LEANDRO POV
“Tapatin mo nga ako may gusto ka ba sa akin?” diretsong tanong ko sa kanya.
“Wala no ang kapal din naman ng apog mo ah!” bulyaw nito sa akin.
“Eh bakit parang interesado ka masyado sa babaeng kasama ko?” takang tanong ko sa kanya at nag isip isip. “Hindi kaya natuluyan ka na at naging lesbian?!!!!”
“ARAY!!!!” sigaw ko binatukan ba naman kasi ako.
“Napakapamilyar kasi ng mukha niya. Hawig siya kay Daddy eh” seryosong sabi nito.
“Ano???!!!!” pasigaw kong tanong sa kanya.
Sa dinami dami ng pwedeng ihawig eh sa lalaki pa. May sayad yata itong babaeng to.
“Huwag masyadong makasigaw hindi ako bingi!” bulyaw nito sa akin. “Magkamukha kasi talaga sila ni Daddy lahat ng special features niya kuhang kuha.” Sabi nito na parang nag iimagine pa.
"Kung may hawig siya sa daddy mo eh sana meron din sayo" sabi ko dito.
"Hindi mo naiintindihan magkamukha kasi kami ni Mommy.." sabi nito habang hawak hawak ang baba.
“Bakit ba?” tanong ko dito.
“Hindi kaya siya ang hinahanap ni Daddy? Ang half sister ko?” sabi nito at parang maiiyak na.
“Hoy madaming tao ang magkakamukha kaya baka nagkakamali ka lang..” sabi ko dito at tumayo na paalis.
“Teka!!.” sabi nito tumigil naman ako.
Nakita ko siyang inilabas ang wallet niya tapos may kinuhang picture dito iniabot niya ito sa akin. “Oh!” sabi nito sabay abot nung picture sa akin.
“Aanhin ko naman ito?Mabuti kung chix eh lalaki to eh! Ano ako bakla!” sabi ko dito tapos pilit kong ibinabalik yung picture.
“Malilintikan ka na talaga sa akin Leandro Yu!” sabi nito.
“Oo na! Okey alis na ako.” Sabi ko at lumabas na inilagay ko na lang sa bulsa yung picture ang kulit kasi eh.
Habang naglalakad ako sa corridor ay nakita ko si Lance na kasama yung tigre. I mean yung babae sa mall. Nakaakbay pa si Lance dito. Habang yung babae naman ay panay ang kurot sa pisngi nito. Masaya silang magkasama. Parang nakaramdam naman ako ng konting kirot sa dibdib.
Di nila ako pansin dahil nagkakatuwaan sila. Kaya tinawag ko na lang si Lance. “Bro!”
Lumingon naman ito sa akin. Parang natigilan naman yung babae at nabitawan ang mukha ni Lance..
"Kuya!” sabi nito sabay lapit sa akin.
Maya maya ay tinawag na nito sa ang babae. Halatang gulat na gulat ito.
"Micah.....” tawag ni Lance dun sa babae. So Micah pala ang name niya. I see.
“Meet my brother Lean and Bro my future girlfriend Micah.” Pagpapakilala sa amin ng makalapit ung babae sa amin.
Nililigawan niya pala ito. Tumabi si Lance sa kanya tapos umakbay sabay bumulong ito dito at tumango tango naman si Micah. Hindi ko na narinig yung sinabi niya.
“So I finally know your name.” sabi ko. “Micah ang gandang pangalan..” pagpuri ko sa pangalan niya.
Sinimangutan niya ako na ikinatawa si Lance habang napakamot naman ako ng ulo.
“O by the way Kuya, we’re having a lunch. Care to join us?” tanong ni Lance sa akin.
“Sure if its okay with Micah....” sabi ko dito with matching kindat pa.
Tingnan ko na lang kung di siya mainlove sa akin. Ai hindi pwede pala. Parang nandiri naman ito sa ginawa ko. Wow lang ah. Makapal din ang isang ito eh.
"What do you think Micah?" tanong dito ni Lance.
“Okey lang.....” sabi nito.
Naglalakad na kami paalis sa school ng may marinig kaming pagtawag...
“Landrew!!!Lean!!!”
Sabay sabay kaming napatingin dito. Naisip kong makulit din talaga ang isang ito. Si Vice lang naman ang tumawag sa amin. Close Friends din kasi ang family namin so she call us in our nicknames.
Ano na naman kaya ang binabalak nito.?
BINABASA MO ANG
Meet Lucky [COMPLETED]
Teen FictionAko si Michaela Del Valle. Isang simpleng babae na may simpleng pangarap para sa aking kaisa isang pamilya. Simple lamang ang buhay ko ngunit magugulo ito sa pagdating ng mga taong mapapalapit ng husto sa akin. Isang hindi inaasahang pangyayari rin...
![Meet Lucky [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/7545897-64-k623606.jpg)