Tatlong araw na ang lumipas matapos ang ginawang pagbabantay ni Kira sa maysakit na si Caia. Dalawang araw na ring hindi nagparamdam si Cadmium. He already stopped bugging her with creepy texts and blackmails. Kira was supposed to be happy of that, but there's still a part of her that misses him. It's her heart, no wonder.
Iwinaksi ni Kira ang larawan ni Cadmium sa kanyang isipan at marahas na bumuga ng hininga. Itinuon niya ang pansin sa pagparada ng sariling sasakyan sa gilid ng isang pamilyar na cottage. Ipinilig niya ang kanyang ulo upang masilip sa kabilang bintana ang malawak na dagat na dati na niyang napuntahan kasama si Cadmium. Gumuhit ang mapait na ngiti sa kanyang labi habang pinagmamasdan ang repleksiyon ng lumulubog na araw sa umaalong katubigan.Awtomatikong lumihis ang tingin ni Kira doon nang tumunog ang kanyang cellphone. Dali-dali niya iyong kinuha mula sa kanyang bag. Nabuhay ang galak sa kanyang sistema ngunit agad din siyang nanlumo nang makitang galing kay Heres ang text.
She was actually expecting a message from someone else, from Cadmium.
Disappointed, Kira lost energy to read the long message despite its sense of importance. Still, she obliged to see the content.From: Heres
Where are u? Nandito ako sa bahay mo. I'm having a little prob with scheds. I'll have to postpone our flight. Sorry, Kira! May two weeks extension pa ang pagstay ko dito. But if you insist, pwede ka namang umuna. :)"Oh gosh!" napahilot siya sa kanyang noo at marahang umiling nang mapagtantong magtatagal pa siya sa bansa. "Two weeks pa akong mananatili dito! Should I be happy with this?"
Habang kinakausap ang sarili ay muling tumunog ang kanyang cellphone. Napapitlag siya sa kanyang kinauupuan nang rumehistro sa screen ang paborito niyang kulay.
Black calling...
Kagat-labi niyang sinagot ang tawag. "Hello?"
Cadmium's chuckle vibrated in her ears as he answered over the phone. "I can see your car from where I stand. You're parking on that cottage again, huh?"Nanlaki ang mata ni Kira. Sa sinabi ng binata ay napagtanto niyang nasa malapit lang ito. Mabilis niyang nilibot ng tingin ang buong lugar ngunit wala siyang makitang Cadmium Harris sa pagitan ng mga matatanda at batang naglalakad sa dalampasigan. Dagdag pa ang senaryong nag-aagaw na ang dilim at liwanag, lalo siyang nahirapan sa paghanap ng maaaring pinagpwestuhan ng binata.
"Why don't you step out of your car?" mapanghamong tanong ng binata.
Naririnig niya sa background ang malakas na hampas ng alon. "Come here."
She rolled her eyes and sneered, "I don't even know where you are."
"How would you know if you don't look for me?" He let out a soft chuckle, the kind she could hardly hear. "Lumabas ka na kasi. Come here and have a date with me."
She hissed over the phone.
"Shut up, Cadmium! You can't fool me. After two days na hindi ka nagparamdam, tatawag ka na lang bigla tapos mag-aaya ng date?" She sarcastically laughed. "Ibababa ko na cellphoneㅡ"
He gasped on the other line and grunted, "Come on, Kira! This is going to be our last date..." Humina ang boses nito at narinig niya ang malalim nitong paghinga. "Can't you grant it for me before you leave? Please, isang date na lang. Kahit ito lang."
Mariin siyang napapikit. May kung anong tumusok sa kanyang puso nang marinig ang pinaghalong lambing at lungkot sa boses ni Cadmium. He sounded desperate but it was a melody to her ears. To hear him begging for her makes her feel wanted. That's one thing she has not felt for a long time... until this moment, when Cadmium happened."Fine..." She bit her lower lip and uttered, "Last date it is."
She ended the call and kept her phone in her bag again. Realization suddenly hit her as she checked herself in the mirror. Cadmium was actually asking for a last date. By that, he seemed to have accepted her plan of leaving. Is he letting her go now?
This is what Kira actually wanted, to be completely free from his tight grip, but it pained her now that it's truly happening. She sighed deep and tried to remove the sadness that enveloped her being. Isang sulyap pa ang kanyang iginawad sa salamin bago tinulak pabukas ang pinto ng kotse.
Mabilis siyang naglakad patungo sa dalampasigan. Maraming tao ang naririto kahit malapit nang gumabi. May mga batang nagtatakbuhan at amoy niya ang aroma ng barbecue na niluluto at pinapaypayan ng mga dalaga sa isang tabi.
Inilibot niya ang kanyang tingin ngunit wala talagang nagpakitang Cadmium Harris. Ni anino nito'y wala. Niyakap niya ang kanyang sarili dahil sa malamig na hanging humahampas. Bahagya siyang tumingala sa kalangitan na ngayo'y kulay kahel na.
Nasa ganoong posisyon pa rin si Kira nang biglang may yumakap sa kanyang baywang mula sa likuran. Pinilit niyang makawala. Pero nang marinig ang pamilyar na boses ng taong nakayakap sa kanya ngayon, agad din siyang kumalma.
"Cadmium..." pabulong niyang tawag.Humigpit ang yakap nito kasabay ng pagbigay nito ng maliliit na halik sa tainga niya. Nakikiliti siya ngunit hinayaan niya ito sa ginagawa. Hindi siya takot na may makakita sa kanila. Isa pa'y wala rin siyang pakialam. Gusto lang niyang i-enjoy ang sandaling ito kasama si Cadmium.
"I miss you, Kira," sambit nito at marahan siyang pinaharap.
Umirap si Kira upang itago ang kanyang ngiti. "Two days kang hindi nagparamdam."
"Busy," simpleng sagot nito at nagkibit-balikat. "Nandito ako para magrelax ng kunti... This place is my stress reliever."
His hands were still on her waist as she pulled her, closing the distance between them. Pinasadahan niya ng tingin ang binata at lumabi nang makita ang maliliit na balbas sa mukha nito. Gusot din ang suot nitong polo. Mukhang napabayaan ng binata ang sarili.
Nilaro ng daliri ni Kira ang balbas nito. "Nakalimutan mo yatang mag-shave?"
Nangunot ang noo ni Cadmium at seryosong tumitig sa kanyang mata. "Pangit ba?"
"Bagay naman sayo... kaso..." Nilunok niya ang namumuong bara sa kanyang lalamunan. "Ayoko sa mga lalaking may balbas."
Narinig niya itong tumikhim at bahagya siyang itinulak. Umawang ang labi ni Kira dahil sa naging asta ni Cadmium. Na-offend niya ba ito?
"Kung hindi mo naman kasi ako binibigyan ng problema..." Nag-iwas ito ng tingin at tumikhim. "Fine! Magse-shave na ako palagi."
Napa-iling na lamang si Kira. "Huwag mo na ulit pababayaan ang sarili mo."
Bumuntong-hininga si Cadmium.
"Huwag ka na kasing umalis para may mag-aalaga sa akin," malumanay na sambit nito."Ano ka, bata?" sarkastiko niyang tanong at humarap sa dagat. "Gagawin mo pa talaga akong yaya."
"You didn't get it, do you?" balik na tanong ni Cadmium. Hinawakan nito ang kanyang balikat at muli siyang pinaharap. "I want you to be my wife."
"Huh?" Tinaasan niya ito ng kilay.
"Funny, right?" Pumeke ng tawa si Cadmium. "I badly want to keep you here with me. But how can I do it? Aalis ka na bukas. Ano pang magagawa ko? Ban your flight? I've tried to but I failed. Kidnap you? I can't. Marami ang maaapektuhan. Ayoko ring mawala ang tiwala ni Tito Ellino. Tell your father? I've planned to do so, pero ayokong pangunahan ka. Two days akong nagtiis na hindi ka makita kasi gusto kong masanay na wala ka na. Pero shit lang! Nakita na naman kita at heto na naman ako, nagiging desperado na matali ka na. Pero anong magagawa ko? Iiwan mo na ako at hindi ka na babalik pa. Damn it. Magpakasal na lang kasi tayo!"
Marahas na bumuga ng hangin si Cadmium at mabilis itong tumalikod sa kanya. Napakagat-labi si Kira habang pinagmamasdan ang pagtaas-baba ng balikat ng binata. Hindi niya namalayan ang pamumuo ng luha sa gilid ng kanyang mata.
Bakit kasi ngayon pa? Kung kailan buo na ang desisyon niya. Huli na si Cadmium. Huli na ang Black niya.
Mariing pumikit si Kira. "Postponed 'yong flight namin bukas kaya two weeks pa ang pananatili ko dito."
Humarap si Cadmium sa kanya. Rumehistro ang pinaghalong tuwa at gulat sa mukha nito. "You mean..."
"Yes." Marahan siyang tumango. "Pero sana, ito na ang huli nating pagkikita. Huwag na nating pahirapan ang sarili natin. Let's just..." Humugot siya ng malalim na hininga at sinalubong ang malamlam na tingin ni Cadmium. "Let's just move on, Black."
BINABASA MO ANG
When The Bitch Falls
General FictionThe untameable Kira Fuentes is vocal about her affection towards the young Cadmium Harris, an engineer. She tries to impress the guy with her wild and fiery stunts, but there is only the slimmest of chances that she would succeed. He simply hates he...