"Naloloka na ako dito sa galawan ni Cadmium," nakangising komento ni Xyrina habang iwinawagayway ang pumpon ng rosas. "Grabe ka, Kira. Kung hindi ka pa bibigay ulit, ewan ko na lang sayo."
Inirapan niya ang kaibigan at nilipat ang channel ng TV. "Pwede ba, Xy? Nagmomove on ako."
Narinig niyang humalakhak ang kaibigan. "Hindi ko akalaing magagawa mong sabihin 'yan. Can you really move on, Kira? Nakalimutan mo na ba, you were madly inlove with Cadmiumㅡ"
Sinipat niya ito ng masamang tingin. "Noon 'yon."
"Yeah. Noon, patay na patay ka sa Black mo. Ngayon naman, deny ka ng deny. Hindi naman gano'n kadali mabura ang feelings para sa isang tao." Umiling-iling ang kanyang kaibigan. "Sayang naman ito, o."
Ipinakita nito ang card na bumungad sa harap ng kanyang pinto kaninang umaga. Nakahiwalay ito sa bouquet. Napakagat-labi si Kira nang muling mabasa kung ano ang nakasulat doon.
I love you. And I'm not moving on, Kira.
-Your Black
"Kinikilig ka, ano?" tukso ni Xyrina.
"No." Umiwas siya ng tingin at kumain ng chips. "Parang 'yan lang, e. Cards? Bouquets? Halos lahat ng lalaki nagawa na rin ang ganitong istilo. This is too mainstream. Hindi na ako kikiligin."
Xyrina exasperatedly sighed on her side. "Are you for real, Kira?"
"What?" she innocently replied.
"Hindi mo ba alam kung anong espesyal dito? Look, Kira, hindi mahalaga kung anong istilo ang ginamit ni Cadmium. Yes, those things are too common. But don't you see? He shows effort and he is persistent to show his love tor you, kahit pa itinutulak mo na siya palayo. Iyon ang espesyal doon."
Tumiklop ang dila ni Kira dahil sa kanyang narinig mula kay Xyrina. Hindi niya magawang ipaglaban ang sariling opinyon. Tama ang mga sinabi nito. Siya lang naman itong nagmamatigas at ayaw umamin sa totoong nararamdaman. Well, that's actually part of her moving on processㅡto reject Cadmium in any means.
"O, natahimik ka diyan?" sarkastikong tanong ni Xyrina. "Natauhan ka na?"
Bumuntong-hininga si Kira at marahang umiling. "No, it's still not special for me."
"Liar!" Her subconscious opposed.
Nagkibit-balikat na lamang si Xyrina at itinuon na ang atensiyon sa movie. Hindi na ito muling nagsalita hanggang sa matapos ang palabas. Nang magbukas ito ng bagong topic, hindi na nito ipinasok si Cadmium sa usapan. Pagkatapos nilang magmeryenda ay dumating si Klein upang sunduin si Xyrina.
Naiirita siya, at the same time, naiinggit sa pinapakitang sweetness ni Xyrina kay Klein. Hindi ito nahihiyang halikan ang asawa sa harap niya. They're completely back to how they used to be before.
Masaya siya para sa dalawa pero sa kanyang sarili, hindi na niya alam kung anong dapat maramdaman. She felt uncertain again. She felt wrong for the few times that she rejected Cadmium. But there's this force built by pain that pushes her to forget him and just go on with her plan.
There's no doubt, pain changes people, and Kira was no exception.
She heaved a deep sigh as she made her way back to the living room. Mabilis niyang nilinis ang kalat at inayos ang maliliit na unan sa kanyang sofa. Pagkatapos ay nagtungo siya sa kusina at hinugasan ang bowl at baso na pinaglagyan niya ng popcorn kanina.
Pabalik na si Kira sa sala nang marinig ang ilang ulit na pagtunog ng kanyang doorbell. Nangunot ang kanyang noo nang lumalat ang pagtataka sa kanyang sistema. Maliban kay Xyrina, wala na siyang ibang inaasahang bisita. Kunot-noo niyang tinungo ang pinto at mabilis iyong binuksan.
"What the..." Naibulalas ni Kira nang bumungad sa kanya ang seryosong mukha ni Cadmium. "Anong... why are you here?"
"Hindi pa ba halata? Syempre, binibisita kita." Tumikhim ang binata at sinilip ang loob ng kanyang bahay. "Hindi mo ba ako iimbitahang pumasok?"
Pinasadahan niya ng tingin si Cadmium mula ulo hanggang paa. Ang una niyang napansin ay ang pagkawala ng balbas ng binata. Namangha siya dahil sa pagiging maaliwalas ng mukha nito. Bagay na bagay rin kay Cadmium ang suot nitong tuck-in polo na nakatupi hanggang siko.
Sa kabila ng paghanga ni Kira sa kagwapuhan ni Cadmium, nangibabaw pa rin ang iritasyon niya sa binata. Hindi niya napigilang magtaas ng kilay. "I already told you to stop seeing me."
"Command rejected, Kira." ma-awtoridad ang boses ni Cadmium nang magsalita. "You should know that I'm not giving up on you. Ipagtulakan mo man ako, I'll still chase after you. I'll go desperate just to have you again. Iㅡ"
"Shut it, Cadmium." She gritted her teeth to prevent a smile on her lips. "Pumasok ka na nga lang."
She stepped back to let him in her house. And maybe, in her heart, too. That's how her Sunday afternoon ended. Their Sunday night together was another... thing.
Monday passed. And then, Tuesday. Then, Wednesday. And now, Thursday, Cadmium's still out of sight. He doesn't show up but he's still sending flowers and a card containing sweet statements.
The last time she saw him was four days ago. Now, doubt is starting to creep up on her mind. Can she really survive these two weeks without seeing Cadmium? How about one year? Or two?
Kira's lips stretched into a fake smile as she let her eyes roll over the statements written on the last card she received from him.
I met a beautiful lady today. You have the same features so she reminds me of you. Still, you're much prettier. And you're the only one for me. I miss you already, Kira. I love you.
-Your Black
Nababagabag siya sa mensahe nito. She felt threatened. She felt scared to visualize what might happen in the future. One day, Cadmium will be with another woman, married and happy. And she will become that regretful girl who couldn't really move on.
BINABASA MO ANG
When The Bitch Falls
General FictionThe untameable Kira Fuentes is vocal about her affection towards the young Cadmium Harris, an engineer. She tries to impress the guy with her wild and fiery stunts, but there is only the slimmest of chances that she would succeed. He simply hates he...