namiss ko namang tawagin ako ng ganito ng kapatid ko. Di ko napigilang yakapin ito. Pilit naman itong kumakalas sa pagkakayakap ko.

“Tigil na kuya” sabi nito sa akin.

Binitawan ko naman siya. Tiningnan ko ang mga mata niya parang may kakaiba.

“So.. I am here now. What are we going to talk to?” seryosong tanong nito.

“She’s back” sabi ko.

“I know. I saw you two” pagkasabi noon ay biglang nawala ang ningning sa mga mata nito.

“Do you still love her?” tanong niya sa akin.

Saglit akong natahimik hindi ko alam kung mahal ko pa si Marj. Matagal na rin ang panahon na lumipas. At puro galit na lang ang nararamdaman ko sa kanya. I don’t think I still love her. Pero di ako sigurado.

You still love her dont you?” sabi nito habang pilit na tumatawa.

“No!’ madiin kong sabi sa kanya.

“I know you do. And guess what mahal ko pa din siya”. Pag aamin nito sa akin

Naawa naman ako sa kapatid ko. Hindi pa rin ito nakakamove on after all these years.

“She don’t deserved to be loved by you, bro. Kung ano man itong nararamdaman mo kalimutan mo na. She used us.” Sabi ko nasa tinig ko pa rin ang galit.

“But she loved me” sabi nito

“I will reject her. Di na ako sigurado kung kaya ko pa siyang mahalin after what she did to me”. Sabi ko sa kanya.

Totoo ayaw ko ng makipagbalikan kay Marj tama na ang isang beses na niloko niya ako. Ayaw ko ng mabigo muli at kung magiging masaya ang kapatid ko sa kanya hindi naman ako tututol. Our parents don’t know about this we keep it secret to them ayaw naming isipin nila na dahil lang sa babae kaya hindi kami nagkakasundo.

Tumango tango siya.

“Help me to win her back” sabi nito at tumayo.

Nabigla ako sa sinabi niya. Bakit? Ganun niya ba talaga ito kamahal para magpatulong pa sa akin na mahalin ulit siya nito.

“Magpapaloko ka ba ulit sa kanya ha? Lance!” hinawakan ko ang polo niya at akmang susuntukin ngunit hindi koi to natuloy ng bumukas ang pinto.

“Lean?Lance? Ano ito!?”.

Mula sa pintuan ay iniluwa nito si Marj na labis ang pagtataka sa nakita.

“What are you doing here!?” sabay naming tanong ni Lance

“Don’t answer my question with another question! Is this about me?” tanong niya.

Natahimik naman kaming dalawa.

“Anyway mabuti na rin at nandito kayong dalawa hindi na ko mag aabalang hanapin ang isa. I just came here to apologize for what I have done sa inyong dalawa. I will make sure na hindi ko na kayo guguluhin.” Pagkasabi nito ay umalis na.

Nagkatinginan naman kaming dalawa.

“Im sorry bro” sabi ko kay Lance

“Im sorry too Kuya”. sabi niya

--------------------------------

Nag iinuman kami ngayon ng kapatid ko. Nasa condo ko lang kami di na kami lumabas magpapakalasing kasi kami. Ako ang nag aya sa kanya. Napag usapan na rin naming na titigil na kami sa pag aaway. Wala naman sa amin talaga ang may kasalanan pareho lang kaming nagmahal. Sinabi niya din na hindi niya na itutuloy ang balak kay Marj. Itatry niya na daw makamoveon.

At ngayon nga nagcecelebrate kami ng pagkakaayos naming dalawa. Lasing na lasing na nga kami eh.

“Kumusta crush mo?” sabi niya sa akin.

Natawa naman ako sa kanya hindi ko akalain na sa sobrang kalasingan ay magagaya niya yung sa commercial ng Mcdo sa T.V. Kaya pinatulan ko naman.

“okey lang..oy nag smile na siya sa akin” sabi ko sabay ngiti. Gayang gaya ko talaga yung nasa commercial.

“Smile ka din” sabi nito sabay ngiti.

“Ganito” sabi niya sabay pakita ng smile niya na may papikit pikit pa.

Grabe iba din tong si Lance. Eh. Pinagbigyan ko na lang nga.

“Ganito?” sabi ko sabay ngiti ng malapad ^____________^ at turo sa mukha ko.

“Hindi” umiling iling siya tapos nagsabi “Konti lang”.

“Ganito?’ sabay pakita ko ng konting ngiti. Aba’y akalain mong nagthumbs up pa.

Di ko na napigilan ang sarili ko. Tumawa ako ng tumawa hanggang sa sumakit ang tiyan ko. Pagtingin ko sa kanya nakalugmok na yung ulo sa mesa.

Hay grabe namiss ko itong makasama si Lance. Napakakulit talaga. Binuhat ko ito at inihiga sa kama. Nakita kong may nalaglag sa bulsa niya. Pagtingin ko yung phone niya.

Itatabi ko na sana ng biglang tumunog. Umilaw yung phone at nakita ko yung picture na nasa wallpaper. Picture ni Lance at ng isang babae. Nakangiti sila pareho. Ipinikit ko ang mata ko parang kilala ko itong babae na nasa picture.

Inilapag ko sa gilid ng mesa malapit sa kama ang phone niya at pilit na inalala ang babaeng katabi niya.

“Tama siya nga iyon” sabi ko bago nakatulog.

Meet Lucky [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon