Matapos ang hindi inaasahang paghalik ni Cadmium sa labi ni Kira ay umakto lamang itong parang walang nangyari. Mabilis itong bumalik sa pwesto at agad na pinaharurot ang kotse nito. While Kira, feeling all the tingles on her stomach, was not able to move for a couple of seconds. Her mind seemed to go completely blank. It's not like her to stupefied with only a smooch, she can even go on her way initiating a kiss. But it's a whole different because it was Cadmium who did the first move.
Hindi niya namalayang nakarating na sila sa building ni Mr. Roosan, iyong client ni Cadmium. Black had to pull her out of his car and drag her inside the building because she was spacing out. Hanggang ngayon ay ang halik pa rin nito ang nasa isip niya.
"Cadmium, nandito ka naㅡOh! Kasama mo pala si Kira," Nakangiting wika ng matandang si Mr. Roosan nang makapasok sila sa opisina nito.
"I'm sorry I was not able to inform you, Sir, but Kira is my project partner," simpleng sagot ni Black. May pormalidad sa boses nito.
"Ganoon ba? That's great news. I'm sure Kira will learn a lot from you," komento ni Mr. Roosan. Muli itong umupo sa sariling swivel chair. "Have a seat, then."
Isang tipid na ngiti lamang ang tugon ni Black sa sinabi ni Mr. Roosan. Marahan siya nitong iginiya paupo sa guest chair habang hawak ang kanyang beywang. Tila lumukso ang puso ni Kira nang mapagtantong inalalayan siya nito. Daig pa niya ang nagkasakit. Seriously, what luck is this?
Pagkatapos siyang alalayan ni Black ay naupo na rin ito sa guest chair na nasa kabilang bahagi ng office desk ni Mr. Roosan. And then he initiated some formal conversation about some transaction for a lot for sale. And she was just there, observing how Cadmium negotiates.
Sa isang oras na pag-uusap ng dalawa ay tahimik lamang si Kira. Para lang siyang hangin doon. And it was really unusual for her. The Kira Fuentes she knew is someone who plays on a wicked scene just to have people’s attention. She does that everytime, except today. She started acting strange after that hat goddamn kiss.
Alas-onse na ng umaga nang matapos ang meeting kaya agad ding nagpaalam si Black. Inimbitahan sila ni Mr. Roosan ng lunch ngunit hindi na nila ito napa-unlakan. May importante pa raw kasing pupuntahan si Cadmium.
Magkasabay silang lumabas ng building. Pero ngayon, hindi na nakahawak si Black sa kanya. Nakakunot na naman ang noo nito. Just the usual Black she knew. He seemed to be distancing himself from her again.
Napasimangot si Kira nang naunang pumasok si Black sa kotse nito. Hindi man lang siya nito pinagbuksan ng pinto. Narinig niya ang paulit-ulit na pagbubusina ng binata, senyales na minamadali na siya nito.
Napairap si Kira sa hangin at agad na pumasok sa kotse ni Black. Naglaho na ang kilig na naramdaman niya kanina. Napalitan ito ng inis dahil sa inaakto ni Cadmium ngayon. Why did he have to act so sweet for a second and become insensitive afterwards? He was a total jerk.
"Tahimik ka…" komento ni Cadmium na nagpahinto sa kanya sa pagkabit ng seatbelt.
She moved her gaze at him. Only to see him looking at her, too.
"Nahalata mo pala?" Pagak siyang tumawa at tumitig nang diretso sa mga mata ni Black. "I was shocked when you kissed me on the lips. You screwed my mind like hell. That's the reason why."
"That's unreasonable." Biglang inilihis ni Cadmium ang tingin nito sa kanya. "Sa dami ng lalaking nakahalik na sayo, bakit ka pa naaapektuhan sa isang simple dampi lang sa labi mo?"
Biglang nanikip ang puso ni Kira nang marinig ang sinabi ni Black. Ang paniwala pala nito'y marami ng nakatikim sa labi niya. Napayuko na lamang siya at pinigilan ang pamumuo ng luha sa gilid ng kanyang mga mata.
Bitches are bitches. But they are still humans. They also have fragile hearts, albeit their strong front.
Kinagat niya ang ibabang labi nang maramdaman ang pag-andar ng kotse. Hindi niya alam kung saan patungo ang pagmamaneho nito ngayon pero inasahan niyang ihahatid siya ng binata sa kanyang bahay.
"Are you hungry? It's already 11:30." Napaangat si Kira ng tingin dahil sa tanong ni Cadmium. "May pupuntahan muna ako bago tayo kumain," dugtong nito.
Hindi niya mapigilang itaas ang kanyang kilay dahil sa sinabi nito. She heard it clear, but… impossible. Isasama siya nito at sabay silang kakain ng lunch? Really?
Dumako ang tingin niya sa kalsada at agad na napaawang ang kanyang mga labi. Hindi ito ang daan patungo sa bahay niya. Excitement ran through every vein in her body. Where will they go? No, scratch that. Where will Cadmium take her?
BINABASA MO ANG
When The Bitch Falls
General FictionThe untameable Kira Fuentes is vocal about her affection towards the young Cadmium Harris, an engineer. She tries to impress the guy with her wild and fiery stunts, but there is only the slimmest of chances that she would succeed. He simply hates he...