MICAH POV
“Hello? Tita".pagsagot ko sa tawag niya.
(" Oh Micay asan ka na? Kanina pa ko dito ah.")
"Ah pasyensya na po Tita na abala po kasi ako kanina eh". Bwisit kasi yung lalaki kanina.Ang sarap higitin yung buhok eh. Kung makatitig parang mangangain. F na F pa nyang tapik tapikin ang maganda kong mukha. Haist.
("Hello Micay!")
Kala ko nga dun babae eh sa ganda ng mukha niya eh. Di ko tuloy mapigilan mapangiti. Ang sama ko napagkamalan ko yung babae. Buti sa kanya. Nakatulala nung iwan ko eh.
("Hoy Micay!")
"Ah hello Tita pasyensya ka na po" sabi ko nagsspace out kasi ang utak ko.Naman.
("Kanina ka pa diyan.wala ka bang balak pumunta dito?!")
("Hay nakung bata ka.Ibababa ko na ito.Tanaw na kita eh.")
Huh?!Anong? Wait.
"Micay!"
"Micay!"
Saktong paglingon ko sa harap kita ko na yung shop na sinasabi sakin ni Tita. At nandun siya tinatawag ako habang nakapameywang.
Dali dali naman akong lumapit sa kanya at humingi ng paumanhin.
"Ay naku. Okey ka lang ba Micay? Tulala ka kanina dun."
"Okey lang po ako Tita. Ano po pala ang gagawin natin dito?"
"Eh ano bang ginagawa dito?" sabay crossed arms niyang sabi.
Kuminang naman ang mga mata ko ng mapansin kung nasan kami.
Woaahh..Ang sweet naman talaga ni Tita. Grabe touch ako kala ko nakalimutan niya na.
"O sige pili ka na lang diyan ng gusto mo.Di kita nabilhan dun sa Japan kasi baka dimo magustuhan yung mapili ko. Mabuti na yang nandito para may choices ka." sabi niya.
OMG.Pipili talaga ako dito.? Okey its now or never... Tumingin tingin muna ako.
Wow.lahat sila magaganda.Pero may nanacapture talaga ng mata ko. Isang bloody red na laptop. Yung nag iisang display at grabe ang GANDA!!!!
Nilapitan ko agad yun. Nakaglass frame kaya di ko mahawakan.Sayang. Binasa ko ang nakasulat sa baba nito. "VOODOO ENVY H171". Kakaiba naman ang tawag dito.
Hmmm.. Nakatulala ako ng biglang may lumapit na sales attendant ata yun. Basta babae na nakaoffice attire.
"Hello Maam." - sabi nung babae at wagas kung makangiti.
Tiningnan ko lang siya tapos nagsalita ulit siya.
"You seem to be interested in our latest Voodoo notebook PC" - sabi niya pa.
Tumango tango na lang ako.
"Do you want me to introduced to you some of its qualities Maam?"-sabi niya pa hindi pa rin nawawala yung ngiti niya.
Tumango ulit ako habang tinitingnan yun Voodoo ba yun. basta yung laptop na red.
"You know Maam..its the world’s leading architect of personalized, handcrafted high-performance PC. This machine is the first notebook to offer a range of next-generation PC technology, including the Intel Core 2 Extreme X6800 processor, a Dual NVIDIA GeForce Go 7950 graphics processing unit (GPU) and a hard drive capacity of up to 600GB using three 200GB hard drives. This balanced and powerful platform delivers unprecedented frame rates and extreme multitasking capabilities for gamers, content creators and all other mobility power users. Added support for next-gen NVIDIA GeForce video cards makes this laptop upgradeable." - tuloy tuloy niyang sabi.
Natulala naman ako sa kanya kasi parang memorize na memorize niya yung sinasabi niya. Nakakanosebleed lang.Pero infairness ganda ng accent.
"Ohey?".. yun na lang nasabi ko kasi di ko naman talaga gets yun.hehe. secret lang natin.Pagtingin ko sa damit niya may nakalagay na maliit na name tag. Nakalagay SOPHIA - MANAGER..Kaya naman pala.
Tatango tango lang ako tapos biglang lumapit si Tita samin.Buti na lang. siya na din yung kumausap dun. tinanong ako ni Tita kung yun na yung gusto ko. Tumango na lang ako. Kasi di pa rin ako makarecover dun sa kumausap sakin.
Nakatayo lang ako dun nang magsalita si Tita.
"Okey na Micay. Bukas na lang daw nila ipapadala sa bahay. Para icheck yung mga kailangan. Downpayment palang yung binigay ko kasi sa bahay na nila yun kukunin ang full. Tuwang tuwa nga yung manager nila na kausap mo kasi ang cute mo daw tingnan. Nakakaattract ka rin ng costumer. Oh tingnan mo napuno dito." - sunod sunod na sabi niya habang tinuturo yung mga tao.
Oo nga ano? Mukha akong model nitong mga laptops.Hehehe Ganda ko noh?
"Oh halika ka na?" - untag nyang sabi sakin.
Tumango na lang ako at sumunod sa kanya. At bigla kong naitanong..
"Tita ahmm magkano po ba yun?"-sabi ko na nag aalangan.
"Ah yun ba?"-sabi niya
"Opo. Ang ganda po kasi nun tapos ang high tech sabi nung babae. Tapos parang mahal kasi nakaglass frame pa." sabi ko.
"Ahh 8500 yun".sabi niya
"8500 po yun? Ang mura naman po para sa ganun." sabi ko na may nag aalangang ngiti.
" in Dollars" kibit balikat niyang sabi.
"DOLLARS!??!!!!!!" sigaw ko.sabay takip ng bibig ko ng mapansin kong pinagtitinginan na ako..
Natawa naman si Tita sa reaksyon ko. Samantalang ako ay iiling iling.
"Halika na kain na lang tayo.". Sabay turo niya dun sa isang restaurant.
Pumasok na kami at naupo. Nag order naman si Tita ng pagkarami raming pagkain. Siguro siya uubos nun..Di kasi ako mahilig sa mga pagkain sa ganitong klaseng lugar. I prefer for home cooked meals. Ako palagi nagluluto sa bahay. Ako rin lang din kakain. hehehe.. Mahilig kasi ako magluto.
Ayun kumain na kami.Tapos as expected karamihan dun si Tita ang kumain. Mukhang namiss niya yung pagkain dito.hehehe.
Pagkatapos namin kumain naglakad lakad na kami tapos pinagshopping niya ako.Galante ngayon si Tita kaya nilubos lubos ko na. Minsan lang kasi ito. Nag grocery na rin kami pagkatapos nun..At gabi na kami nakauwi mga 8:00 pm na. Dun na rin kasi kami nagdinner sa mall. Kaya ngayon pagod na pagod na ang katawan ko. Kaya mabilis lang akong nakatulog.
(END OF CHAPTER 7)
Maikli lang po ito..Palagi naman maikli eh.hehehe :)
![](https://img.wattpad.com/cover/7545897-288-k623606.jpg)
BINABASA MO ANG
Meet Lucky [COMPLETED]
Teen FictionAko si Michaela Del Valle. Isang simpleng babae na may simpleng pangarap para sa aking kaisa isang pamilya. Simple lamang ang buhay ko ngunit magugulo ito sa pagdating ng mga taong mapapalapit ng husto sa akin. Isang hindi inaasahang pangyayari rin...