TITA CHI POV
"Sino ba yang kausap mo ha?" Ulit kong tanong sa pamangkin ko..
Lumapit na ako sa kanya at tiningnan kung sino ang nasa pinto. Oh..gwapong guy.. Kaya siguro tulala ito eh..
"Ah iho pasok ka"
"Ah sige po salamat po Maam"
Hinigit ko naman papasok si Micay kasi nakaharang sa daan eh. Natauhan naman siya at biglang yumakap sa kin..
"Hoy Micay anong nangyayari sayo bigla bigla ka na lang nangyayakap ah"
"TITA THANK YOU! THANK YOU TALAGA!"
Ano bang nakain nitong batang ito. Ay hindi pa pala ito kumakain ni hindi pa nga naghihilamos may panis pang laway sa mukha at sabog sabog ang buhok.. Gutom lang siguro.
"Hoy bata ka pakiharapan mo itong bisita mo. Hinding gaganyan ganyan ka. Mahiya ka naman oh."
Nakita kong ngumiti ang binatang kanina pa nakatayo.
"Ah iho maupo ka muna at pag aayusin ko lang itong batang ito."
"Ah okey po?" nag aalangang tanong nito..
"O sige diyan ka muna ha."
Iniwan ko na siya at sinama ang pamangkin ko papuntang kusina. At kinausap.
KUSINA
"Micay nakita mo na ba ang sarili mo sa salamin?"
"Alam ko Tita maganda na ko kahit di ako manalamin" =3=
"Teka nga sino ba yun ha?"
"Sino po Tita?"
"Yung cute na guy sa sala. Sino yun?"
"Ewan ko po"
"Anong ewan mo nagbibiro ka ba? Eh kanina nakita kong kausap mo yun eh..Wag mo nga akong pinaglolokong bata ka. Makakatikim ka sakin"
"Hehehe. Joke lang Tita" ^.^V ... sabay peace sign. "Siya po yung nagdedeliver ng laptop po".
"Ah ganun ba akala ko pa naman manliligaw mo eh.. Ang poging delivery boy yan..O sige mag ayos ka nga ng sarili mo at para kang ewan." sabay tulak ko sa kanya.
MICAHS POV
" Ah ganun ba akala ko pa naman manliligaw mo eh.. Ang poging delivery boy yan.."
" Ah ganun ba akala ko pa naman manliligaw mo eh.. Ang poging delivery boy yan.."
"Ang poging delivery boy yan.."
WHAT!! Baliw talaga yung Tita ko. Manliligaw your fes.. Di joke lang labs na labs ko yan si Tita kahit may sayad. ahehehe..
Umakyat na ko sa kwarto then nag ayos. Ang pangit ko talaga pag bagong gising. Di ko napansin na sabog sabog ang buhok ko kanina at may panis pa akong laway.
AHAHAHAHAHA...
Ano yun? May tawa effect pa? Nakakalerki kasi.. AHEHEHEHE.. di ko mapigilan.. Happy happy..
Yohohohohoo.. LAPTOP HERE I COME..
Pababa na ako ng hagdan ng biglang...
BOOGSSSHH..
OUCH ANG SAKIT! Ang SAKIT SAKIT ng pwet ko.. ahuhuhuhu..
TITA CHI POV
Hinarap ko na yung gwapong delivery boy at naupo sa tapat niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/7545897-288-k623606.jpg)
BINABASA MO ANG
Meet Lucky [COMPLETED]
Ficção AdolescenteAko si Michaela Del Valle. Isang simpleng babae na may simpleng pangarap para sa aking kaisa isang pamilya. Simple lamang ang buhay ko ngunit magugulo ito sa pagdating ng mga taong mapapalapit ng husto sa akin. Isang hindi inaasahang pangyayari rin...