CHAPTER 32

10.7K 231 14
                                    

Mariing napapikit si Kira. She’s got enough of the riddles, but Cadmium seemed to enjoy the torture of giving her just a bit of the truth. "What... what started here?"

Umiling lamang si Black at hindi siya sinagot. Umupo ang binata sa isang bench. Sinundan niya ito ngunit pinili niyang manatili sa pagtayo sa gilid ng binata.

"Black..." pabulong niyang tawag dito.

Nagtama ang kanilang mga mata nang mag-angat ng tingin si Cadmium. Nakakapanlambot ng tuhod ang malamlam nitong titig ngunit sa ekspresyong pinapakita ni Black, alam niyang may bumabagabag dito.

"Black..."

"I don't want to keep secrets from you anymore."

Mariing naglapat ang labi ni Kira nang hinilamos nito ang palad sa sariling mukha at marahas na bumuntong-hininga. Naaawa siya sa binata ngunit hindi niya ito magawang daluhan. Her own emotion was already overwhelming that she couldn’t entertain someone else’s.
Napakagat-labi si Kira nang maramdaman ang panghihina ng sistema dulot ng guilt.

"Are you... alright?"

Gusto niyang matawa at sa parehong pagkakataon ay gusto niya ring sabunutan ang sarili.  Stupid of her to ask him that. Of course, he's not okay. It’s obvious. Black is not in his well-state.

Umawang ang labi ni Kira nang hinila ni Black ang kanyang kamay sa bibig nito. Napawi ang mga negatibo sa kanyang puso’t isipan dahil sa malambot nitong halik sa kanyang palad. Umakyat ang lahat ng dugo sa kanyang pisngi. Hindi pa nakuntento si Black at talagang namahinga pa ang noo nito sa palad niya. Kinagat ni Kira ang sariling labi upang pigilan ang sariling mapamura sa kilig. Damn Cadmium and his unexpected sweet gestures!

Namumulang tumikhim si Kira. "Black, my hand.”

"No," nanghihina ang boses nito nang magsalita. Umiling ang binata at lalo pang humigpit ang paghawak nito sa kanyang kamay. "I want to feel you now."

Napahinga si Kira nang malalim at hinayaan na lang si Black sa gusto nito. Kahit na nangangalay na ang kanyang paa sa pagtayo ay nanatili siya sa kanyang pwesto. Ilang minuto ring namayani ang katahimikan bago iyon binasag ni Cadmium.

"This is where I first met you," mahinang wika nito.

Muling dumampi ang labi nito sa likod ng kanyang kamay. Nanindig ang balahibo sa kanyang batok nang maramdaman ang mainit nitong hininga sa kanyang balat.

"D-dito mismo?" nauutal niyang tanong.
When did she ever stummer? This is so not Kira Fuentes!

"Kasama mo noon ang mga kaibigan mo dito. Nagkakatuwaan kayo noon sa isang bench. Kami naman ng mga kaibigan ko, tahimik lang sa isang tabi,” kuwento ni Cadmium na sinamahan pa ng tipid nitong pagtawa. "Iyong mata ko, nakatutok lang sayo. Tinitignan ko ang bawat galaw mo. Kung paano ka ngumiti, kung paano ka umirap, kung gaano ka kaganda kapag nagtataas ng kilay. I've always adored you back then. I did not expect that you'd approach me first."

Pinigil niya ang pagngiti dahil sa kabila ng kilig ay naroon pa rin ang kagustuhang makaalala, kumakatok sa kanyang puso.  Ngunit bigo si Kira. No memory was retrieved.

"What happened next? Sinungitan mo rin ba ako pagkatapos?" tanong na lamang niya.

"No," matigas na tanggi ni Black.

Kagat-labi niyang hinimas ang buhok ng binata gamit ang libreng kamay. "Did it really happen?"

Nag-angat ng tingin si Cadmium ngunit agad din itong umiwas ang masalubong ang kanyang mga mata. Hindi pa rin nito binibitawan ang kamay niya.

He took a deep breath. "It did. And I fell deeper. I courted you.”

Parang tinambol ang tainga ni Kira sa narinig. "Really?"

Iyon na lamang ang nasabi niya. She could not sustain her feelings anymore. Her cheeks were flushing red. And Black isn't helping.

Still, the question keeps bugging her: Where is Carlo Harris in the picture?

When The Bitch FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon