Chapter 2: Meet My Tita

264 13 5
                                        

TITA CHI POV

Magpapakilala ako sainyo kasi malaking role ang gagampanan ko dito sa storyang ito. Well anyway hindi na ako magpapatumpik tumpik pa. Let me introduce myself to each of every one of you. Ako si Menchie Del Valle, 29 years old. Nagtratrabaho ako sa Japan as a programmer sa isang sikat na company.. Bachelor of Science in Computer Engineering. 

Nagtake din ako ng Programming as a short course di niyo naitatanong accelerated student ako by 16 graduate na ko in my field madaming offers akong natanggap even though wala pa ako sa tamang edad and luckily in the age of 26 madami na akong naipundar na negosyo almost 10 years ko din pinaghirapan yun kasama na rin dito ang pag aalaga ko sa aking nag iisang pamangkin. Siya ang tagawala ng stress ko kapag pagod nun. Nagtataka ba kayo kung paano ko nahandle na alagaan siya while studying and eventually working, its pure hardwork ni hindi ko nga naranasan mag kabf eh. But I dont blame my niece ito ang ginusto ko..

Naalala ko pa kung pano ako iniwan ni Ate noon and sacrifies para maalagaan ako. So I did the same thing sa pamangkin ko..

20 Years Ago

"Ate wag mo akong iiwan.." umiiyak ako habang hawak hawak ang aking ate sa kanyang kamay.

"Chi alam kong matalino ka at higit sa lahat alam ko na mapagkakatiwalaan kita" sabi ng ate ko. 

"Pero Ate ang aga pa wag ka munang umalis!" pagpipilit ko dito.

 "Chi wag kang ganyan..Mahihirapan akong umalis nyan eh..Shhh tahan na..tama na ok?"saway sakin ni Ate.

 "Pero Ate?!"

"Chi naman wag makulit okey? Tayo na lang dalawa sa buhay..kaya kailangan natin to..para rin sayo ang ginagawa ko.." - pagpapaintindi nito sa akin.

"Naiintindihan ko naman ate eh..Pero di ko pa kaya mag isa..gusto ko lagi kitang kasama" sabi ko dito.

"Kaya mo yan Chi..Kilala kita nanjan naman si Manang Fe..aalagaan ka nya habang wala ako..okey?" sabi nito.

 "Pero Ate....Ate ayoko..." 

"Manang Fe kayo na po bahala kay Chi.." sabi ni Ate sabay kuha naman sakin ni Manang Fe

Wala na akong nagawa, naiwan ako kay Manang Fe nung 9 years old ako. Si Manang Fe ay ang malayo naming kamag anak, sa kanya ako iniwan ni Ate. Tapos si Ate nagtrabaho siya sa Japan di ko rin alam kung ano ginagawa niya dun pero every month tumatawag siya at kinukumusta ako.Nagpapadala din siya para sa panggastos namin ni Manang at pati na rin sa pag-aaral ko. Kasi kahit scholar ako kailangan ko parin ng pera, private kasi pinapasukan kong school. 

Tatlong taon din ganun ang sistema.Pero nung mga nakaraan ay bihira na si Ate kung tumawag pero lagi parin siyang nagpapadala. Ewan kung bakit kasi minsan lang siyang tumwag at di na rin siya nagtatagal kapag tumtawag ganun lang. Tapos isang araw biglaan na lang umuwi si Ate. Umiiyak tapos walang kadala dalang kahit ano sa kanyang mga gamit. Yung parang tumakas lang.12 years old na ko nun at graduate na ko ng highschool (di ba sabi ko sainyo accelerated ako). So di ako nun natuloy magcollege. Di naman nun nagsasalita si Ate laging tulala.Ni hindi nga nagkwekwento kung anong nangyari.Basta ang napansin ko lang nung simula ng pag uwi niya araw araw siyang nagsusuka. Ganun nangyayari araw araw di ko naman siya tinatanong na kasi puro iyak lang isinasagot niya.Kaya di na rin lang ako nagsasalita o nagtatanong man lang.

Alam kong may mali pero ayaw ko na rin makialam noon kasi ang bata ko pa daw at di ko daw dapat problemahin ang ganun sabi ni Manang Fe tsaka hayaan ko na lang daw muna ang Ate na makapag-isip. Almost 6 months siyang ganun and I figured out na buntis siya. When she deliver her baby thats the time na iniwan niya rin ako. At di rin nagtagal iniwanan na rin ako ni Manang Fe 2 yrs. old na noon si Micah. Kinaya ko lahat para sa kanya.

Naputol ang pag iisip ko. "Hay ang tagal naman ng batang yun.Kung ano ano na tuloy ang naiisip ko..haisst.." sabi ko habang panay ang pagbuntunghininga.

"Tita okey ka lang po ba?" - Micah

"Ah eh kanina ka pa ba dyan?" sabay punas ng luha ko.

"Opo Tita..okey ka lang po ba?" tanong niya ulit.

"Oo naman okey lang ako Micay! Napuwing lang ako.." sabay ngiti ko naman ng pilit.

"Sure?" tanong niya tumango na lamang ako sa kanya. 

"Sure na sure?!" - tanong niya ulit.

Ang kulit din ng batang ito...kaya ayun hinigit ko siya sabay yakap ng mahigpit..kamukhang kamukha nya kasi talaga si Ate. Nakakamiss din ito..

"SURE!" sabay ngiti ko ng malapad sa kanya at binitawan ko na sa pagkakayap ko..

" O sige na kumain ka na at may pag uusapan pa tayo.." 

"Tita sabay na po tayo" - Micah

Kitam ang bait talaga ng pamangkin ko mana sakin..

" O sige..susunod na ko" sabi ko sabay tayo sa sofa..

Pumunta na ko sa kitchen at nagsimula na kaming kumain ng tahimik..

(END OF CHAPTER 2)

Meet Lucky [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon