MICAH POV
“Ah ehh.. Ano ba yun?” nahihiyang sabi ko.
Iniisip ko baka gusto niyang itanong yung about samin ni Lance. Baka di ako makasagot sa kanya. Kasi ayaw ko rin naman magsinungaling sa kanya. Tapos magaan pa loob ko sa kanya.
“Its about your family. Can I meet them?”
Ano naman tungkol sa akin. Ano ba isasagot ko. wala naman na akong pamilya maliban sa tita ko. saglit akong natahimik. Bakit naman interesado siya sa family ko. Why so sudden?
“Its okey kung ayaw mo. You can think about it” sabi niya tapos inalok na akong bumalik sa seat namin.
------------------------------------------------------------------------------------
“Ang tagal niyo naman?” sabi ni Lean na mukhang bored na.
“Girl talk....” sabi ni Katrina tapos kinindatan si Lean.
Natahimik naman si Lean sa ginawa ni Kat. After naming doon namasyal kami sa kung saan saan hanggang sa gumabi na. Inihatid ako nina Lance sa bahay. Nauna na si Katrina kasi may emergency daw.Nang makababa na ako ay inalok ko sila sa loob sabi ni Lean huwag na daw at nakakahiya. Si lance naman ganun din kaya nagpaalam na lamang ako sa kanila.Nasa may pinto na ako ng makita kong lumabas si Lance sa kotse.Lumapit siya sa akin at may ibinigay na cute key chain.
“Ano ito?” tanong ko sa kanya.
“Para sayo” sabi nito na nakangiti.
“Salamat ah. Ang cute.” Sabi ko.
Sa sobrang tuwa ko kiniss ko siya sa cheeks. Tapos pumasok na ako sa pinto. Nakakahiya kasi yung ginawa ko. Di ko na tiningnan itsura niya.
------------------------------------------------------------------------------------
LANCE POV
Masaya talaga ako pag kasama ko siya. Nalilimutan ko lahat ng problema. Naglunch kami doon sa favorite restaurant ko. Medyo naubusan ako ng allowance dun kasi sobrang mamahal yung inorder ni Kuya tapos ang dami pang nakain ni Micah yun tuloy di kinaya. Nakakatuwa talaga siyang pagmasdan. Makita ko lang na busog siya mabubusog na rin ako.
Nagtataka lang ako kay Katrina. Bakit bigla bigla siyang magpapakita tapos super feeling close pa kay Micah. Ang alam ko lahat ng natatabi sa aming magkakapatid ay kinaiinisan niya. Pero si Micah hindi. Ano kayang meron. Si Kuya naman ayaw magsalita. Parang may alam siya na di ko alam.
Hay bahala na nga.
Nakababa na si Micah ng kotse at nasa tapat na siya ng pinto ng may naalala ako.
“Shoot!” sabi ko.
Tiningnan naman ako ni Kuya tapos parang nagtataka.
“Wait lang kuya I forgot something.” Sabi ko tapos bumaba ako sa kotse at ibinigay kay Micah yung isang cute na keychain na nakita naming noon. Na gusting gusto niya.
“Ano ito?” tanong niya sa akin.
“Para sayo” sabi ko habang nakangiti.
“Salamat ah. Ang cute.” Sabi niya sabay halik sa pisngi ko at pasok dun sa pinto.
Hinawakan ko naman yung pisngi ko tapos naramdaman kong tumaas lahat ng dugo ko sa mukha ko. Nakakabading man pero kinikilig ako.
------------------------------------------------------------------------------------
“Hoy!!” sigaw ni kuya sa akin.
Nakabukas yung bintana ng kotse niya tapos tinatawag na ako.Parang timang naman na bumalik ako sa kotse.
------------------------------------------------------------------------------------
LEAN POV
Magkakasamakaming apat buong maghapon. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Vice. Bakit kaya ganun yun. Hindi naman yun ganun. Close family kasi kami tapos magkakaibigan mga magulang namin. Simula bata ayaw na ayaw niyang nilalapitan kaming dalawa ni Lance ng mga babae gusto niya siya lang kalaro namin. Kaya nung nalaman niya yung tungkol kay Marj nagalit siya sa ami. Kung bakit daw nagpaloko kami sa kanya. Tapos yung madaming sinabing sermon.Pero yung kay Micah kakaiba siya. Hindi kaya seryoso siya dun sa napag usapan namin kanina. Pero wala naman silang pinagkahawig ni Micah. Imposibleng magkapatid sila.
Kinuha ko yung picture sa wallet ko tapos tiningnan yung lalaki sa picture.Tama hawig na hawig nga siya kay Micah. Girl version siya nung si Micah. Paalis na sana kami ng biglang magsalita si Lance.
“Shoot!” sabi nito.
Nabigla naman ako kaya nagtatakang tiningnan ko ito.
“Wait lang kuya I forgot something.” Sabi nito tapos bumaba sa kotse.
Ano kayang nakalimutan nun. Tiningnan ko sila sa tapat ng pinto. Nag uusap tapos nakita ko kiniss siya sa cheeks ni Micah. Ilang minute natulala yung kapatid ko tapos di gumagalaw.
“Hoy!” sigaw ko tapos tinawag ko na para makaalis na kami.
Parang timang naman itong pumasok sa kotse. Napansin kong namumula ang pisngi nito kaya tinukso ko.
“Yun pala ang nakalimutan mo.” Nanunudyong sabi ko.
Ngumiti lang ito na parang nananaginip.
“Tsk.Tsk.Tsk...” yun na lang nasabi ko tapos pinaharurot ko na yung sasakyan pauwi sa amin,
------------------------------------------------------------------------------------
LANCE POV
HAYYYYYY!!
Ang ganda naman ng araw ko. hawak ko ngayon ang aking pisngi habang nakahiga sa aking kama. Ayaw ko muna maghilamos kasi basta feel ko eh.!!Nangingiti ako ng biglang tumunog ang phone ko. Tiningnan ko ito tapos nagulat ako kung sino nagtext.
“Hey!” sabi dun sa text.
Bakit naman ito biglabigla nagtetext ang alam ko wala itong hilig magtext.Nakakapagtaka naman ang ikinikilos niya ngayon. I dont know what is going on.
BINABASA MO ANG
Meet Lucky [COMPLETED]
Novela JuvenilAko si Michaela Del Valle. Isang simpleng babae na may simpleng pangarap para sa aking kaisa isang pamilya. Simple lamang ang buhay ko ngunit magugulo ito sa pagdating ng mga taong mapapalapit ng husto sa akin. Isang hindi inaasahang pangyayari rin...
![Meet Lucky [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/7545897-64-k623606.jpg)