CHAPTER 39

10.1K 224 20
                                    

Ilang araw ng iniwasan ni Kira ang lahat. Hindi siya sumasagot sa tawag ng mga kaibigan niya. Hindi niya pinapansin ang text ni Black. Hindi niya rin nagawang lumabas ng bahay. Kahit party ng kanyang ama ay hindi niya dinaluhan.

Sa tanang buhay ni Kira, ngayon lamang siya natakot na humarap sa ibang tao. Ngayon lamang siya tinablan ng hiya. Iyon ay dahil sa nalaman niya mula kay Blackㅡna isa pala siyang kabit. Nakokonsensiya si Kira sa tuwing naaalala kung paano siya sinisi ni Black sa pagkasira ng pamilya nito. Nakokonsensiya siya sa panghuhusgang ginawa niya kay Geena at sa anak nitong si Genevy. Pinagbibintangan niya itong naninira ng pamilya ng may pamilya gayong wala naman talaga siyang pinagkaiba kay Geena.

Naputol ang malalim na pag-iisip ni Kira nang marinig ang sunod-sunod na katok sa pinto. Walang gana siyang bumaba sa sofa at binuksan ang pinto sa pag-aakalang delivery iyon ng pizza na inorder niya sa Greenwich.

Ngunit napaawang ang kanyang labi nang bumungad sa kanya ang seryosong mukha ng kanyang Papa Ellino. Nakasuot ang ama niya ng blue na polo na nakatuck-in sa slacks nito. Halatang galing pa ito sa trabaho at dumiretso sa kanya.

"Ganito ka ba tumanggap ng bisita, anak?" ma-awtoridad na wika ni Ellino. "Won't you let me in?"

Napabuntong-hininga si Kira at mabilis na tumagilid upang mabigyang-daan ang pagpasok ng ama. Mabigat man sa loob ay kinailangan niyang harapin ang kanyang papa ngayon. Nandito na ito at hindi niya magawang paalisin ito basta-basta. Nawalan na siya ng lakas na mambastos sa ama. Kung dati ay nagagawa niya pa itong suwayin at supladahan, ngayo'y kahit pagmamaldita ay hindi na niya kayang gawin. Ang nalaman niya tungkol sa kanyang nakaraan ay nagdulot talagang malaking pagbabago sa kanyang pagkatao.

"Anong ginagawa mo dito, Dad?" matabang niyang tanong sa ama habang sinusundan ito sa sala.

"Hindi ka nagpakita kahapon," sambit ni Ellino pagkatapos nitong umupo sa gitna ng mahabang sofa. Humalukipkip ito at pinasadahan siya ng nagdududa nitong tingin. "Sinabi din ni Black sa akin na hindi ka na nakikipagcooperate sa kanya sa paggawa ng proyekto. Is there something going wrong, Kira?"

Mabilis na nangilid ang luha sa mata ni Kira. Agad siyang yumuko at kagat-labing umiling. Hindi niya magawang magsalita dahil alam niyang mababasag lang ang boses niya at tuluyan siyang maiyak. She has never felt so weak like this. It was a hundred-eighty degree turn for her. From being a proud bitch to a total wreck. How come she lost all her strengths now?

"Kira, huwag mo lang akong ilingan. I'm your father and I can sense there's really something wrong." Tila kinurot ang puso ni Kira sa kanyang narinig. "Open up, anak."

The last word her father uttered felt so sincere yet unreal. It knocked her system, realizing it was the first time since her mother's death that he fathered her. Somehow, she can feel his care and comfort a little.

"Daddy... I'm h-hurting and I..." Tuluyang nabasag ang kanyang boses. Nag-uunahang tumulo ang kanyang luha ngunit agad niyang tinakpan ang mukha gamit ang sariling palad. "I-I felt so ashamed of myself now."

Kira's body stiffened when she felt someone's embrace. She was sure enough it was her father so she tried so hard to stop herself from sobbing. Good thing her tears were actually cooperating.

"Hush now, Kira. Wala kang dapat ikahiya sa sarili mo," pabulong na sambit ng ama habang hinahaplos nito ang kanyang buhok. "Stop overthinking."

Ibinaba niya ang kanyang palad at marahang umiling. "No Dad! You don't understand. Black told me something about my past. He told me that..." Pumiyok ang kanyang boses at muli siyang napahagulgol. "I was his father's mistress. He's blaming me for his ruined family."

Isang marahas na buntong-hininga ang narinig ni Kira mula sa kanyang ama. Mahigpit nitong hinawakan ang magkabilang balikat niya at pinaharap. Iyon ang dahilan ng pagtigil niya sa pag-iyak. Iniiwas ni Kira ang tingin sapagkat hindi niya makayanan ang matalim na titig ng amang kaharap.

"What else did he say?" seryosong wika ng kanyang ama habang inaalalayan siyang maupo sa sariling sofa. Naupo naman ito sa tabi niya pagkatapos.

Humugot muna siya nang malalim na hininga bago sumagot sa kanyang Papa Ellino. "Iyon lang ang sinabi niya, Dad, pero malaki ang epekto no'n sa akin. I love Cadmium so much, but I don't think I can face him again. Hiyang-hiya ako sa kanya. Hiyang-hiya ako sa sarili ko. How can I be that low and stupid?"

Matagal bago sumagot ang kanyang ama. Nangunot ang noo ni Kira. From her peripheral vision, she can see him murmuring something while his eyes were fixed on the floor.

"That goddamn kid!" Napalingon siya sa kanyang Papa Ellino nang lumakas ang bulong nito. "Mas pinaniniwalaan pa rin pala niya ang nasa isip niya. At talagang sinuway niya ang utos kong huwag nang ipaalam sayo ang nakaraan mo."

"Bakit hindi niyo po sinabi sa akin ang tungkol sa amnesia ko? Sa aksidente? Sa relasyon namin ng ama ni Cadmium? Bakit pilit niyong itinago sa akin ang mga bagay na dapat ay alam ko?"

Tumikhim si Ellino at umigting ang panga nito. Halatang nagpipigil lamang ito na huwag magalit. "I restricted everyone to reveal your past because it's not really important."

"Kung hindi iyon importante, bakit ako naaapektuhan ng ganito? Bakit ako nasasaktan ng ganito?" Namamaos ang boses ni Kira. "Kung hindi pa sinabi ni Black ang nalalaman niya, hanggang ngayon siguro'y bulag pa rin ako sa katotohanang nakasira pala ako ng pamilya."

Tumayo ang kanyang ama at marahas nitong ginulo ang sariling buhok. Bahagya itong nakayuko. Nakatutok lamang ang mata nito sa locket na suot. Nanatili namang nakaupo si Kira habang pinagmamasdan ang ama. Mukhang may malalim itong iniisip.

Ilang segundong natahimik ang sala hanggang sa marinig niya ang marahas na buntong-hininga ng kanyang Papa Ellino. Napaawang ang labi niya nang masalubong ang namumungay nitong mata.

"Your mom... I was deeply inlove with her." Narinig niya ang mahinang pagtawa ng ama na tila'y nakokornihan sa sinasabi nito. Sa kabila ng tawa nito'y ramdam ni Kira ang lungkot ng ama. "I got obsessed with her to the point na pinagseselosan ko na ang lahat ng lalaking lalapit sa kanya. Madalas namin iyong pinag-aawayan dahil ayaw niyang masangkot ako sa kahit anong gulo. Dahil sa paulit-ulit na pag-aaway, hindi ko napansin na lumalayo na pala ang loob niya sa akin. Nanlalamig na siya." Nakita ni Kira ang pagguhit ng mapait na ngisi sa mukha ng kanyang ama. "Then one day, she came to me crying, asking me to let her go..."

Napakagat-labi si Kira at pinakiramdaman ang pagguhit ng sakit sa puso niya. Ngayon niya lang nalaman ang masakit na pinagdaanan ng ama. And here she is now, alone with her father inside a spacious house, sparing back a piece of her mother's memory. She never thought this day would come, but she's glad to be able to experience this now. Well, there's still something good in every grief.

"That same day, I found out Carlo Harris was helping your Mom by processing the divorce papers. He's an old friend of your mother." Napanganga si Kira sa sinabi ng kanyang ama. Nangangahulugan ba itong wala silang relasyon ng ama ni Black? "I was jealous. I did not let her escape. I did not sign the divorce papers and that's when she started getting depressed. She wanted freedom from me but I didn't give her what she wanted... until the day..."

She wanted answers and this is the right time to ask. Humugot si Kira ng hininga bago siya nagsalita. "Kung ganoon mo kamahal si Mommy, bakit hindi ka dumalo sa burol niya?"

"Noong araw na inilibing ang Mommy mo, I wasn't there to comfort you dahil ako mismo ay hindi matigil sa pag-iyak noong mga panahong iyon. I was damned. I felt dead, too."

Every detail she's accepting now is overwhelming her. "Noong araw na iyon din nangyari ang aksidente, Dad. What really happened? Bakit kasama kong naaksidente ang ama ni Black? At bakit niya sinasabing kabit ako ng ama niya gayong si Mommy naman ang mas may koneksiyon kay Carlo Harris? Ano ba talaga? Gulong-gulo na ako, Dad." Nagawa niyang magsalita ng dire-diretso sapagkat desperada na siyang malaman ang lahat.

"Your Tita Geena was there before everything happened. She told me everything she saw. Sabi niya'y inakay ka ni Carlo sa kotse nito habang pilit na pinapatahan. Nagboluntaryo daw itong ihatid ka sa bahay noon. That man... he was kind to offer you a ride home, but he was wicked to let you suffer living with the memory loss and the wrong accusations."

"What do you mean, Dad?"

"Hindi totoo ang sinasabi ni Cadmium." Biglang lumakas ang puso ni Kira dahil sa narinig. "Hindi mo sinira ang relasyon ng mga magulang niya. Ang isyung 'kabit' ay bintang lamang. Sa kasamaang palad, iyon ang piniling paniwalaan ni Cadmium."

When The Bitch FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon