Chapter 14: Who is SHE?

119 9 0
                                        

LANCE POV

Naiuwi ko na siya sa kanila. Hinintay ko munang makapasok siya bago ako umalis. May nakalimutan akong puntahan.. I have to see him. Ayokong magalit sa kanya. Naikwento ko kasi kay Ela na hindi kami nagkakasundo ni Kuya pero hindi ko sinabi sa kanya ang dahilan. Nareliaze ko na kapatid ko pa rin siya at kailangan na kaming magkasundo matagal na rin yun. Madaming naikwento sa akin si Ela. Napakagaan niyang kasama ngunit di ko maiwasang malungkot para sa kanya kapag naaalala ko yung kanina. Tingin ko parang nabasag siya nung makita niya yung guy with the girl. Di ko naman siya pinilit na magkwento dahil someday I know mag oopen up siya pag okey na. Instant friends kami nun kanina nagpalitan pa nga kami ng numbers.. Hmm..

Maitxt nga...

TO : CUTE ELA :)

Goodnight :)

SENT...

Okey nagsend na..Nasa harap ako ng condo ni Kuya alam ko na nandito siya. Bihira yun umuwi sa bahay eh..Time Check ---9PM.

Hmm.. Di pa naman siguro tulog yun..Ipinark ko ang kotse ko sa basement then pumasok na ko sa elevator.. 8th Floor..

Saglit akong naghintay tapos yun okey na nandito na ako sa floor ni Kuya.. Room 678..Kakatok na sana ako ng may marinig akong hikbi mula sa loob ng condo niya. Alam kong masamang makinig ng usapan pero di ko mapigilan ang sarili ko na hindi makinig...

"Please patawarin mo na ako Lean".. boses ng babae.. 

"I dont know what your up to. Bakit ka pa bumalik?" boses ni Kuya..

'I love you and I want to win you back"...parang biglang kumurot ang puso ko ng marinig ko ulit ang boses niya. All these time. Nandito pa rin ang sakit. Nakatanga ako ngayon sa pinto ng kapatid ko habang pinapakingan ang mga salitang bumabasag ng puso ko. 

"Just leave ang get out of my sight!!"

Biglang bumukas ang pinto at nakita ako ni Kuya na nakasalampak sa sahig..

"What are you doing here?!!"

"Landrew? Is that you?"

Para akong walang nadinig at tumayo sa kinasasaplakan ko at umalis.. Di ko pa kayang makita siya. di ko pa kayang makita sila...

Naririnig ko pa rin ang pagtawag niya ng pangalan ko. Ang sakit sakit.. Kung dati napakasaya ko kapag naririnig ko mula sa kanya ang pangalan ko ngayon iba na parang dinudurog nito ang puso ko...

Tama na.. This is to much.. Di ko alam kung pano pero agad akong nakarating sa kotse at pinaharurot ko ito. I need to be somewhere else....

------BAR----

Dito ako dinala ng mga paa ko. Madami dami na rin ang nainom ko pero di pa rin mawala sa isip ko ang narinig at nakita ko.. Ito ba ang kapalit ng pagiging masaya ko kanina? Bakit? Di na ba ako pwedeng maging masaya. Maya maya may lumapit sa akin na isang babae..

"Alone?"

Maganda naman siya at seksi ngunit wala akong panahon para makipaglandian. Kaya I just ignore her. Pero nagsalita pa rin siya.

'Ang bigat naman ng problema mo."

Di ko siya pinansin at patuloy parin ako sa pag inom ng alak.

"I know your troubled. By the way Im Alexis" 

Tiningnan ko siya. I can see through her eyes na may problema rin siya. But who cares I have mine too..

"Life is not fair. So you have to play. Just go with the flow." Tapos akmang tatayo na siya at aalis ng hawakan ko ang kanyang kamay at pinaupo ko siya.

"Thanks Alexis. Im Lance. Im sorry for being rude earlier but I think we need each other. Can you accompany me?"

"Sure". sabay ngiti niya.

Hindi na kami nag iinom nagkwekwentuhan na lang kami. Nagsasabihan ng mga sama ng loob I dont know pero parang nakakarelate kami sa isat isa. At ngayon tumatawa na kami pareho sa mga katangahan namin. I figure out na she almost commit suicide dahil lang sa lalaki. Nagawa niya pa nga daw lasunin ang sarili niya. But luckily she survive. Kaya from that di na siya nagmahal pa at ineenjoy enjoy niya na lang ang buhay. Kaya nandito siya sa club ngayon. Then she told me na nilapitan niya ako kasi tingin niya magpapakasuicidal daw ako and kailangan ko lang naman ang WORD of WISDOM ng isang katulad niya....Natawa na lang kami pareho..

The night past and it was already 1am.. I ask her for a cup of coffee outside at hindi naman siya tumanggi..Nagkape muna kami pampawala ng kalasingan. She gave me her number para daw if ever na may problema ako tawagan ko na lang daw siya.. I just smiled at her and bid her goodbye after. Ayaw naman niya kasing magpahatid kahit anong pilit ko..

Nasa loob na ako ns kotse ko at pauwi na sa bahay. Medyo tipsy pa ako pero kaya ko pa naman magdrive. Tiningnan ko ang phone ko. May message galing kay Kuya...

FROM KUYA LEAN:

Dont do anything stupid!

Yeah I know di na ako magpapakatanga sa babaeng yun. Its hard to admit pero pinagsabay niya kami ni Kuya which is such insult. Umalis siya 2 yrs. ago when we found out her darkest secret. Kaya hindi ko lubos akalain na babalik pa siya. At babalik siya para kay KUYA...

Yeah Tama kayo. Siya ang dahilan kung bakit kami di magkasundo ni kuya. Kung kelan naman makikipagbati na ako kay kuya tsaka siya magpapakita. Sino ba siya sa akala niya. Pero di ako sigurado na hindi siya tatangapin ni Kuya. Dahil kung sa akin siya babalik I will accept her. Dahil siya ang una kong minahal.. And I can feel it inside me. Kaya labis akong nasaktan sa mga narinig ko.

Di ko namalayan na nasa tapat na ako ng bahay namin. Bumusina ako. Mga dalawang beses at di rin nagtagal lumabas na ang isang katulong at pinagbuksan ako ng gate. Ipinasok ko na ang sasakyan sa garahe at pumasok sa bahay.

Nakita ko si Mama. Nilapitan ko siya at humalik sa pisngi niya.

"Your late iho..San ka galing?" mahinahon na sabi ni Mama.

"Im sorry Ma for making you wait. But  I have to rest na. Im tired". Sabi ko.

"Okey. Goodnight iho".

Thanks Ma for always being there for me.But forgive me because I cant tell you everything sa isip isip ko. At umakyat na ako sa aking kwarto..

Nakahiga na ako pero di parin dalawin ng antok ang diwa ko. Kinuha ko ang phone ko at nag text..

TO KUYA LEAN:

I know Kuya

SENT....

Pinikit ko na ang mga mata ko.. Isa...dalawa...tatlo...apat...

bzzz bzzz bzzz

Hinablot ko ang phone ko na nakapatong sa mesa at tiningnan kung kanino galing.....

FROM KUYA LEAN:

IM SORRY BRO but we have to talk.

Nireplayan ko naman ito. 

TO KUYA LEAN:

Yeah sure. I will be in your condo one of this days.

Pagkatext ko sa kanya ay hinila na ako ng antok at nakatulog.

Meet Lucky [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon