Chapter 20: Meet Up

116 8 1
                                    

LANCE POV

11 AM na ng maalimpungatan ako. Tsinek ko ang phone ko at nakita kong may message galing kay Micah agad ko itong binuksan.

“Yes!”

Sabi na nga ba at hindi ako matatangihan nito. Basta talaga pagkain go lang ito ng go. Eh kung iba kaya mag yaya dito baka pumayag rin ito. I just erased the thoughts of it. Basta Im happy.

Bumangon na ako sa kama at naligo. Nagtapis lang muna ako ng tuwalya habang naghahanap ng pwedeng isuot. Halos magkalat na ang damit ni kuya ngunit wala pa rin akong mapili. Kainis naman.

Napaupo na lamang ako sa kama at nagpahinga nakakapagaod kaya maghalungkat ng gamit. Lahat naman sana bagay sa akin kaya lang gusto ko yung magmumukha lalo akong gwapo sa suot ko.

Hmmm.. Alam ko na. I open the drawer kung saan nakalagay iyong mga new shirts ni Kuya. Namili ako dun tapos atlast may nakuha rin ako isang simpleng lang pale blue polo at black jeans.

Natapos na akong magbihis at nakapaglagay na rin ako ng konting pabango na halos ipaligo ko na.

Tiningna ko ang ayos ko sa salamin at napathumbs up na lamang ako ng makonteto ako ay lumabas na ako sa condo unit ni kuya. Habang ako ay naglalakad ay panay ang tingin sa akin ng mga babae na nakakasalubong ko. Napansin  ko rin ang todong pacute ng iba sa kanila pero dinedma ko na lang ito. Naglalakad na ako papunta ng elevator at sakto walang laman. Pumasok na ako at isasara ko na sana ng naglapitan ang isang grupo ng mga babae. Umusod na lang ako para hindi ko sila matamaan pero panay ang siksik naman nila sa akin kahit maluwang pa naman yung elevator.

Naramdaman kong gumalaw na yung elevator ng pinindot ng isa ang floor nila. Tahimik lang ako sa tabi ng biglang magsalita ang isa sa kanila.

“Hello po!”

Nginitian ko na lang siya pangit naman kasi kung di ko man lang pansinin di naman ako masungit.

Nagtilian naman sila. Ang sakit lang sa tenga eh.

“Pwede po bang magpa autograph?” sabay sabay nilang sabi habang malawak ang ngiti.

“Ahh…. hindi naman ako artista” nahihiyang sabi ko sa kanila.

“WEEEHH?!!” sabay sabay nilang sabi.

“Oo hindi talaga ako artista…” sabi ko sa kanila with a convincing tone.

“Eh kuya naman kasi ang gwapo mo po kaya kamukaha mo yung idol namin na si Khalil Ramos.” Sabi ng isa sa mga ito at bahagyang naging malungkot ang tinig.

“Sige na po pa autograph na po kami.” Sabi nila with matching puppy eyes.

“Okey..okey…”

“Here…”sabay abot sa akin ng isang marker na galing sa mini purse ng isa sa kanila.

Kinuha ko naman ito at inintay na maglabas siya ng papel pero ngumiti lang ang mga ito.

“Aanhin ko ito?” nagatatakang tanong ko sa kanila hindi kasi sila naglalabas ng papel.

“Si kuya idol naman… ano bang ginagawa sa marker..eh di ba pangsulat.” Sabi ng isang maarte pero may pagkacute na girl sabay tawanan ito.

Timpi lang Lance. Konting pasyensya konti na lang at ipangsusulat ko sa mukha nila itong marker eh.

“ I mean saan ako magsusulat?” sabi ko sa kanila.

Agad itong tumalikod sa akin at sabay sabay na nagsabing “At our backs!!”

“Sure...?” tanong ko sa kanila. Kasi naman nakamini dress sila. Ano yun gagawan ko ng tattoo.

Sabay sabay silang tumango. Napakamot na lang ako sa ulo tapos isa isang tinanong ang names nila.

“Angeli”

“Julie Ann”

“Sophia”

Tapos na ako sa pagsusulat ng name nila. Patuloy ang pakikipagkwentuhan nila sa akin. Para tuloy ang tagal bago ako makababa. Ngumingiti na lang ako sa kanila. Ang iingay nga eh.

Nakahinga ako ng maluwag ng bumukas na ang elevator  at lumabas na sila. I press the button para sa ground floor. Nandun kasi sa parking lot yung kotse ko.

Di rin nagtagal at nagpunta na rin ako sa University and I park my car. Agad akong bumaba at naglakad papunta sa examination room. I remember magkatabi lang dun ang SSG Office for sure makikita ko si kuya dun and I can introduce Micah to him.

Habang naglalakad ako papunta dun ay di maiwasan ang mga titig sa akin ng mga babaeng napapadaan tapos pag tili ng mga ito.

“Kyahhh!Ang pogi!”

“Ang cute?”

“Sino kaya siya?”

“Type ko siya I want to meet him”

Bulungbulongan nila na naririnig ko naman. I tried to ignore all of them and went to the place hindi rin nagtagal ay nakita ko na siya.

Medyo nabigla ang itsura nito pagkakuwan ay ngumiti na ito at lumapit sa akin.

“Oh Lance namiss mo naman agad ako?” sabi nito.

Parang ang sarap lang sabihan na kung alam lang niya na sobrang namimiss ko siya. Pero di pwede we treat each other’s as close friends. Ngumiti na lang ako tapos inakbayan ko siya at ginulo gulo ang buhok . Ang ganda at ang bango niya talaga.

“Siyempre naman..” sabi ko habang hindi nawawala ang ngiti. 

“Halika na…. aya ko dito narinig ko na kasi ang kalam ng lalamunan niya.

Palabas na kami habang nakaakbay ako sa kanya ng matigilan ako.Panay ang kurot niya sa pisngi ko eh at nakita ko si Kuya. 

"Bro!!" 

"Kuya..." ngiwi kong sabi.

Sabay alis ko ng pagkakaakbay kay Micah. Binitawan na rin nito ang namumula kong pisngi. Nakita kong parang nashock si Micah pero hinayaan ko na lamang ito at nilapitan ko si Kuya.

"Micah.....” tawag ko sa kanya. Tulala kasi ito eh.

“Meet my brother Lean and Bro my future girlfriend Micah.” Pagpapakilala ko sa kanila ng makalapit na si Micah

Tumabi  ako sa kanya tapos umakbay ulit. Sabay bumulong "Chickboy kasi yan". 

Tumango tango na lang ito. At nagsabi ng "Okey lang". 

“So I finally know your name.”  sabi ni Kuya dito. “Micah ang gandang pangalan..”

Nakita ko ang pagsimangot dito ni Micah parang kakaiba naman ang reaksyon nito. Natawa na lang ako dahil napakamot na lang si kuya sa kanyang ulo to lighten up the atmosphere nagsalita na ako. 

“O by the way Kuya, we’re having a lunch. Care to join us?”  

“Sure if its okay with Micah”  sabi nito with matching kindat.

"What do you think Micah?" tanong ko kay Micah waiting for her approval.

“Okey lang........” sabi nito.

Naglalakad na kami paalis sa school ng may marinig kaming pagtawag.

“Landrew!!!Lean!!!” 

Meet Lucky [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon