CHAPTER 38

9.8K 207 21
                                    

What are we doing in this kind of place?" naguguluhang tanong ni Kira habang binabagtas nila ang sementadong daan ng sementeryo.

Sa kawalan ng dilim ay tumataas ang balahibo niya tuwing dumadako ang kanyang tingin sa mga lapidang nasa damuhan. Nanginginig ang kamay at tuhod ni Kira dahil sa pinaghalong kaba, takot at kuryosidad na bumabalot sa kanyang sistema.

"Black, it's so creepy here," hindi niya mapigilang sambitin at saglit na huminto sa paglakad. "Can't we just go back home now?"

"No. Hindi tayo nagsayang ng oras dito para umuwi lang agad," ma-awtoridad nitong sagot.

Walang nagawa si Kira kung 'di ang sumunod. Hindi rin naman niya maatim na bumalik sa kotse mag-isa. Huminto si Black sa paglakad at ganoon din si Kira. Napaatras siya nang dumapo ang kanyang tingin sa pangalang nakaukit sa dalawang lapidang magkatabi—Carlo Harris at Anita Harris. Tumaas ang balahibo sa kanyang batok nang umihip ang malakas na hangin.

"My mother..." Mabigat ang hininga ni Black nang magsalita ito sa kanyang tabi. "Like what happened to your mom, she died because of depression."

Small amount of guilt pinched her heart as she fixed her eyes on his mom’s grave. Saan iyon galing?

"Namatay siya isang taon matapos ang pagkamatay ni Papa,” puno ng pait ang boses ni Cadmium nang magsimula itong magkwento.

Umawang ang labi ni Kira nang mapagtanto kung sino ang tinutukoy ng binata. Sigurado siyang si Carlo Harris iyon, ang lalaking kasama niya sa aksidente.

"Si Carlo Harris... ang papa mo..." Tila pumitik ang ulo ni Kira habang binibigkas ang bawat salita. Bumigat ang kanyang paghinga. "Paanong magkasama kami sa iisang aksidente? Noong araw na iyon, libing ni Mommy. Pero bakit nagkaroon ng aksidente?"

Umigting ang panga ni Black. Nanatili ang mga mata nito sa lapida. Marahan ang paggalaw ng dibdib nito na para bang pinipigilan ang sariling sumabog.
Ilang segundo pa'y humarap din si Black sa kanya. Namungay ang mga mata nito.

"Seryosong-seryoso ako noon sa panliligaw sayo at umabot sa puntong ipinakilala na kita sa pamilya ko. Tuwang-tuwa sila noon lalo na si Mama. Pinaglihian ka pa nga ni Mama. Halos araw-araw siyang nakikiusap sa akin na dalhin kita sa bahay. That time, pinagbubuntis pa niya si Caia at alagang-alaga pa siya ni Papa."

Nanatiling tahimik si Kira, pilit na inaalala ang lahat ngunit wala talaga.

"Hanggang sa manganak si Mama, ikaw ang bukambibig niya. Naging malapit ka sa pamilya ko pero iyon pa rin ang estado natin. Nagliligawan. That was fine with me. To see my girl treating my family as hers, it was enough for me."

Mariin siyang napapikit nang marinig ang pagak na pagtawa ng binata.

"Diba, Ma?" malambing nitong pagkausap sa ina na para bang naroon lamang ito at kasama nila.

"Why are you saying all of these now?" Kinagat niya ang kanyang labi. "It feels like a different Kira in that story."

Sinundan niya ng tingin ang marahas pag-iling ni Cadmium. "Yeah, ibang-iba ang pagkakilala ko noon sayo. Maybe, I was blinded by my adoration to you that I didn't even see you're actually capable of ruining our family."

Kasabay ng muling pag-ihip ng malamig na hangin, biglang tinambol ang puso ni Kira. Natigilan siya at agad na nagkasalubong ang mga kilay.

"You've said it twice," mahinang wika niya at matamang tinitigan si Black. "You said I ruined your family. But how? What happened? Come on, Black, tell me."

Hindi na napigilan ni Kira at marahas niyang hinablot ang braso ng binata. Humarap ito sa kanya. Rumehistro ang iritasyon sa mukha ni Black ngunit agad din itong naglaho nang magtagpo ang kanilang mga mata. Hindi niya napansin ang pangingilid ng kanyang luha dahil sa frustration na nararamdaman.

"Tell me, Kira. Gusto mo ba talagang malaman?" seryosong sambit ni Cadmium.

Marahang tumango si Kira bago niya binitawan ang braso ni Cadmium . "Of course, I want to know. I am desperate to know, Black!"

"Damn!" malutong na mura ni Black kasabay ng pagtalikod nito sa kanya. Hinilot nito ang sariling sentido at malakas na bumuga ng hangin. "Why is this fucking hard?"

"Black, ano ba!"

"You killed my parents, Kira!” he shouted without anymore restraint. “Kung hindi dahil sayo, hindi sana nadisgrasya si Papa. Kung hindi dahil sayo, hindi sana namatay si Mama sa depresyon at hinanakit. Pinagkatiwalaan ka namin, Kira. Pero anong ginawa mo? You killed them both."

Nawalan ng buong lakas ang katawan niya dahil sa rebelasyon ng binata ngunit sinikap niyang depensahan ang sarili.

"Iyon lang pala ang kinasasama ng loob mo? Just freaking forget it, Black! They're dead now."

"Forget it, huh?!" Umalingawngaw ang sigaw ni Black sa buong lugar. "You think I can fucking forget it? You were my father's mistress. Damn it!"

Nabato si Kira sa kanyang kinatatayuan. Tinakasan siya ng kulay sa mukha. Nangingig ang kanyang buto’t kalamnan. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Hindi niya maintindihan ang lahat.

"Ako? Your father's mistress?" Hindi makapaniwalang tinuro ni Kira ang sarili habang lalong lumalakas ang tibok ng kanyang puso. "Ganoon ba ako kababa noon para pumatol sa isang may asawa?"

Sunod-sunod ang naging pagmumura ni Cadmium. Ilang segundo rin siyang naghintay bago nagsalita ang binata. Sobrang bigat ng kanyang pakiramdam na para bang karga niya lahat ng sisi at galit ng binata.

"I hate you..." namamaos na sambit ni Black.

Tuluyang lumandas ang luha sa pisngi ni Kira dahil sa binitawang salita ni Black. Masakit. Sobrang sakit! Naninikip na ang kanyang dibdib habang patuloy na tumutulo ang kanyang luha. Sa pagkakataong ito, napagtanto niyang may nag-iiba na. Unti-unti na siyang napapanghinaan ng loob.

"Bakit ako nagkakaganito?" mahinang bulong niya sa sarili habang pinapahiran ang luha sa kanyang pisngi.

When The Bitch FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon