CHAPTER 46

12.2K 205 26
                                    

"Hi," simpleng bati ni Kira nang makalapit sa table ni Black dito sa loob ng black and white themed coffee shop.

Tumayo si Black nang magtagpo ang kanilang mata. Akmang hahalik ito sa kanyang pisngi ngunit agad siyang umiwas. Naging matigas ang ekspresyon sa mukha ng binata nang muling umupo.

"What took you so long?" diretsong tanong ni Cadmium.

Sa halip na sumagot, nagkibit-balikat lamang siya at umupo sa tapat ni Black. Napansin niyang may dalawang cup sa ibabaw ng table. Isang tea at isang caramel mocha. Kanina ay nakatanggap si Kira ng mensahe mula kay Cadmium. Gusto nitong makipagkita sa kanya upang pag-usapan ang tungkol sa proyekto. Kahit hindi pabor sa ideya, sumang-ayon na lamang si Kira upang pormal na ipahayag sa binata na hindi na niya itutuloy ang proyekto.

"I've seen you yesterday..." Tumikhim si Cadmium bago humigop ng tea. "At the bar. You're with your friends."

"They invited me. Ano..." Kinagat niya ang kanyang ibabang labi at hinalukay sa kaibuturan ang tapang sa pagtanong, "Can we just get straight to the point?"

Narinig niya ang marahas na pagbuga ng hininga ni Black. "Can't we not talk about our personal lives now? I mean... I want to know your whereabouts."

"Cadmium," she warned him in a low, soft voice. "We're here to talk about the project, remember? Let's not open topics like that. It's not needed."

Naglandas ang gulat sa mukha ni Cadmium. Tinitigan nito ang kanyang mata na para bang binabasa kung anong nasa isip niya. Natahimik silang dalawa. Inabot niya na lamang ang cup ng caramel mocha at sumimsim doon upang kahit papaano'y makailag sa paninitig ng binata.

Pilit niyang pinakalma ang sistemang binabalot ng kaba bago nagsalita, "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Cadmium. I want to settle things."

"What do you mean?" kunot-noong tanong ni Black.

"I've decided... na ano..." Nawawala sa kanyang isipan ang gusto niyang sabihin dahil sa seryosong tinging pinupukol nito sa kanya. "I've decided to back out on the project."

Lalong nangunot ang noo ng binata. "Come again, Kira?"

"Iyon na 'yon. Narinig mo na, 'di ba?"

"Are you sure about this?" Humalukipkip si Cadmium. "Nasabi mo na sa Dad mo?"

Umiling si Kira bilang pagtanggi. "I'll talk to him later. I know he'll understand. Besides, kaya mo naman ata iyong mag-isa. Halos wala rin naman akong nagawa."

"Your Dad would not agree with that," may kasiguraduhan sa boses ni Cadmium habang binibigyang-diin ang argumento. "Especially if your only reason is to avoid me."

"That's not my reason!"

"It is!" Cadmium hissed, his eyebrows meeting halfway. "Do yoy think hindi ko napapansin na umiiwas ka? Hindi ka na nangungulit. Hindi ka na lumalapit sa akin! Kung hindi pa ako nag-ayang makipag-usap tungkol sa proyekto, hindi kita makikita ngayon. You... you don't know how it tortures me!"

Umawang ang labi ni Kira dahil sa naging outburst ni Cadmium. Hindi siya makapaniwalang sa bibig ni Black lumabas ang mga katagang iyon. Agad itong umiwas ng tingin nang siguro ay napansin nito ang mangha na rumehistro sa kanyang mukha. Nahuli niya ang pamumula ng tainga nito at ang malutong na pagmumura. Sumimsim si Kira sa kanyang caramel mocha upang maitago ang kilig na nagsisikap tibagin ang depensa niya.

"Si Heres... siya na ba ang gusto mo ngayon?" may pait sa tono ng binata nang magtanong. "Tell me, may namamagitan na ba sa inyo ng lalaking 'yon?"

Nabigla si Kira sa kanyang narinig ngunit nang makabawi ay uyam na naman ang pumalit na emosyon. Kanina lang ay para siyang kinikiliti, pero ngayon naaburido siya. Bakit kasi sinasali pa ni Cadmium si Heres sa usapan? Her best friend has nothing to do with this. Cadmium should not blame others, but himself. His insults, accompanied by shame, forced her to stop chasing. She had enough.

"You know what, Cadmium?" gigil na tanong ni Kira kasabay ng marahas niyang pagtayo. "This conversation is over. Good bye to all your fucking assumptions!"

Just like that, she turned her back on him and flipped her hair to the side. He called her name in authority but she managed not to look back. She continued walking until she found herself outside the coffee shop.

Diretso siyang naglakad sa kanyang Honda Civic na nakaparada sa gilid ng sasakyan ni Cadmium sa carpark. Buti at hindi siya sinundan ng binata. Mabilis siyang pumasok doon at ipinatong ang noo sa steering wheel, nagmumuni-muni. Hindi niya na inisip na baka sundan siya ni Cadmium dito. Kinagat niya ang sariling labi nang pumasok sa kanyang isipan ang plano niyang pag-alis ng bansa.

Buo na sana ang desisyon niyang mag-aral doon ng kursong gusto niya pero ngayong nakita na naman niya si Cadmium, nagdadalawang-isip na naman siya.

Napasinghap si Kira nang biglang marinig ang malakas na ringtone ng kanyang cellphone. Kinuha niya ito sa dashboard. Nangunot ang kanyang noo nang rumehistro ang unknown number sa umiilaw na phone screen. Pinili niyang sagutin ang tawag.

"Hello, sino 'to?"

"Maam, good morning po. Ako po pala ay isang school nurse ng St. Benedictine's College," pormal na pagsasalita ng babaeng nasa kabilang linya. "Hindi po namin matawagan ang guardian ni Caia Harris kaya ikaw po ang kinontak namin. Pasensiya po sa abala pero maaari po bang sunduin niyo ang bata dito sa school? Mataas po kasi ang lagnat niya."

Namuo ang pag-aalala sa sistema ni Kira. Dahil sa taranta ay agad niyang napindot ang end call button at ibinalik ang cellphone sa dashboard. Akmang lalabas na si Kira sa kanyang sasakyan nang makita si Cadmium sa labas ng cafe. Ibinaba niya ang bintana ng kotse at malakas na tinawag ang pangalan nito. Napalingon sa kanya ang mga estudyanteng dumaan ngunit binalewala na niya ang mga mausisa nitong tingin. She's too worried to care.

Mabilis na lumapit si Cadmium sa kanyang kinaroroonan.

"Bakit ka ba sumisigaw?" malamig nitong tanong.

"Si Caia..." sagot niya sa nanginginig na boses. "Kailangan natin siyang sunduin sa school. She's having fever!"

"What?" Biglang lumitaw ang pag-aalala sa mukha ni Cadmium. "Bakit hindi ako ang tinawagan ng adviser niya o kaya ng nurse doon?"

"My gosh, Cadmium!" she exclaimed in frustration. "Stop asking questions and just drive your car to Caia's school now!"

Natauhan siguro si Black sa sinabi niya kaya agad din itong pumasok sa kotse nito. Siya naman ay ibinaba ang bintana at pinaandar na ang sasakyan. Naunang umalis si Kira. Tiningnan niya ang rearview mirror at nakitang nakasunod agad ang binata.

When The Bitch FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon