Kira's eyebrows seemed to meet halfway. "What do you mean?"
Cadmium just shook his head and heaved a deep sigh, looking at Kira's direction with disbelief drawn on his eyes. And one moment, even before Kira could repeat her question, Black has already made his way to some part of his house. And Kira was left alone standing at the living room, lost with the thoughts and questions lurking inside her mind.
Ilang beses na nagpabalik-balik ang boses ni Black sa kanyang isipan. At ang mga katagang binibigkas ng boses na naririnig niya sa kanyang isipan ay siyang gumulo sa maayos niyang sistema.
"But the interior design wasn't really my idea. It was... It was yours."
Mariin siyang napapikit nang maglaro na naman sa kanyang isipan ang boses ni Black. Pilit niyang inintindi ang gustong iparating ni Black ngunit mas lalo lang ata siyang naguluhan sa bawat minutong lumipas. How come she suggested to design his house like this before? As far as she could remember, they she haven't talked to him yet about her ideas for the interiors. And she couldn't even recall one moment in her life which Cadmium and she had been that close to talk about those kind of stuff.
"So..." Bahagyang napaatras si Kira sa gulat nang marinig niya ang baritonong boses ni Black mula sa 'di kalayuan. "Were you memorizing what I've uttered awhile ago?"
Awtomatikong dumapo ang kanyang tingin sa seryosong mukha ni Cadmium. Wala itong emosyong pinapakita. Ganunpaman, hindi nabawasan ang kagwapuhan sa mukha nito. Lalo pa't ngayon ay tanging sando at itim na jogging pants ang suot nito. Mas litaw ang kakisigan nito ngayon habang naglalakad patungo sa direksyon ni Kira.
"Am I too obvious?" She raised one brow and chuckled.
"You were whispering," Black stopped walking when he got in front of the center table. He bent down to put those things he brought above the table. Later on, as Kira remained silent, watching Black's every move, he continued speaking. "And I guess it's about the last statement which startled you. Don't mind about it now. I was just joking when I said that to you."
Joking? Siguro nga, nagbibiro lang si Black. Hindi naman ata nito susundin ang suhestiyon niya. Reality check, hindi sila ganoon kalapit sa isa't-isa.
Pero bakit pakiramdam ni Kira, may importanteng impormasyon siyang dapat kalkalin? Sumasakit na ang ulo niya kakaisip sa mga bagay na wala naman siyang kaide-ideya kaya isinantabi niya na lang muna ito sa kanyang sistema. Marami pa siyang kailangang atupagin kaysa tumunganga at mag-isip ng mga bagay na imposible namang mangyari.
Nang tuluyan niyang maibalik sa katinuan ang kanyang sistema, agad siyang lumapit kay Cadmium na ngayon ay nakatutok na sa puting papel na nakalatag sa ibabaw ng glass table. Binigyan niya lamang ng ilang pulgada ang pagitan nila nang tuluyan siyang umupo sa gilid nito.
"Ano bang gagawin natin ngayon?" sambit niya habang pinupulot ang isang mechanical pen sa ibabaw ng lamesa.
Napapantastikuhang sumulyap si Black sa kay Kira. "Isn't it obvious? I'm sketching here."
"Ooh," Kira couldn't help but let a little chant escape from her mouth. "Para sa magiging bahay ba natin 'yan, Black?" nanunudyong dugtong ni Kira at mabilis na hinaplos ang kanang pisngin ng binata.
"Stupid," matigas na bulong ni Cadmium at marahang tinabig ang braso ni Kira palayo sa mukha nito.
Awtomatikong nawala ang ngiti sa mukha ni Kira nang makita niya ang pasimpleng pag-irap ni Cadmium. Agad din nitong ibinalik ang atensiyon sa pagguhit ng iilang linya gamit ang lapis nitong plastic.
Napasandal na lamang siya sa sofa habang pinagmamasdan ang maskuladong likod ni Black. Hindi niya mapigilang mapamura dahil sa ganda ng tanawing nakikita niya ngayon. Mariin siyang pumikit at huminga nang malalim bago niya tuluyang ginawa ang gusto niyaㅡang yakapin si Black sa likuran.
May damit mang humaharang sa tuluyang pagdampi ng balat nilang dalawa, ramdam ni Kira ang mainit na katawan ng binata. Saglit din itong nanigas habang nakayakap ang braso niya sa mapalad na likod ng binata. Para itong na-estatwa sa kinauupuan nito.
Ngunit ilang sandali pa'y naramdaman narinig na ni Kira ang marahas na paghugot ng hininga ni Cadmium. Mukha naproseso na sa utak nito ang ginagawa niya. Bahagya na ring ginagalaw ni Black ang kanyang balikat upang matanggal ang pagkakapatong ng baba ni Kira doon.
"Kira..." ungot ng binata habang pilit nitong tinatanggal ang mga braso ni Kira na nakapulupot sa tiyan nito. "Ano na naman ba 'tong kalokohan mo?"
Napangisi na lamang si Kira. "I'm just hugging you. May problema ba doon, huh?" nang-iinis na sagot niya kasabay ng lalong paghigpit ng kanyang yakap kay Black.
"I'm doing something serious here," he uttered as he raised his sketch in mid-air, levelling Kira's face.
"I don't care." She smirked at him. "Just do whatever you've planned to do. Don't mind me here."
"God! She's unbelievable," he muttered under his breath, trying not to burst it out loud.
Isang segundo pa'y narinig na lamang ni Kira ang marahang pagbuga ni Cadmium ng hininga. Halata ang pagsuko sa sistema nito sapagkat natigil na si Black sa pilit na pagtatanggal ng yakap niya. Hindi na nagrereklamo ang binata at tahimik itong bumalik sa pagguhit.
Nakamasid lamang si Kira kay Black habang gumagawa ito ng framework ng isang gusali. Napahanga siya sa bilis nitong magplano. Para na itong eksperto sa larangan ng engineering. No wonder his father chose Cadmium to be her partner. Kira could surely learn a lot from him.
Nangunot ang noo ni Kira nang may nakitang parang mali sa guhit ni Black. "That door would be better on this side," suhestiyon niya habang gumagalaw ang kanyang hintuturo mula sa isang pinto na nakapwesto sa kaliwa papunta sa gitna.
Bahagyang napaatras ang kanyang ulo sa gulat nang biglang lumingon si Cadmium sa gawi niya. Sumulyap si Black sa gilid ng mga mata nito. "You think?"
Tumaas ang kilay ni Kira. "Yeah."
Tumango lamang ang binata at agad din nitong nilihis ang tingin patungo sa sketch na kasulukuyang nakalapag sa center table. Ngunit hindi nakatakas sa matalas na paningin ni Kira ang paglitaw ng tipid na ngiti sa mukha ni Black.
Napapangisi na lang din siya at tahimik na pinagmasdan ang pagbura ni Black sa pintong itinuro niya kanina. Lalong lumapad ang ngisi ni Kira nang makitang gumuhit ulit si Cadmium ng pinto sa gitna, gaya ng sinabi niya kanina. Dahil sa tuwa, lalo ring humigpit ang pagkakapulupot ng braso ni Kira sa beywang nito. Lalong lumalapat ang katawan niya sa likod ng binata.
As several minutes passed by, Kira could hear him sighing deep, again and again. And Kira could hear him whisper hard cusses.
"I can't stand this anymore," malutong na bulong ni Cadmium.
One moment, Cadmium suddenly stood up which made her arms drop off around his waist. And another moment, he was already walking out towards the nearest door Kira could see.
BINABASA MO ANG
When The Bitch Falls
General FictionThe untameable Kira Fuentes is vocal about her affection towards the young Cadmium Harris, an engineer. She tries to impress the guy with her wild and fiery stunts, but there is only the slimmest of chances that she would succeed. He simply hates he...