CHAPTER 49

11.8K 233 26
                                    

Ilang ulit siyang napalunok nang mapansin ang matamang paninitig ni Black sa kanya. Magkasalubong ang kilay nito. Seryoso ang mukha ng binata at tila binabasa nito kung ano man ang nasa isip niya ngayon. Napatikhim si Kira dulot ng bara sa kanyang lalamunan.

Sumimsim siya ng mango juice at umiwas ng tingin. "Cadmium... I'm sorry... but my decision is fixed."

Narinig niya ang padabog nitong pagbaba ng kubyertos sa sariling plato. Mabigat ang paghinga ng binata.

Tumaas ang boses ni Cadmium nang magtanong ito, "Ano bang mapapala mo doon? Bakit kailangan mo pang sumama sa Heres na iyon?"

Naramdaman ni Kira ang panginginig ng kanyang tuhod sa ilalim ng lamesa kaya marahan niya itong minasahe.

Napalunok siya ng isang beses bago magsalita, "Hindi ko pa alam. I'll just figure it out once I get there."

"Really, huh?" Tumaas ang sulok ng labi ni Cadmium. "Pupunta ka doon na walang layunin? You think papayag ang papa mo?"

"He will if I insist."

Hindi niya alam kung sino ang pinapaniwala at kinukumbinsi niya ngayon, kung si Cadmium ba o ang sarili. If her father knows about this, he would not approve. This is why Kira has no plan of informing her father about this thing.

"Kung aalis ka..." Marahas ang pagbuntong-hininga ni Cadmium. "Babalik ka pa rin ba? Ilang taon ka doon?"

"I might stay there for good." Sumubo siya ng isang fries at pilit na pinatatag ang sarili. "Baka doon ko mahanap ang sarili ko."

"Damn that excuse." Marahas na napasinghap ang binata at humalukipkip. "You're already Kira Fuentes. You're a licensed architect and you’re mean but you can be sweet at times. You love parties. You have few real friends. You don't care about what others think of you. You love black. You love me. You are mine."

Isang singhap ang kumawala sa labi ni Kira dahil sa sinabi ni Cadmium. Gusto niyang magkomento sa sinabi ng binata ngunit hindi siya nito hinayaang sumabat. Agad nitong dinugtungan ang sinabi.

"That's how I see you now... again... as Kira Fuentes. You are very beautiful and interesting. Tell me, hindi mo pa ba nahahanap ang sarili mo? You already have that identity. Don't make me think that I know you better than you know yourself."

"I want to change. I want to make an image of a good Kira Fuentes!" Tumaas na ang kanyang boses dahil naghahalo-halo na ang mga emosyong nararamdaman niya. Napatayo siya at kunot-noong umiling. "You would not understand me right now. Hindi mo kasi naranasang masaktan, iyong mahusgahan ng iba. All you did was hurt and judge me.”

Marahas ding tumayo ang binata. Mabilis niyang napansin ang kislap ng pagsisisi sa mata ng binata. "That was... That was before."

"Huh!" Umangat ang sulok ng labi ni Kira. "Tama ako, ‘di ba? You don't really care about me. Nagkaganito ka lang noong hindi na ako nagpaparamdam sayo. Hindi mo matanggap na napagod ako? Ano, nakakagago bang makita na iyong babaeng habol ng habol sa iyo noon ay iniiwasan ka na ngayon?"

Marahas na bumuga ng hangin ang binata at ginulo ang sariling buhok.

"Walang patutunguhan ang pag-uusap na 'to," sambit nito gamit ang mababang tono.

Nagpunta si Cadmium sa kanyang harapan. Lumambot ang ekspresyon sa mukha nito. Nangatog ang kanyang tuhod nang ipulupot nito ang braso sa kanyang baywang at bahagya iyong pinisil ng binata.

"May client meeting ako ngayon. Ikaw na muna ang bahala kay Caia. Pag-uwi ko, dapat nandito ka pa rin," pabulong na sambit ni Cadmium bago humalik sa kanyang noo.

Natulos si Kira sa kanyang kinatatayuan dahil sa gulat. Wala siyang nagawa kundi ang titigan ang likod ni Cadmium hanggang sa tuluyan itong makalabas sa dining room. Naiwan siyang mag-isa doon, tulala. Ilang segundo pa bago nagproseso sa kanyang isipan ang nangyari. Nawalan na siya ng gana kaya iniligpit na lamang niya ang mga pinggang nagamit. Pagkatapos niyang maghugas, muli na siyang umakyat sa kwarto ni Caia. Nadatnan niya ang bata sa dati nitong pwesto, nakahiga habang kumakanta. Natigilan ito nang makita siya.

"May dala ako para sa iyo," sambit ni Kira at mabilis na umupo sa gilid ng kama.

Lumiwanag ang mukha ng bata nang ipinakita niya ang dalang fries at spaghetti sa kanyang magkabilang kamay. Bumangon ito at isinandal ang likod sa dingding. Inabot niya ang pagkain kay Caia. Pinagmasdan niya ang bata habang masigla itong sumusubo ng spaghetti.

Pinunasan niya ang pawis sa noo ni Caia. "Do you feel better now?"

Marahang tumango ang bata habang ngumunguya. Mataman niyang pinagmasdan si Caia. Hindi na ito matamlay. Nagkakulay na rin ang labi nito at hindi na gaanong maputla. Inilapat ni Kira ang likod ng kanyang palad sa noo ng bata upang alamin kung ‘di na ito mainit. Tipid siyang napangiti nang masigurong maayos na ang pakiramdam ni Caia. Puwede niya na itong iwan. Kailangan na rin kasi niyang umuwi dahil pupunta sina Xyrina at Coleen sa bahay niya ngayon.

"Okay lang ba sa'yo kung uuwi na ako?" pabulong na tanong ni Kira. "You'll be alone here if I leave. May pinuntahan pa kasi ang kuya mo.”

Gumuhit ang tipid na ngiti sa labi ni Caia bago ito magsalita, "Okay lang ako dito, Ate. Sanay naman akong mag-isa sa house."

"Are you sure you'll be okay here if I leave you?" paninigurado ni Kira.

"Of course, Ate!"

Nang pumayag si Caia, nabuo ang desisyon ni Kira na umuwi na. Hinintay na muna niyang matapos ang bata sa pagkain ng spaghetti bago niya ito tuluyang iniwan.
Ilang minuto rin bago siya nakarating sa kanyang bahay. Saktong tumunog ang kanyang cellphone nang iparada niya ang kotse sa garahe. Hindi muna siya bumaba. Sa halip ay pinulot niya ang cellphone sa shotgun seat. Tinignan niya kung sino ang nagtext. Awtomatikong tumaas ang kilay ni Kira nang rumehistro ang mensahe ni Cadmium sa screen.

From: Black
I told you to wait inside my house 'til I get back, but you still left. Is it too hard to stay? I was so disappointed dahil nag-expect akong nandito ka pa rin pag-uwi ko.

Conscience seemed to knock Kira's heart so without giving it a thought, she typed her reply. But before she could even click a letter on the keyboard, a message popped up in the screen. It was still from Cadmium, but the contents weren't the same. An exasperated gasp escaped from her mouth when she finished reading the second text he sent.

From: Black

Naiwan mo nga pala dito gamit mo. Your black underwear's pretty nice. Amoy-Kira. Akin na lang 'to, a? Remembrance. Aalis ka naman kasi, diba? Sige lang. Mang-iwan ka lang.

Mariin siyang napapikit sa kahihiyan at ilang ulit na minura ang sarili.

When The Bitch FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon