CHAPTER 35

10.7K 200 17
                                    

"Mauna ka nang pumasok sa kotse," seryosong wika ni Black habang inaabot kay Kira ang paperbag na naglalaman ng damit na binili ni Black para sa kanya. "Magbihis ka."

"Are you effin' serious?" sarkastikong tanong ni Kira at taas-kilay na kinuha ang paperbag. "Paghuhubarin mo ako sa loob ng kotse?"

Sumandal lamang si Black sa kotse nito at humalukipkip. Diretso ang tingin nito sa isang kotse sa unahan.

"Bakit? Hindi ka pa ba sanay?"

Libu-libong karayom ang tumusok sa kanyang puso dahil sa narinig. He thinks she’s the kind of woman who can just strip off inside a man’s car. Nanghina ang sistema ni Kira. Tinakasan siya ng mga salitang dapat niyang isagot kay Black. Napakagat-labi na lamang si Kira at walang protestang pumasok sa kotse ni Cadmium.

Sinigurado niyang sarado ang pinto ng kotse bago siya naghubad. Dali-dali rin niyang sinuot ang puting long sleeve na binili ni Cadmium. Tinignan niya ang sariling repleksiyon sa rearview mirror. Inayos niya ang kanyang buhok at itinali ito sa isang neat bun.

Napasinghap si Kira nang bumukas ang pinto sa driver's seat. Nasalubong niya ang walang ekspresyong mukha ni Cadmium nang maupo ito sa kanyang tabi. Dumausdos ang tingin nito mula sa kanyang mukha hanggang sa kanyang katawan. Napakurap si Kira nang makita kung basain ni Cadmium ang ibabang labi gamit ang dila nito habang tinatapik ng hintuturo ang steering wheel. Nanatili lamang si Kira sa kanyang posisyon. Nakahilig siya paharap sa binata at hindi ito nilubayan ng tingin.

Tumikhim ito at biglang nagtanong, "Where's my 'thank you' now?"

His baritone voice held authority.  It's like he's already demanding and not simply asking. Effortlessly, he’s making her swoon.

Bumuka ang kanyang bibig ngunit walang salitang lumabas doon.

"Hmm?"

Napamura siya sa kanyang isipan. Kung bakit kasi ‘di siya sanay magpasalamat. Pakiramdam niya ay hinihila niya ang sarili pababa tuwing nagpapasalamat siya.

"Ano..." Umiwas siya ng tingin bago siya nagpatuloy sa pagsasalita, "Thank you, Black."

Hindi sumagot si Cadmium ngunit tinitigan siya nito. Ilang segundo ring nakulong ang paningin ni Black sa kanya bago nito pinaandar ang makina ng sasakyan. Bumalot ang katahimikan sa loob ng kotse habang nagmamaneho ang binata.
Biglang namuo ang kuryosidad sa kanyang isipan nang mapansing huminto ang kotse sa likod ng isang nipa hut. Napagtanto niyang isa itong cottage sa Sta. Cruz, iyong nasa tabi ng dagat na pinuntahan nilang dalawa ni Black noon matapos bisitahin ang construction site.

Unang lumabas si Black at umupo sa hood ng kotse. Sumunod din si Kira. Sumalubong sa kanyang mata ang kulay-kahel na kalangitan. Dumampi sa kanyang pisngi ang malakas na ihip ng hangin. Mabuti't hindi nakalugay ang kanyang buhok ngayon dahil panigurado magmumukha iyong nasalanta ng ipo-ipo.

Kahit na nakasuot siya ng long sleeve, hindi pa rin niya matakasan ang ginaw ng buong lugar. Niyakap niya ang sarili. Rinig na rinig niya mula sa kanilang pwesto ang hampas ng alon at tawanan ng mga taong nasa paligid.

"I like it here," biglang sambit ni Black na hanggang ngayon ay nasa malayo pa rin ang tingin.

Kumibot ang labi ni Kira. Bigla siyang nakaramdam ng kuryosidad sa sinabi ni Cadmium. "Why?"

Dahan-dahan itong lumingon sa kanya. Nang magtagpo ang kanilang mga tingin, nakita niyang may kung anong kislap sa mga mata nito. Hindi niya iyon magawang pangalanan.

"We made good and bad memories here," pabulong na sagot ni Black. Mahina itong tumawa at umiling-iling. "But I won't tell you the bad things yet."

"So..." May namuong bukol sa kanyang lalamunan kaya kinailangan niya pang tumikhim upang ituloy ang sasabihin, "What's the good memories, then?"

Namungay ang mata ni Black. Napalitan iyon ng isang seryosong ekspresiyon. Dinilaan ng binata ang ibabang labi nito. Bumaba ang titig nito mula sa kanyang mata patungo sa kanyang bibig.

"What do you think?" Biglang lumapat ang kamay ni Cadmium sa beywang ni Kira. "Hmm?"

Bahagya siyang napaatras sa kanyang kinauupuan ngunit agad din siyang hinila ni Black palapit. Lalong lumiit ang distansya sa pagitan nilang dalawa. Mataman ang pagtitig nito sa kanyang labi.

"We had our first kiss here..." mahinang sambit ni Black na naging dahilan ng panlalaki ng mga mata ni Kira.

Naramdaman niya ang mainit na hininga ni Black sa kanyang pisngi bago dumampi ang labi nito sa tungki ng kanyang ilong. Nanginig ang tuhod ni Kira kasabay ng lalong paghumerentado ng kanyang puso. And it took her to another dimension when he finally brushed his lips on hers. His kisses were gentle and careful and teasing. Her body went stiff, but she did not hesitate to answer his kisses. Up and down their lips go until it got more passionate. While their lips were locked, she could hear the drums rolling in her heart.
Despite feeling the heavens through his kiss, Kira was aware of the fires of hell coming to ruin her.  This is the battle of her weak heart and memory against Black's wicked manipulation. She may lose this one, she fears.

"Cadmium..." is all that she could say after their lips parted.

When The Bitch FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon