Gumuhit ang pekeng ngisi sa mukha niya nang tuluyang bumagsak ang mga luha sa kanyang mata. Napapitlag siya nang maramdaman ang pagpulupot ng bisig ni Black sa kanyang beywang. Niyakap siya nito. Isiniksik niya ang sariling mukha sa dibdib nito upang maitago ang kanyang mga luha.
She felt ashamed of herself now. Her heart’s shattered into pieces. It was never in her imagination to shed tears in front of other people. How did a Kira Fuentes become so weak like this?
Sumasabay ang tibok ng puso ni Black sa bawat paghikbi ni Kira. Ramdam niya ang paghigpit ng yakap nito sa kanya. Somehow, she felt at ease. Huminto ang pagtulo ng kanyang luha. Ngunit nanatili si Kira sa bisig ni Black. Hindi niya binigyang-pansin ang tingin ng kanyang ama sa gawi nila.
"Kira," pabulong na tawag ni Cadmium. Lumuwag ang pagkakapulupot ng braso nito sa kanyang likod. "Halika na. Ihahatid na kita sa bahay mo."
Agad siyang nagtaas ng tingin. "Pero…”
"It's best for you to go home now," seryosong wika ni Black kasabay ng tuluyan nitong pagbitaw sa kanya.
"Cadmium, magulo pa ang isip ng anak ko ngayon kaya huwag mo munang hayaan na magmaneho si Kira ngayon. Send her home safe," utos ni Ellino gamit ang ma-awtoridad na boses bago bumaling sa kanya. "I’m really sorry, anak.”
Wala siyang naging sagot sa sinabi nito at pinukol lamang ito ng malamig na tingin.
Si Black naman ay tumango lang pagkatapos ay mabilis itong bumaling sa kanya. "Tara na, Kira."
Umiling-iling siya upang ipahayag ang kanyang pagtutol. Ayaw niyang lumabas sa silid na namamaga ang kanyang mga mata. Pero wala na siyang nagawa nang hawakan ni Black ang pulsuhan niya at hinila siya palabas ng library.
Nang makababa silang dalawa sa sala, agad na lumapit sa kanya si Geena. Nakakunot ang noo nito at may bahid ng pag-aalala ang mukha. Nasa likuran nito ang anak na si Genevy.
Huminto si Black sa paglakad kaya napahinto rin siya. Walang nagawa si Kira kung 'di harapin ang dalawang babaeng kinaiinisan niya. Kahit na nanghihina ang kanyang sistema ay nagawa pa rin niyang pagtaasan ng kilay ang mag-ina.
"Anong nangyari sa itaas? Ba't namumula ang mata ni Kira? Umiyak ba siya?" dire-diretsong tanong ni Geena.
Si Black na ang sumagot, "Something just came up, Tita."
"Nalaman niya?" Puno ng pag-aalala ang boses ni Geena.
Napangisi si Kira dahil sa narinig. Ramdam niyang may alam si Geena sa kanyang nakaraan base sa reaksiyon nito. Nakakasuya sa parte niya. Alam ng ibang tao ang nangyari sa kanya pero siya mismo ay bulag na bulag sa katotohanan.
Sarkastiko siyang tumawa at bumaling kay Black. "Alam din pala ng dalawang sipsip na 'to ang nangyari sa akin noon. I'm shocked."
Napatiim-bagang si Black. "Watch your words, Kira," pagalit na wika nito sa kanyang tabi.
May gumuhit na malungkot na ngiti sa mukha ni Geena at lalo itong lumapit sa kanya. "Kira, alam namin ang nangyari sayo. Pero dahil sa hiling ng ama mo'y itinago na lang namin ang isyung 'yon."
Marahas niyang iwinaksi ang kamay ni Genevy nang maramdaman ang paglapat nito sa kanyang braso. Naiinis siya sa pinapakita nitong kabaitan. Pero mas naiinis siya sa sarili niyang puso dahil ngayo'y binibigyan nito ng kahulugan ang aksiyon ni Geena.
"Tapos na ba kayong mang-usisa? Uuwi na ako."
Pagkatapos iyong sabihin ay nilagpasan niya ang dalawa. Dire-diretso ang lakad niya patungo sa nakabukas na pinto. Ang huli niyang narinig ay ang paghingi ng paumanhin ni Cadmium. Mabilis itong sumunod sa kanya at puwersahan siyang hinila sa kotse nito.
Bago pa man siya makarating sa pinagparadahan ng kanyang kotse, may biglang humigit sa kanyang braso dahilan ng paghinto niya. Hindi man siya lumingon, may ideya na siya kung sino ang taong nasa likod niya ngayon. Si Black iyon. Napakagat-labi na lamang siya at sikretong nagmura sa kanyang isipan nang mapagtantong nakasunod agad ang binata.
"Where are you going?" matigas na wika nito. "Sa akin ka sasabay."
Marahan siyang lumingon paharap sa binata. Tinaasan niya ito ng kilay. "I can drive on my own. Hindi mo na ako kailangang ihatid."
Nagkasalubong na naman ang mga kilay ni Black. "Your father won't allow that, Kira." Halata ang iritasyon sa boses nito.
"Yeah, right! As if he can stop me." Umirap si Kira at iwinaksi ang kamay ni Black na nakahawak sa kanyang braso.
Agad siyang humakbang nang mabitawan ni Cadmium ng braso niya. Habang papalapit siya sa kanyang kotse ay nakita niya sa repleksyon sa bintana ang marahas na paggulo ni Black sa buhok nito.
"Kung hindi mo ako susundin," mapanghamon ang boses ni Black nang magsalita ulit ito sa kanyang likuran. Napahinto si Kira sa paglakad. "Daanin na lang natin 'to sa puwersahan."
Hindi niya pinansin ang sinabi ng binata. Akmang bubuksan na ni Kira ang pinto ng kanyang kotse nang marinig ang pagtawag ni Black sa pangalan ng drayber ng ama.
Bahagya siyang lumingon sa likuran. Sa gilid ng kanyang mga mata, nakita niya si Black na kausap ang drayber ng ama sa gilid ng itim nitong kotse. Nakangisi ito habang nakaturo ang daliri sa gawi niya. Tumango ang drayber at nagsimula nang lumakad papunta sa kinaroroonan niya. Si Black ay mabilis na nawala sa kanyang paningin sapagkat pumasok na ito sa sariling kotse.
"Ma'am Kira!" tawag ng drayber nang tuluyan itong makalapit sa kanya. "Sabi ni Sir, ako na po daw ang maghatid ng kotse mo sa bahay niyo."
"No," matigas niyang wika sabay iling. "Ako na ang magmamaneho, Manong. Kaya ko na."
"Pero Ma'am, sabi ni Sir Cadmium, may date pa daw kayo at..." Napakamot ng ulo si Manong at parang nagdadalawang-isip kung magpapatuloy ba sa pagsasalita. Ilang segundo rin bago nito tinuloy ang dapat sabihin, "magpapacheck-up din daw po kayo sa OB-gyne."
Napaawang ang labi ni Kira dahil sa narinig. Umakyat ang lahat ng dugo sa kanyang pisngi. Bigla siyang nakaramdam ng hiya. Ngunit hindi niya mapagkakailang kinikilig siya. He didn't have to make up such things but he did. Just what the hell!
"Sinabi niya iyon?" wala sa sariling sambit niya.
Kira couldn't believe Cadmium said that. Perhaps it's his other side talking.
"Oo Ma'am." Marahang tumango ang drayber. "Pero Ma'am..." Umiwas ito ng tingin na para bang nahihiya. "Alam po ba ito ni Sir Ellino? Ilang buwan na po iyang nasa sinapupunan mo?"
Napasinghap na lamang si Kira at namumulang sinamaan ng tingin ang itim na kotse. Cadmium Harris is a real unpredictable brute!
BINABASA MO ANG
When The Bitch Falls
BeletrieThe untameable Kira Fuentes is vocal about her affection towards the young Cadmium Harris, an engineer. She tries to impress the guy with her wild and fiery stunts, but there is only the slimmest of chances that she would succeed. He simply hates he...