Chapter 5: Goodbye ZAGU

176 12 6
                                        

MICAH's POV

Umalis na si Tita kanina pa pero nakatunganga parin ako dito habang hawak ko yung ibinigay niyang pera.. Ano ba yun si Tita magpapasama ba talaga siya? parang tanga lang eh biglang mag iiwan..haisst ano pa nga ba eh di naglakad na ko.

San kaya magandang pumunta.???

Medyo madami din ang tao sa mall na ito. Minsan lang kasi ako makapunta dito. Palagi akong nasa bahay at nag aaral. Kukuha pa naman ako ng scholarship dun sa isang UNIVERSITY. Kaya tiis munang wag mag gala. Ngayon naman nakapagmall nga di ko naman alam ang pupuntahan ko dito.. hayy..di pa naman ako masyadong pamilyar dito isa pa namang itong sikat na mall dito sa Manila..

Lakad..

Lakad..

Lakad...

Ayun! YES gusto ko rin nun. Namilog ang mga mata ko ng makita yun....

YUM YUM.. magagamit ko rin pera na ibinigay ni Tita sa katunayan nga niyan kung di ako binigyan ni Tita wala talaga akong dalang pera kahit pamasahe man lang..

Wait.. Pila pila muna ako medyo mahaba rin kasi yung nakapila..Ah kung nagtataka kayo nandito ako sa may harap ng ZAGU stand.. Di naman talaga totally nakapila yung tao.Yung mga orders yung nakapila..hehehe.. kaya ayun nag order na ko nung chocolate shake na malaki.. basta yun.. tapos antay antay na lang..

Then after hundred years binigay na rin yung order ko..hehehe joke lang mga ilang minutes lang naman...kinuha ko na yung chocolate ZAGU shake ko dun kay kuya ng biglang may dumaan bigla sa harapan ko. Ang bilis ng pangyayari... Nawala yung SHAKE KO!!!!

Napatingin naman ako dun sa dumaan sa harap ko. Wala naman sa kanya yung shake ko..

A-S-A-N N-A B-A Y-U-N!? WaHhHH..!!!! 

Lingon lingon lingon...

(>.>)    

(<.<)      

(>.>)

Wait bumabaha ba? Pakiramdam ko basa yung paa ko eh ang lamig pa....  (>.<)

Pagtingin ko sa baba..OMGEE wala na ang shake ko..!!!

Wahhh!!!huwahh!! ANG SHAKE KO! huhuhuhu T___________T

Bakit ang lupit ng mundo.. T.T

Kasalanan to nung dumaan eh! HaisT (punas luha tayo sabay tingin dun sa dumaan kanina) 

WALA na! Ay kung sinuswerte ka nga naman.. yung dumaan nakasuot siya ng white polo tapos pants saglit lang siya tumingin sakin tapos tumakbo.... naalala ko yun eh...hmm..Kainis natakasan ata ako.. patay yun sakin..

"Ah eh Miss" - nag aalangang tawag sakin ni Kuya Zagu. (eh siya yung nagbabantay ng ZAGU stand eh..)

"Eto oh ginawan na lang kita ulit kawawa ka naman kasi kanina" - sabi ni kuya habang iniaabot sakin yung shake..

Mabait naman pala itong si Kuya Zagu. hehehe. di pa kasi ako umaalis dun sa harap ng stand niya. kaya siguro nahiya naman siya.hmm.. infairness cute itong si kuya..medyo chubby yung mukha tapos matangos ang ilong maputi at ang kinis.....matangkad din..hala..gwapo nga..kinuha ko naman yung inaabot niya..

"Ah Kuya Zagu salamat po at pasyensya na. Sige po alis na ko babay!"..- sabi ko sabay takbo.. gumagawa na kasi ako ng scene dun eh.. sobrang nakakahiya.. baka sabihin ng iba nababaliw na ko.. hayy.. nakalayo na rin ako doon at naupo sa may tabi... ininom ko na yung shake kasi natunaw na..hehehe..

Ineenjoy ko ang pag inum ng shake ng biglang tumunog ang cellphone ko..

--im on the payphone trying to call home--

Tunog yun ng cellphone ko.hehehe favorite ko kasi yun eh..nagagandahan kasi ako sa kanta.

Agad ko naman dinampot ang phone sa bag ko at tiningnan kung sino ang tumatawag...

TITA CUTE Calling....

Hayy salamat naman at si Tita na..nakalimutan ko na ito si Tita dahil sa nangyari kanina. Di na nga ako natuloy maglakad lakad dahil sa nangyari.. 

"Hello Tita?"

(Micay asan ka na? Nandito na ulit ako sa mall..Puntahan mo ko sa 4th flr ***** Shop-Tita)

"Ah okey po.Bakit ka po nanjan?"

(Wag na kasing magtanong basta pumunta ka na lang.Okey. Sige. Antayin kita dito bye! - Tita)

Ayun pinutol na. Okey simulan ko na naman ang paglalakad na sa 1st flr pa naman ako..maka elevator nga teka san ba yun dito..AHHHH Yun! Bingo!

takbo sabay pasok sa elevator

"Oopsss!!!!!!" 

(END OF CHAPTER 5)

Thanks po sa nagbasa..hehehe.. Sana okey lang ang storya na ito..Sana ako din T__T

Meet Lucky [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon