CHAPTER 31

11.3K 228 9
                                    

Namumula ang pisngi ni Kira at padabog siyang pumasok sa kotse ni Black. Agad siyang umupo sa passenger seat at marahang sinulyapan ang binatang sumisipol-sipol sa kanyang tabi. Halatang nang-aasar lang. Nawala ang kilig na kanyang naramdaman. Inis na lamang ang naiwan sa kanyang sistema dahil sa inaasta ni Cadmium. Sinamaan niya ng tingin si Black at marahas na hinampas ang balikat nito.

"Anong pinagsasabi mo sa driver ni Dad?!" singhal niya. "Why are you making up stories?"

Hinampas niya ulit ang binata ngunit naging mas maagap ito. Mabilis na nahuli ni Black ang pulsuhan niya. Pilit siyang kumawala sa kapit nito ngunit lalo lamang humihigpit ang paghawak ni Cadmium sa pulsuhan niya.

Nangungunot na ang noo ni Kira dahil sa inis habang sumusilay ang nakakalokong ngiti sa mukha ni Black.

"Calm down, Kira," mahina ang boses ni Black nang magsalita. "There's no big deal about that."

"Seriously?" Inirapan niya ito. "You were saying that I'm pregnant. That's a big deal for me."

"Bakit?" Napaatras si Kira nang dumukwang si Black palapit sa kanya. Nakapinta pa rin ang ngisi sa mukha nito. "Totoo ba?"

Tumitig siya sa itim nitong mata at marahang umiling. "Of course not!"

"Hindi naman pala, e. Huwag mong gawing problema ang simpleng isyu na 'yon." Bumaba ang tingin ni Black sa tiyan ni Kira ngunit mabilis ring itong bumalik sa pagtitig sa mukha niya. "You can always deny it."

Umiwas si Kira ng tingin at kagat-labing tumango. Natahimik siya. Natahimik din si Black. Ngunit ramdam niya ang titig nito sa kanya. Naririnig niya ang sunod-sunod nitong paghinga.

Ilang segundo rin ang lumipas bago niya naramdaman ang paggalaw ni Black. Marahan nitong binitawan ang pulsuhan niya. Inilapag nito ang kamay niya sa hita niya. Pagkatapos ay agad din itong umayos ng pagkakaupo sa driver's seat. Tahimik nitong pinaandar ang makina ng sasakyan.

Makalipas ang ilang segundo'y naramdaman na lamang ni Kira ang pag-abante ng kotse ni Black. Mabilis itong nakalabas sa gate ng bahay ng kanyang ama.

"Diretso mo ba akong ihahatid sa bahay?" Marahan niyang kinagat ang ibabang labi bago sumulyap kay Cadmium.

Seryosong nagmamaneho ang binata. Marahan ang pagpapa-ikot nito sa manibela. Ang mata nito'y nasa daan. Hindi siya nito sinusulyapan kahit ilang segundo man lang.

"Black..."

"Hmm?"

"Didn't you hear me?" she sounded a but irritated. "I'm asking... kung diretso mo na ba akong iuuwi sa bahay?"

Saglit itong sumulyap sa gawi ni Kira. May kung anong ekspresyon sa mata nito na hindi niya mabasa. Ngunit nawala din iyon nang agad na bumawi ng tingin si Black. Pagkatapos ay malalim itong humugot ng hininga.

"I won't be sending you home, yet." seryosong wika ni Black. Nakatutok ang pares ng mata nito sa maluwag na daan. "May pupuntahan muna tayo."

Hindi na siya nakipagtalo dahil sobrang drained na ng enerhiya niya. Makaraan ang ilang minuto, natagpuan ni Kira ang sarili sa isang pamilyar na university matapos siyang tangayin ni Black kanina. Ibinaba nito ang bintana sa gilid at bumungad sa kanya ang striktong mukha ng security guard.

Itinukod nito ang kamay sa bintana at bahagyang dumungaw. "Magandang umaga, Sir. Magandang umaga din, Ma'am."

Tumango si Black bago nagsalita. "Are we allowed to go inside? May pupuntahan lang kami."

"Log-in po muna kayo bago pumasok, Sir. Iyon po kasi ang patakaran dito," seryosong wika ng guard bago inabot kay Cadmium ang logbook at ballpen. "Ito po.”

Tinanggap ito ni binata at dinagdag sa listahan ang pangalan nilang dalawa. Ito na rin ang nagpirma sa kanya. Ibinalik iyon ni Black sa guard at pibagbuksan na sila ang gate. Nang makapasok ay ipinarada ni Black ang kotse nito sa gilid ng guard house, kahanay ang iilang mamahaling kotse at mga motorsiklo.
Dumapo ang kanyang tingin sa isang four-storey building. She studied the whole place and remembered that this is where she finished college. Nangunot ang noo ni Kira. Bakit siya dinala ni Black dito?

Lumabas si Black sa kotse kaya wala siyang nagawa kung ‘di sumunod na lang din. Nauna ito sa paglalakad. Hinayaan niya ang distansyang bigyan siya ng panahong mapag-isa. Iilang estudyante sa corridor ang napapalingon sa kanya at ang iba pa ay hini-head-to-foot siya. Sanay na siya sa mga titig na puno ng panghuhusga kaya sa kanya ay wala na iyon.

Huminto ang binata nang marating nila ang isang garden na may tatlong bench sa bawat gilid. Tahimik ang buong lugar at walang ibang tao maliban sa kanilang dalawa. Sa bawat hakbang niya palapit kay Black ay bumibigat ang kanyang katawan. Pero napagtanto niyang sa oras na ito’y wala ng mas bibigat pa sa puso niyang api sa mga sikretong unti-unti nang nasisiwalat.

"What are we doing here?" tanong niya nang tuluyan siyang mapunta sa tabi nito.

"This is where it all started." Inilagay nito ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa at huminga nang malalim. "This is where the tragedy began."

When The Bitch FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon