CHAPTER 29

10.9K 243 7
                                    

Nanigas si Kira sa kanyang kinauupuan nang biglang marinig ang pagbukas ng pinto. Sa pag-angat niya ng tingin, bumungad ang pigura ng dalawang taong papasok. Si Ellino at si Cadmium. Sa nanginginig na mga kamay, agad niyang natiklop ang hawak na folder. Itinago niya ito sa kanyang likuran.

"Pag-aaralan ko muna ang proposal naㅡ" Nahinto si Ellino sa pagsasalita nang mapansin nito ang presensiya niya. "O Kira! Nandito ka pala."

Hindi kumibo si Kira. Hindi niya sinuklian ang kaswal na bati ni Ellino. Palipat-lipat lamang ang tingin niya sa dalawa. Nagkasalubong ang tingin nila ni Black. Nakita niya ang katanungan sa mga mata nito. Hindi niya ito nagawang batiin sapagkat hindi pa rin siya makapagsalita.
Humigpit ang hawak niya sa folder nang umupo ang kanyang ama sa swivel chair at malakas na tumikhim.

"Now that my daughter's here, I think we can discuss your project's progress."

She couldn't help but raise a brow. Really, huh? Can’t they sense what baggage she's carrying today. Why do people tend to care less when it comes to her?

"I don't think we need to talk about construction and business today," matigas niyang sabi sabay ngisi ngunit ‘di iyon umabot sa kanyang mata.

Mataman siyang tinitigan ni Ellino kasabay ng pagtapik ng daliri nito sa desk. "You're not here for the project, are you?"

"Why are you here, then?" sabat ni Black
.
Sumulyap siya kay Cadmium. Nakita niya ang pag-igting ng bagang nito sa kanyang tapat. Magkasalubong ang kilay ng binata.

Tumikhim muna siya bago sumagot, "It's about this."

Pabagsak niyang inilapag sa bakanteng espasyo ng desk ang itim na folder na tinago niya kanina sa kanyang likuran. Mabilis na dumapo ang mata ng dalawang lalaki dito. Rumehistro ang gulat at pangamba sa mukha ni Ellino nang bumaling ito sa kanyang gawi. Ganoon din ang naging reaksiyon ni Black.

"How did you find this?" mahinang tanong ni Ellino.

Mapait na tumawa si Kira. "Why so shocked, Dad? Hindi mo ba inasahang makikita ko ito?"

"Kira..." matigas na wika ni Black.
"No, Cadmium." Napabuga ng hangin si Ellino. Mukhang nakabawi na ito sa pagkagulat. "Hayaan muna nating magsalita si Kira."

Mataman siyang tinitigan ni Cadmium bago ito tumango. Natahimik ito sa kanyang tabi, tila naghihintay sa kung ano man ang sabihin niya. Napakagat-labi si Kira nang maramdaman ang muling pag-akyat ng tensiyon sa kanyang sistema. Biglang naging blangko ang kanyang isipan. Sa pagkakataong ito, hinayaan niyang ang kanyang puso ang magsalita para sa kanya.

"Dad... Why?"

Pumiyok ang boses ni Kira. Bumigat ang paghinga niya at unti-unting namuo ang luha sa kanyang mata. Umabot ng ilang segundo bago siya nakapagsalitang muli. Isang butil ng luha ang tumulo mula sa kanyang kaliwang mata.

"Bakit kailangan niyong itago iyon sa akin, Dad? Bakit niyo ipinagkait sa akin ang aking nakaraan?"

"I was mistaken, Kira," puno ng pagsisising sambit ni Ellino kasabay ng marahan nitong pagtayo at pagpatong ng dalawang kamao sa desk nito. "Hindi ko nagawang sabihin sa iyo ang nangyari noon sapagkat naisip kong hindi mo na dapat malaman ang nangyari sa'yo sa nakaraan.

Nagkaroon ka ng selective amnesia kaya hindi mo matandaan ang nangyaring aksidente at iilang bagay na nakasakit sa'yo. Kasabay ng pagkawala ng alaala mo, nabuo din ang desisyon kong manahimik na lang at hayaan kang mamuhay na walang inaalalang mapait na nakaraan.”

Natigilan si Kira sa isiniwalat ng kanyang ama. Anong lebel ng pagsisisi ng kanyang ama ay ‘di niya matanggap. Napalingon siya sa gawi ni Cadmium at mapait na ngumiti. She understood his father, but that wasn't enough to keep her away from emotional rage.

"So all this time, I was blinded by all of you,” garalgal ang boses ni Kira nang sabihin iyon. "You think hindi ko malalaman? Well, curse it! I've known now. It still hurts like hell!"

When The Bitch FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon