CHAPTER 28

10.7K 233 14
                                    

Carlo Harris.

It seemed to echo inside Kira's mind. It distracted her senses, but she tried to keep her vision on the road as she maneuvered the car quickly towards her father's house. She wanted to ask if he knew someone whose name is Carlo Harris. He might know.

Ilang minuto pa'y dumating na si Kira sa bahay ng kanyang ama. Tumaas ang sulok ng labi niya nang madatnan niya si Geena na nagwawalis sa sala. Huminto siya saglit sa paglalakad, humalukipkip at taas-noong pinagmasdan ang ginagawa ng babaeng kinaiinisan niya. Hindi niya napigilan ang paglabas ng sarkastikong tawa sa sariling bibig. Iyon ang naging dahilan ng mabilis na paglingon ni Geena sa kanyang gawi.

"K!" Agad na nawala ang ngisi sa labi ni Kira nang makita ang matamis na ngiti sa mukha ni Geena. "Nandito ka pala. Halika. Maupo ka muna at ipaghahanda kita ng meryenda," masiglang sambit nito at pinagpagan ang sofa.

"Hindi ako nandito para makipagplastikan sayo," nauuyam niyang sagot na may kasama pang irap. "I'm here because of Dad."

Hindi niya na hinintay na makasagot si Geena. Agad niya itong tinalikuran at mabilis na lumakad patungo sa hagdan. Sa bawat hakbang ni Kira, dahan-dahang namuo ang kaba sa kanyang puso. Tila may puwersang humihila sa kanya pabalik pero hindi siya nagpatinag. Determinasyon ang nangibabaw sa sistema niya. She's more than willing to know every single thing that was blinding her now. Be it good or bad.

"So here it is," mahinang bulong ni Kira habang pinipihit ang seradura ng pinto ng library.

A sigh of relief escaped her mouth when the door creaked open. Silence welcomed Kira.  The room seemed empty without the person she was expecting to see. She got disappointed but it didn’t stop her from seeking answers to her own questions.
Lumapit siya sa desk ng kanyang ama. Hinalungkat niya ang mga naka-pile na folders sa ibabaw nito ngunit wala siyang nakita. Lahat ng iyon ay papeles lamang para sa business nito at proposal letters.
Hinalungkat niya rin ang bookshelves hanggang sa makaabot siya sa isang itim na folder na napapagitnaan ng dalawang malalaking libro. Nabuhay ang kanyang kuryosidad nang makitang may nakasulat na Kira Fuentes sa harap nito.

Mabilis pa sa alas-kwartong binuklat niya ang folder. Kumabog ang kanyang puso nang bumungad sa kanyang paningin ang medical records. Nanginig ang kanyang mga kamay nang mabasa ang nakasaad doon na ilang buwan siyang na-comatose at nagka-amnesia. Kailan ito nangyari?  Bakit ito itinago ng kanyang ama? She wanted immediate answers but who would tell her the truth? Napahinga siya nang malalim habang nilalabanan ang sariling galit at sakit. She was long blinded with all these damn things!

With tears blurring her vision, she flipped the bond paper to the next page. Her forehead immediately crumpled when she saw a tanned portion of a newspaper. Her name was printed on the headline.

Shock coated her being as she read the first few lines of the article. Her heart crippled. It was a revelation for her. Six years ago, she was involved in a car accident. But what really got her interest was the statement emphasized on the article. She was not alone during that tragic moment. She was with someone. With Carlo Harris.

When The Bitch FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon