CHAPTER 14

10.9K 244 16
                                    

Yumakap sa balat ni Kira ang ginaw ng paligid nang pumasok siya sa fastfood restaurant. Nakasunod lamang si Caia sa kanya. Kanina pa ito dumadaldal sa kanyang likuran habang naglalakad sila sa pagitan ng mga table na okupado na ng ibang tao.

"Ate Kira." Sinundot ni Caia ang braso ni Kira kaya napahinto siya sa paglalakad at yumuko nang bahagya sa gilid upang makita ang batang babae. "Ayun si Kuya o."

Sinundan niya agad ng tingin ang tinuturo ni Caia. Nakita niya si Cadmium na prenteng nakapwesto sa pang-apat na  sa gilid ng glass wall, nakasandig. Nasa pinakadulo.

Kira's eyebrow seemed to raise itself up when she noticed one more thing about her Black. He usually sits at the edge of one place. Whatever is the reason behind that, she's excited to know it soon.

Kasama si Caia, mabilis na narating ni Kira ang kinaroroonan ni Cadmium. Agad siyang umupo sa upuang katapat ni Black, sa gilid ng glass wall. Mahina siyang napasinghap nang masalubong ang malamig na titig ni Cadmium kasabay ng paglapat ng balat niya sa nakakapasong lamig ng glass. Si Caia naman ay kumikislap ang mga matang naupo sa tabi ni Kira habang hawak nito ang stand ng number nila na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.

"Kuya, pahiram ng phone." Puno ng lambing na wika ni Caia at binitawan na ang hawak nitong stand. Iminuwestra nito ang sariling palad palapit sa gawi ni Cadmium. "Maglalaro po ako, please."

Dinukot nito mula sa bulsa ang iPhone nito at mabilis iyong inilapag sa ibabaw ng nakabukas na kamay ni Caia. "Huwag mong ubusin ang battery niyan," malumanay na sagot nito sa kapatid.

Pagkatapos ay si Kira naman ang binalingan nito. "Ba't ang tagal niyong sumunod?" kunot-noong tanong ni Cadmium habang nakatitig sa kanyang mga mata.

"What could possibly be the reason?" Ginantihan niya ng pag-irap ang titig nito. "Gusto lang naming dalawa ni Caia na palamigin iyang ulo mo. Ang init kasi."

"Can't you stop being sarcastic?" Cadmium's eyebrows met halfway as his hand which was positioned above the table tightly balled into a fist.

"Can't you stop critizing my attitude too?" She asked him back.

Nakita ni Kira kung paano nag-isang linya ang labi ni Black. He seemed taken aback with what she said. And that sight made Kira's lips quirked up, forming into a smirk.

She didn't care where they are or who can hear her. She just wanted all this shit out, "Why bother stressing yourself out just to give comments about my actions, my words and my everything when you're not supposed to do that? Just let me be who I am. This is the way I do things. This is how I express myself. And you surely has nothing to do with that because you aren't a family to begin with. You are just the guy who captivated my heart."

Napansin ni Kira ang pamumula ng tenga ni Cadmium ngunit hindi na siya nagkomento. Nanahimik nalang din siya gaya nito. Si Caia naman ay patuloy lamang sa paglaro ng Carrot Defense sa iPhone ng kuya nito.

Nabasag lamang ang katahimikan sa table nila nang may lumapit na lalaking waiter na may dalang tray. Napataas ang kilay ni Kira nang makita ang makapal na blue eyeshadow sa itaas na parte ng eyelids nito.

"Good noon, Ma'am," Napahinto ito sa pagbati nang dumapo ang tingin nito kay Cadmium. "Good noon din sayo, Sir Pogi."

Narinig niya ang mahinang bungisngis ni Caia sa kanyang tabi. Para itong natutuwa na may pumuri sa kuya nito. Pero si Kira, hindi niya magawang ngumisi nang makita ang iritasyon sa mukha ni Black. Halatang hindi rin ito pabor sa nangyayari ngayon. Nag-iinit ang ulo niya dahil sa lalaking nakatayo ngayon sa harap nila.

"Stop eye-raping my husband, will you?! Hindi ka na nahiya sa anak namin." Pinandilatan niya ang baklang waiter kaya nasaksihan niya kung paano gumuhit ang magkahalong takot at hiya sa mukha nito. "Bumalik ka na sa trabaho mo kung ayaw mong isumbong kita sa manager dito."

Napayuko na lamang ang kawawang waiter at mabilis nitong inilipat sa ibabaw ng table ang orders nila. Pagkatapos ay humingi lamang ito ng paumanhin at dali-daling umalis sa table nila bitbit ang walang laman na tray.

She didn't feel sorry at all. Kira even felt good to see that Cadmiumㅡfor the first timeㅡdidnt glare at her the moment she called him a husband. Maybe, Cadmium is just plain happy now that she had successfully got rid off that waiter.

Or maybe, there's a deeper reason behind his not-glaring-at-Kira reaction.

When The Bitch FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon