"This area is wider than I expected," bulalas niya nang marating nila ang gitnang parte ng lote. "I didn't think I could possibly walk this far. Nakakapagod!"
Pinapaypayan niya ang sarili gamit ang kanyang palad.Pakiramdam niya ay natunaw ang kanyang kalamnan. Kahit papaano'y nabawi niya ang normal na paghinga. Isang reklamo niya naman ngayon ay ang tila napapaso niyang balat. Umaga pa lang kasi ay tirik na tirik ang araw sa Sta. Cruz, ang lokasyon ng construction site.
"Ano ba itong lugar na ito? Masyadong mainit!" reklamo niya.
Bumaling si Kira kay Cadmium. Nahuli niya ang mataman nitong pagtitig sa kanya kaya tinaasan niya ito ng kilay.
“I would have brought my umbrella if you informed me about the weather," aniya, nauuyam habang hinahaplos ang braso.
Rumehistro ang iritasyon sa mukha ni Black. "Bakit ba ang dami mong reklamo? Malapit tayo sa dagat kaya mainit. Wala ka talagangㅡ"
"Alam? Oo. Wala akong alam." Humalukipkip siya at inirapan si Black. "Malay ko ba kung may dagat dito, hindi naman ako pamilyar sa lugar. It's my first time here."
"Hindi ka pamilyar sa lugar?" sarkastikong sagot ni Cadmium. "You have visited this place years ago, Kira. Nakalimutan mo lang ata. Wala ka kasing ibang iniisip kung 'di ang sarili mo."
Awtomatikong nagkasalubong ang kilay ni Kira dahil sa narinig. Hindi niya matandaang nagpunta siya dito noon.
"What are you talking about?" she asked, trying to sound irritated but it ended up having a tone of curiosity.
Mataman siya nitong tinitigan, tila in-examine ang reaksiyon sa kanyang mukha at nang siguro ay nakita na nito ang inaasahan ay tinalikuran na siya nito.
Sinundan niya ito ng tingin at nakitang papunta ito sa kaliwang boundary ng area. Hindi niya ito pinakawalan sa kanyang kuryosong titig."What nonsense are you talking about ba, Black? Kasi sa pagkakaalala ko, I've never been here before," pasigaw niyang sambit sa papalayong bulto ni Cadmium.
Natikom niya ang kanyang bibig nang huminto ito sa paghakbang. Ilang metro na ang layo nito sa kinatatayuan niya nang muli itong humarap. Naglakad ito pabalik. Malaki ang bawat hakbang ng binata kaya agad din itong nakalapit sa kanya. Huminto ito sa mismong harap niya.
Biglang inilipat ni Black ang suot nitong ball cap sa ulo niya. Tumaas ang kanyang kanang kilay kasabay ng pag-awang ng kanyang labi.
"Tama nang dada," pagsusungit nito na hindi niya na nabigyang pansin.
All that she has in mind is that sweet gesture of him. She stood frozen as he took her by surprise. Her nerves were partying now, along with her wicked heart. Black cleared his throat before he walked away again, leaving Kira dumbfounded.
"Oh, Black..." nangingiti niyang bulong nang makabawi sa pagkabigla.
Naiwan siya doon sa gitna ng lote. Sa pag-iisa at sa katahimikan ng lugar, at sa kabila ng kilig na namutawi sa kanyang sistema, muling sumagi sa isip niya ang sinabi ni Cadmium kanina. Totoo bang nakapunta na siya sa Sta. Cruz dati? Bakit hindi niya matandaan ang bagay na iyon? Paano niya nakalimutan ang lugar na ito?
BINABASA MO ANG
When The Bitch Falls
General FictionThe untameable Kira Fuentes is vocal about her affection towards the young Cadmium Harris, an engineer. She tries to impress the guy with her wild and fiery stunts, but there is only the slimmest of chances that she would succeed. He simply hates he...