CHAPTER 47

12.7K 274 31
                                    

Ilang minutong ang lumipas bago sila nakarating sa eskwelahan ni Caia. Lakad-takbo ang ginawa nilang dalawa papunta sa clinic. Hindi nila alintana ang malakas na tunog na kanilang sapatos at heels sa tahimik na hallway. Magkasabay ang paghakbang ng kanilang paa.

Si Kira ang unang pumasok sa loob ng school clinic. Sumalubong sa kanyang paningin ang nag-aalalang mukha ng nurse. Ngunit ang ekspresyong iyon ay agad na napalitan ng pagkamangha nang pumasok si Cadmium sa silid.

"G-good morning po," nauutal nitong bati. Nakatutok pa rin ang mata ng nurse sa binata. "Kayo po ba ang guardian ni Caia?"

Isang tango ang naging tugon ni Cadmium. "We are."

Tumakas ang mahinang singhap sa labi ni Kira nang maramdaman ang paglapat ng palad ni Black sa kanyang baywang. Marahan iyong pinisil ng binata. Nakaramdam siya ng kaunting hiya nang dumako ang tingin ng nurse doon.

"Cadmium, ano ba. Umayos ka," pagalit niyang bulong at pumeke ng ngiti sa nurse. "Miss, ako iyong nakausap mo kanina. Susunduin na namin si Caia. Asan na nga ba siya?"

"Naroon po siya," sagot ng nurse habang tinuturo ang nakasaradong pinto na may nakadikit na Good Eyesight Chart. "Pinagpahinga ko muna siya."

Humakbang sila palapit doon. Ang nurse na mismo ang nagbukas ng pinto. Si Cadmium ang unang pumasok at sumunod naman si Kira. Bumungad sa kanya ang maliit na silid na may puting dingding. May dalawang clinic beds na napagitnaan ng privacy screen. Nakahiga si Caia sa kaliwa. Nakapikit ang mata nito at maputla ang labi. Agad silang nagpunta sa tabi ng kapatid ni Cadmium. Nanatili naman ang nurse sa paanan nito.

"Natutulog pa si Caia." Hinaplos niya ang buhok ng bata bago bumaling ang tingin kay Cadmium. "Gigisingin ba natin siya o maghihintay na lang muna tayo?"

"Gisingin na lang natin siya para madala agad sa hospital," sambit ni Cadmium habang seryosong tinitigan ang mukha ni Caia.

"Okay lang po ba, Miss?" paghingi niya ng permiso sa nurse.

"Kung ako po ang tatanungin niyo, Ma'am, mas mabuti po kung hihintayin niyo na lang na magising ang bata."

Napahinga siya nang malalim at marahang tumango. Bumalik ang tingin niya kay Cadmium. "May kailangan ka bang gagawin ngayon? Ako na lang muna ang magbabantay kay Caia kung may appointment ka pa."

Tumikhim lamang ito at naupo na sa stool na nasa gilid nito. "I'm staying here."

Nagkibit-balikat na lamang si Kira at marahang hinaplos ang braso ni Caia. Mainit ang balat nito ngunit hindi naman gaanong nakakapaso. Napatingin siya sa nurse nang tawagin siya nito at nagpaalam na lalabas na.

Ilang minuto rin silang nanatili ni Cadmium sa loob. Pareho silang tahimik habang pinagmamasdan ang matamlay na mukha ni Caia. Paminsan-minsan ay nakikita niya itong nagnanakaw ng sulyap.

Tila nabunutan siya ng tinik nang makita ang unti-unting pagdila ni Caia. Namumula ang pares ng mata nito noong una pero nang makita siya ay tila kumikinang sa sigla. Pinilit nitong bumangon kaya agad niyang sinuportahan ang likod nito.

"Ate Kira..." Halata ang panghihina sa boses nito. "You're here."

Biglang namuo ang pagtataka sa isipan ni Kira nang hindi pansinin ni Caia ang kuya nito na ngayon ay nasa kanyang tabi na. Puminta ang tampo sa mukha ng bata nang masulyapan si Cadmium.

"Nandito rin si Kuya mo." Itinuro niya si Black kahit na alam niyang nakita na ito ni Caia.

"I know po..." Humalukipkip ito at lumabi. "Pero ayoko sa kanya, ate. One week na niya akong palaging ni-scocold. I have no kasalanan naman."

When The Bitch FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon