MICAH POV
Umaga na!
Tingin ako sa orasan.6:00 AM. Kainis ang kati ng ilong ko kagabi. Sino kaya nakaalala sa akin? Buti na lang at di namula. Bumangon na ako at nag unat unat. Hayyyy..
Maitext nga si Lance.
To Lance:
Goodmorning!!
Sent
Okey nagsend na rin. Nag ayos na ako at naligo ngayon yung entrance scholarship exam ko di ako pwedeng malate. Tsinek ko na kagabi lahat ng mga gamit na dadalhin ko. Haisst goodluck talaga sa akin. Bumaba na ako at pumunta sa kusina nagluto ng breakfast.
Egg, bacon and fried rice ang niluto ko. Yum Yum Yum
Inihanda ko na ang mesa. Tapos nagtimpla na rin ako ng coffee para sa amin ni Tita. Maya maya ay nakarinig ako ng mga hakbang mula sa hagdan. Si Tita na siguro yan.
At di nga naman ako nagkamali.
“TITA GOODMORNING!!” masiglang bati ko sa kanya sabay ngiti.
“Wow ang sigla mo naman ngayong araw”. Sabi niya sabay upo sa tabi ng mesa at higop ng kape.
“Syempre po ngayon po yung exam ko dun sa pinag aaplayan ko pong university” sabi ko sabay tabi sa kanya.
“Goodluck iha. Mana ka naman sa akin kaya siguradong makakapasa ka” pabirong sabi nito sa akin.
Alam ko naman na matalino siya. Sana nga makapasa ako kundi pabigat ako nit okay Tita pag nagkataon.
“Hoy hindi ka pabigat!” sabi nito
“Ano po yun Tita?” takang tanong ko sa kanya.
“Sabi ko hindi ka pabigat sa akin kung di ka makakapasa diyan sa exam mo.” Pag uulit nito.
Narinig niya ba sinabi ko? O kaya may pagkamind reader itong si Tita. Grabe naman wala talaga akong pwedeng itago sa kanya.
Natapos kami ng pagkain. Di na rin ako nagsalita. Nahihiya kasi talaga ako dito.
SA UNIVERSITY
Bumungad ang isang napakalaking gate sa aking harapan. Wow. I am so amazed. Ilang beses na akong nakapunta dito pero di pa rin mawala ang aking paghanga, grabe lang kasi super taas nung gate ng school.
Pumasok na ako sa loob. Dali dali kong hinanap ang examination room. Pero hindi ko ito nakita.7:00 am na. Patay thirty minutes na lang at magsstart na yun.
Nagmamadali akong umikot sa university halos takbuhin ko na ang mga gusali dito ay di ko pa rin mahanap yung room. Nakayukong naglalakad ako dahil sa sobrang pagkadismaya ng bigla akong may nabungo hindi ko ito pinansin tapos umalis din ito halos lahat na nga na dumadaan eh nabubungo ko pero panay naman sila ng iwas sa akin, nanlulumo na kasi ako di ko alam kung makakaabot pa ako ng may mabungo ulit ako pero this time hindi siya umaalis sa daraanan ko kahit ilang ulit ko siyang banggain.
Kainis. Nilakasan ko ang pagbanga sa katawan niya pero ....parang pader ito sa tigas. Sumakit lang yata ang ulo ko.
Sino ba kasi ito at ayaw man lang tumabi. Iniangat ko ang paningin ko at nashock ako..
“Ikaw?!”
Ngumiti lang siya sa akin.
“Ano bang problema mo?! Tabi nga” sabi ko na nangagalaiti sa galit.
BINABASA MO ANG
Meet Lucky [COMPLETED]
Teen FictionAko si Michaela Del Valle. Isang simpleng babae na may simpleng pangarap para sa aking kaisa isang pamilya. Simple lamang ang buhay ko ngunit magugulo ito sa pagdating ng mga taong mapapalapit ng husto sa akin. Isang hindi inaasahang pangyayari rin...
![Meet Lucky [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/7545897-64-k623606.jpg)