KATRINA POV
“Ah ano yun Kat?” tanong niya sabay lapit ng tenga sa akin.
“Wala. Sabi ko ihahatid na kita sa inyo. Saan ba kayo?” sabi ko dito.
“Nakakahiya Kat” sabi nito sabay yuko.
“I insist” sabi ko para matapos na ang usapan.
Tinuro niya sa akin yung bahay nila. Medyo may kalayuan ito at nasa isang subdivision. Hindi rin nagtagal ay tumapat na kami sa kanyang bahay.
“Pasok ka sa loob?” tanong nito sa akin.
Ito na siguro ang tamang panahon para makaharap ko ang kanyang ina. Kahit masakit sa akin ay tanggap ko naman ito. “Sige”
Bumababa na kami sa kotse at pumunta ng pinto. Binuksan niya na ang pinto. Tumambad sa akin ang isang simpleng sala sa loob. Walang tao. “Ikaw lang mag isa dito?”
“Hindi. Magkasama kami ni Tita. Nasa loob lang siya ng kwarto. Teka at kunan kita ng maiinum. Upo ka muna.”
Umupo naman ako sa kanilang sofa. Mula sa isang side table ay nakita ko ang kanyang picture. Siya na siguro ang mama niya. O pwede namang tita niya. Masayang masaya sila sa kuhang picture. “Kami yan ni Tita”
Naramdaman kong tumabi siya sa akin at tinuro yung babaeng kaninang tinutukoy ko at ngumiti.
“Ah asan mommy mo?” tanong ko sa kanya habang ibinababa ang picture frame sa mesa. Biglang lumungkot ang mukha niya.
“May nasabi ba akong masama?” tanong ko sa kanya.
“Wala naman. Nakakalungkot kasi pag naaalala ko na wala na si Mama.” Sabi nito at ngumiti.
“Wala na ang mommy mo?”
Tumango siya tapos nagkwento ng tungkol dito. Nalaman ko na nung ipinanganak pa lamang siya ng mamatay ang mama niya at ang tita na lamang niya ang nag alaga sa kanya simula noon.
“Asan Tita mo?” tanong ko pagkakuwan
“Nasa kwarto gusto mob a siyang makilala?” tanong nito sa akin.
Tumango ako. Nagtungo kami sa isang di kalakihang kwarto at nakita ko ang isang babae na nakahiga sa kama. Masasabi ko na ito na ang kanyang tita dahil sa mga larawan na nakita ko sa labas. Ngunit parang may dinaramdam ito. Ang pale ng mukha nito at parang hirap na hirap.
“Micah.” Sabi nito at umupo habang nakapatong ang ulo sa headboard ng kama.
“Tita. Kumusta ka na po?” sabi ni Micah dito at lumapit sa kama at naupo.
Nakatayo lang ako habang pinagmamasdan sila doon.
Ngumiti lang ito at nagsabing “Okey lang ako ang lakas lakas ko pa nga eh. Sino pala yang napakagandang kasama mo.?”
“Si Katrina po Tita kaibigan ko po” sabi ni Micah.
Lumapit ako sa kanya at nagpakilala “Ako po si Katrina Fujiwara. Nice to meet you po” sabi ko dito habang nakayuko.
“FU-JI-WARA?” tanong nito.
“Opo.” Sabi ko.Nakita kong nag iba ang mukha nito at nawala ang ngiti.
“Micah maari bang makausap ko muna itong kaibigan mo?” sabi nito.
“Okey po dito lang ako.” Sabi ni Micah.
BINABASA MO ANG
Meet Lucky [COMPLETED]
Fiksi RemajaAko si Michaela Del Valle. Isang simpleng babae na may simpleng pangarap para sa aking kaisa isang pamilya. Simple lamang ang buhay ko ngunit magugulo ito sa pagdating ng mga taong mapapalapit ng husto sa akin. Isang hindi inaasahang pangyayari rin...
![Meet Lucky [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/7545897-64-k623606.jpg)