CHAPTER 8

12.7K 271 20
                                    

Hindi niya alintana ang mainit na sikat ng araw na dumadapo sa kanyang balat. Ang nasa isip lamang ni Kira ngayon ay kung paano mapapayag si Black na ihatid siya nito sa bahay niya.

What must she do? Should she act pitiful and hopeless in front of Black? That's a big no no. Never in her almost perfect life would she Kira let herself appear sympathetic to Cadmium's eyes.

"Ugh! Kira, can you just make up your mind? The best thing you can do is to be the bitch that you are!"

She hissed at her craziness. Hindi niya inakalang magkakaganito siya dahil lang sa kaartehan ng lalaking iyon. Kailangan pa niya sigurong mabaliw bago siya nito bigyang pansin.

"Takteng Cadmium kasi."

Napahinto si Kira sa pagkausap niya sa kanyang sarili nang makarinig ng malakas na tikhim sa kanyang tabi. Agad siyang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Mahina siyang napasinghap nang masalubong niya ang magkadugtong na namang kilay ni Cadmium. Her love interest always had that expression everytime they go face to face.

"How long have you been standing there?" She stood up straight, composed herself and crossed her arms above her chest.

"A couple of minutes?" Black sounded unsure. "Long enough to hear you murmuring."

Agad na nag-iwas ng tingin si Kira nang bigla siyang nakaramdam ng hiya.

"Bakit nandito ka pa?" rinig niyang tanong ni Cadmium gamit ang baritonong boses nito. "Akala ko umuwi ka na. Diba mas nauna kang lumabas ng bahay?"

"Napansin mo pala ang paglabas ko kanina?" sarkastikong sagot ni Kira. Nilingon niya si Black at inirapan. "Duh! To answer your second question, hindi pa ako umuuwi dahil gusto kong ihatid mo ako sa bahay."

There, Kira said it. Straight and clear.
Mas lalong nangunot ang noo ni Black. Halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya.

"Hindi lahat ng gusto mo ay masusunod. Don't be such a brat," manghang na sabi nito.

"And don't be too harsh on me," Kira mocked. A smirk suddenly formed on Kira's lips as she walked towards the side of the car's door. "It's just a simple ride. I won't take no as an answer."

Without reluctance, she pulled the car's door open and immediately went inside. Napangisi siya nang makitang napatiim-bagang si Cadmium habang nakapameywang na pinagmamasdan ang sarili nitong kotse. Halatang napupuno na ito sa pinaggagawa niya.

Dali-daling pumasok si Black sa kanyang kotse. Naupo ito sa driver's seat. Ginawaran siya nito ng masamang tingin ngunit hindi siya natinig. Inirapan lamang niya ang binata.

"Hindi mo ako kakaladkarin palabas?"

Hindi sumagot si Cadmium kaya natahimik si Kira. Mukhang naiinis pa rin si Black sa kanya. Narinig niya itong nagmura bago pinaandar ang sasakyan.

Kira waited several seconds for the car to finally move forward and pass through the open gate. Black agreed to take her home. Pure hapiness enveloped her system as she realized that she can now feel the sensation of riding inside this car. How pleasing and romantic.

"Next time..." Agad siyang napalingon sa gawi ni Black nang magsalita ito. "Treat your stepsister nicely."

Tumaas ang kilay ni Kira.

"Can't you not talk about her? Naiinis ako," sarkastikong wika niya habang tinititigan si Cadmium. "Inaagaw ka niya sa akin."

"Inaagaw?" sarkastikong tumawa si Cadmium at marahan umiling. Hindi ito lumingon sa kanya. "Am I even yours?"

"Yes." Puno ng kasiguraduhan ang boses ni Kira. "You are mine, Black." Binigyang-diin niya ang bawat salitang lumabas sa kanyang bibig.

Nakita ni Kira ang paglitaw ng ugat nito sa kamay ni Black habang humihigpit ang kapit nito sa manibela ng kotse. Nakatagilid ito sa kanya kaya libre niyang nakikita ang pag-igting ng bagang nito.

"Shit!" Malakas siyang napasinghap nang biglang huminto ang kotse.

Muntikan pa siyang mauntog sa kanyang harapan. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niyang may trapik pala ngayon sa kalsada.

"Do you really like me?"

Biglang lumakas ang tibok ng puso ni Kira nang marinig ang tanong na iyon. Seryoso ang boses ni Black. Tumagilid si Kira ng upo paharap kay Black. Napangiti siya nang mahuli niya ang pasimpleng pagsulyap ni Black sa kanya. Ngunit nang magtama ang kanilang tingin ay agad din nitong ibinalik ang tingin sa kalsada. Nagsimula na ulit itong magmaneho.

Kira crossed her arms above her chest. "I've been telling you that I like you for so many times yet you don't believe me. You're insulting my feelings, Black."

"Wala kang mapapala sa akin. Mas mabuti pang ituro mo nalang ang daan patungo sa bahay mo para makalabas ka na agad sa kotse ko."

Awtomatikong napaikot ang mata ni Kira nang marinig iyon mula kay Black. Kontra-gusto nga talaga ito sa paghatid sa kanya.

When The Bitch FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon