Mabigat ang bawat hakbang ni Kira patungo sa nakasaradong pinto ng bahay. Lumikha ng tunog ang pag-ikot ng gulong ng maletang hila-hila niya. Nang tuluyang mahawakan ang doorknob, nagpakawala siya ng buntong-hininga at muling sumulyap sa kanyang likuran.
For the last time, she let her eyes wander around the four corners of the living room. Moments from the past suddenly played on her mind like a slow-paced slideshow. She will surely miss this house as much as she longed for Cadmium's presence now.
Lumipas ang isang linggo't anim na araw na walang Black ang nagpakita. Kating-kati siya na tawagan ang binata o kaya'y puntahan sa bahay nito ngunit hindi niya iyon ginawa. Lalo lamang siyang mahihirapan kapag nagkataon.
Pumeke si Kira ng ngiti kasabay ng muli niyang pagharap sa pinto. Binuksan niya ito at tuluyan nang lumabas ng bahay. Habang nilalagay niya ang maleta sa compartment ng kotse, bigla siyang nakarinig ng malakas na busina. Agad siyang napatayo nang tuwid at puno ng pag-asang lumingon sa itim na sasakyang papasok sa gate. Huminto ang kotse sa kanyang harapan at bumaba mula doon si Cadmium. Nakasuot ito ng tuxedo.
Excitement and happiness coated her whole. As she stared at his face, she realized how much she missed him. She badly wanted to give him a hug but her sanity stopped her from doing so. It's her pride that told her not to initiate.
"Salamat naman at naabutan pa kita," ani Cadmium nang tuluyang makalapit.
With those words from him, little hope suddenly crept up on Kira's heart. She could not stop herself from assuming that Cadmium went here to convince her not to leave. Her mood lightened up.
"What's with the get-up today?" kaswal niyang tanong. "May event ka bang pupuntahan ngayon?"
"No," matigas na sambit ni Cadmium at marahang umiling. "Ihahatid lang kita sa airport."
Nanlumo si Kira sa kanyang narinig. Ang kasiyahang nadama kanina ay muling naglaho. Hindi niya inakalang iyon lang pala ang pakay ni Cadmium. Natahimik na lamang si Kira habang nililipat ng binata ang maleta niya sa kotse nito. Nang matapos sa ginagawa, muling humarap si Cadmium at tinawag siya.
"Come on, Kira!" Pinagbuksan siya nito ng pinto sa front seat. "Baka hindi mo na maabutan ang flight mo."
Napairap si Kira sa pang-aapura ni Cadmium sa pag-alis niya. Namuo ang pinaghalong inis at dismaya sa kanyang sistema.
"You know what? Just leave me here. Mukha naman kasing nagmamadali ka. Don't worry, I can drive on my own. Hindi kita kailangan para ipagmaneho ako patungong airport," sarkastikong sambit ni Kira.
Sinamaan siya ng tingin ni Black. "Sasakay ka ba o bubuhatin pa kita papasok?"
"Fine!"
Padabog siyang pumasok sa kotse. Ilang ulit siyang nagmura habang kinakabit ang seatbelt sa driver's seat. Minuto din ang lumipas bago sumunod si Cadmium sa loob. Isinarado nito ang pinto ng kotse at mabilis na pinaandar ang sasakyan. Hindi niya pinansin ang binata.
Bumalot ang katahimikan sa loob ng kotse. Nagpokus si Cadmium sa pagmamaneho at si Kira naman ay nakatanaw sa mga building na nadadaanan. Paminsan-minsan ay may tumatawag kay Black sa cellphone pero hindi alam ni Kira kung anong pinag-uusapan nito. Nanatili lamang siyang walang kibo at diretso ang tingin sa labas ng bintana.
BINABASA MO ANG
When The Bitch Falls
General FictionThe untameable Kira Fuentes is vocal about her affection towards the young Cadmium Harris, an engineer. She tries to impress the guy with her wild and fiery stunts, but there is only the slimmest of chances that she would succeed. He simply hates he...