CHAPTER 18

11.4K 270 21
                                    

Napapabuga na lamang ng hangin si Kira dahil sa boredom na nararamdaman. Kahit ano nalang ginawa niya para mawala ang nainip. She turned on the stereo, chanted along the song playing, exchanged some messages with Heres and took a long nap. Yet, the boredom never faded away. And that made her frustration grow.

Alas 12:30 na nang bumalik si Cadmium sa kotse nito. Pawisan ang noo nito nang pumasok. Siguro'y dahil sa matinding init kaya ito pinagpawisan. Ilang oras din kasi ito sa labas.

"Ba't ba ang tagal mo doon?" sarkastikong wika ni Kira nang maupo si Black sa driver's seat.

"Nothing," simpleng wika ni Black. "I just checked every details of the place."

Napairap na lamang si Kira at mabilis na kinuha ang panyo sa kanyang bag.

"Halika nga dito. Lumapit ka."

Marahan niyang hinila si Black palapit sa kanya ngunit nagmatigas ang binata. Hindi ito umusog palapit sa kanya. Nangunot lamang ang noo nito habang nakatingin sa gawi niya. Sa pangalawang pagkakataon, napairap na lamang si Kira at siya na mismo ang umusog palapit kay Black.

"Pawisan ka na," sambit ni Kira at mabilis na hinawakan ang baba ni Cadmium. "Pupunasan ko lang."

Umatras nang bahagya si Black ngunit naging mas maagap si Kira. Agad niyang inilapat ang kanyang panyo sa gilid ng noo ni Cadmium at mabilis na pinunasan ang pawis nito. Ang buong atensiyon ay nakatuon lamang sa pagpupunas sa noo ni Cadmium kaya hindi niya napansin ang mataman na pagtitig ng binata sa kanya, partikular sa kanyang mapupulang labi.

"Ayan..." May gumuhit na ngiti sa kanyang labi nang matapos sa ginagawa. "Tapos na. Here." Inabot ni Kira kay Cadmium ang panyo niya. "Iyo na ang panyo ko. Puno na iyan ng pawis mo. I can't use it anymore."

Tumikhim lamang si Black at mabilis itong nag-iwas ng tingin nang tanggapin nito ang panyo. Pagkatapos ay agad ding bumalik si Kira sa kanyang dating pwesto at maayos na naupo sa passenger seat.

Kasalukuyang pinapaandar ni Black ang sasakyan nang magtanong si Kira. "Iuuwi mo na ba ako?"

"Gusto mo ba?"

"Hindi sana..." pag-amin niya. "I want to spend a little more time with you. Kaso, nandoon si Heres sa bahay. Baka bored na iyon-"

"I am only asking a yes or no question." Cadmium's voice held annoyance as he uttered those words while maneuvering the car away from the site. "And I am only expecting a yes or no answer. No more, no less."

Hindi niya mapigilang mapairap dahil sa pagiging sarkastiko ni Cadmium. He really has the greatest ability to piss her off and love him deeper at the same time. How does he do it by the way? Well, only Black knows.

Kira decided to make no answer to his sarcastic response. She just zipped her mouth, leaned beside the glass window and enjoyed the beautiful view of the long trail of pine trees on the roadside.

"Gosh," she muttered under her breath as her gaze went towards the sparkling blue waves of the wide sea that perfectly makes it soft landing to the white sand.

Patuloy si Kira sa pagmamasid sa dagat kaya hindi niya namalayang doon na patungo ang sasakyan. Ilang segundo pa'y huminto na ang kotse sa gilid ng isang cottage na hindi pa okupado.

"Hey, labas na." Bumaling ang tingin niya kay Black. "The sea's waiting for the bratty mermaid." Biglang gumuhit ang ngisi sa mukha nito habang itinuro ang dagat gamit ang daliri nito.

Napasulyap si Kira sa dagat ngunit agad ring bumalik ang tingin niya sa mukha ni Cadmium, partikular sa labi ng binata. Awtomatikong umawang ang labi ni Kira nang makitang ngumiti si Cadmium. Biglang lumukso sa saya ang puso niya. Nakakalokong ngiti nga lang. Pero kahit na. It is still a smile. A sexy playful smile.

"Are you for real?!" hindi makapaniwalang tanong ni Kira kay Black. Dumukwang siya palapit dito at hinuli ng kanyang palad ang magkabilang pisngi ng binata. "You just smiled. On me," masiglang wika niya. "What the fuck! I should celebrate! Selfie tayo."

Yet, before she could possibly take her phone out, Cadmium had put on his frown again. He had his forehead nothing again.

" Let go of my cheeks, brat." Black took a tight grip on Kira's wrist as he tried to remove her touch on his face. "It's making me feel uncomfortable."

Napasimangot na lamang si Kira at siya na mismo ang lumayo sa binata. Pagkatapos ay wala siyang pasabing lumabas sa kotse at agad na tinakbo ang maputing buhangin.

"Nakakainis ka, Black! Nakakainis ka!" Bumabakat na sa kanyang ang mga ugat sa sariling leeg dahil sa malakas niyang pagsigaw. Ang kanyang mga kamao nama'y namumula na dahil sa kanyang nanggagalaiting sama ng loob. Pinagtitinginan na siya ng mga tao ngunit hindi niya pinansin ang mga matang nakatutok sa kanya. Ang gusto lang niya ngayon ay mailabas ang dapat ilabas.

"Why can't you just smile in front of me?! Why are you so cold?" dugtong niya pa.

"Bakit ang hirap mong abutin?" Ang huling tanong na iyon ay lumabas sa kanyang bibig bilang isang bulong na puno ng hinanakit na tanging siya lamang ang makakarinig.

When The Bitch FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon