CHAPTER 42

11.6K 219 14
                                    

Gabi na nang magising si Kira. Wala na si Black sa kanyang tabi. Hindi niya alam kung anong oras ito umuwi sapagkat ilang oras din siyang nakatulog. Napangiwi siya nang bumangon sa kama. Ramdam niya ang hapdi sa pagitan ng kanyang mga hita.

Sinikap ni Kira na pumasok sa banyo upang maligo. Ilang minuto lang ang itinagal niya sa ilalim ng shower. Habang nagbibihis ay biglang tumunog ang cellphone niya sa bedside table. Dinungaw niya ito at agad na sinagot ang tawag nang rumehistro ang pangalan ni Black sa umiilaw niyang phone screen.

"Hello, Cadmium?"

"Hey..." Namamaos ang boses ng binata sa kabilang linya. Narinig niya itong tumikhim. "Are you still sore?"

Uminit ang kanyang pisngi. "What kind of question is that?"

Narinig niya itong tumawa nang mahina sa kabilang linya. "Kumain ka na ba?"

Napanguso si Kira. "Hindi pa. Why?"

"Let's dine out," diretsong sambit ni Black. "I'll fetch you there."

Napakagat-labi si Kira. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Noon, kahit hindi mag-aya si Black ay nagpupumilit siyang sumama. Ngayong ito na ang humihiling ay nagdadalawang-isip na siya. Knowing what he knew about her made it too hard to believe that he's sincere. No sane man will invite his dead father's mistress on a dinner.

Naupo siya sa gilid ng kama nang maramdaman ang panghihina ng kanyang tuhod.

Huminga siya nang malalim bago nagsalita, "I'm sorry but I can't go out today. Masakit pa rin kasiㅡ"

Bago pa man siya makapagpaliwanag ay tinapos na ni Cadmium ang tawag. Dismayado siyang nilapag ang cellphone sa bedside table.

Pababa si Kira sa sala nang marinig niya ang malakas at paulit-ulit na pagtunog ng doorbell. Nangunot ang kanyang noo. Sino bang matinong tao ang mang-iistorbo sa ganitong oras ng gabi? Baka si Heres o ang mga kaibigan niyang babae.

Dali-dali siyang lumabas at binuksan ang gate. Awtomatikong tumaas ang kanang kilay ni Kira nang bumungad sa kanyang paningin ang nakangising si Xyrina. Nasa tabi nito si Coleen na nakasandal sa isang itim na kotse. Parehong nakasuot ng above-the-knee dress ang dalawa. Hindi niya lang maaninag ang kulay ng suot nito sapagkat may kadiliman sa lugar.

"It's a good night to party, isn't it?" nakangising tanong ni Xyrina. "Hinahanap ka na sa Miss A, Kira. You've been long gone and the party missed the Kira Fuentes."

"I'm too tired to go out tonight, Xy. Kayo na lang muna ni Coleen."

"Kira, alam mo namang hindi ako tumatanggap ng tanggi, 'di ba?" makahulugang sambit ni Xyrina. "You'll come with us tonight."

Ayaw niya talagang sumama ngunit naging mapilit si Xyrina. Natagpuan na lamang ni Kira ang sarili sa loob ng bar. Mag-isa siyang uminom ng margarita habang pinagmamasdan ang pagsayaw ni Xyrina at Coleen. Enjoy na enjoy ang dalawa sa dancefloor. Kinawayan siya ni Xyrina ngunit umiling lamang siya. Itinaas niya ang basong halos wala ng laman.
Kira didn’t feel anything about the ambiance of the party. It's plain. It's boring. Mas gusto na lamang niyang matulog kaysa pakinggan ang malakas na beat ng music. Mas gusto na lamang niyang makausap si Black sa tawag kaysa makipaglandian sa mga lalaking hindi naman niya gusto.

Perhaps, it's because of Black, or maybe it's because of herself. Here goes Kira's change from being worst to being a little good, at least. She liked it this way. No more bitching, no more trouble. She just hoped that Black could appreciate her improvement.

She came back to her senses when she felt a cotton cloth brushed against her arms. Only then she realized someone was joining her in the sofa. She threw a curious gaze on her side and saw a man with a corporate attire. His dark brown eyes met hers. A sly smile appeared on the stranger's face when Kira raised an eyebrow.

"You were spacing out," he spoke first, still in contact with her eyes. "Iniwan ka ng boyfriend mo?"

Bahagyang umusog si Kira.

"Ngayon pa lang ako nakakita ng businessman na tsismoso," sarkastiko niyang sambit.

Umawang ang labi ng binatang nasa tabi ni Kira. Nang makabawi ay agad ding naningkit ang mata nito sa pagtawa. Ginulo ng lalaki ang kanyang buhok kaya agad niyang tinampal ang braso nito. Hindi natapos doon ang kakulitan ng estranghero. Muling lumipad ang kamay nito sa buhok niya. Pinaikot-ikot nito ang sariling daliri sa dulo ng kanyang buhok.

"I like your hair. It's soft and white," diretsong komento ng binata. "Can I smell it?"

Nanindig ang balahibo niya sa narinig. Akmang lalayasan niya ito nang mabilis itong dumukwang palapit sa kanya. Agad niyang naramdaman ang hininga nito na dumadantay sa kanyang balikat. Nagmukha itong nakayakap sa kanya.

Nasa ganoong posisyon sila nang may marahas na humatak sa lalaki. Napasinghap siya at mabilis na tumayo. Sinundan niya ng tingin ang salarin. Tinakasan ng kulay ang mukha ni Kira nang makita kung sino ang umamba ng suntok sa binatang kausap niya kanina.

Si Black! Nagdidilim ang mukha nito at umiigting ang panga sa bawat pagtama ng suntok nito sa estrangherong kasalukuyang nasa sahig. Narinig niya ang malutong na pagmumura ni Black.
Bahagyang nahinto ang kasiyahan sa bar dahil sa gulo. Nakuha nito ang atensiyon ng lahat. Kasama na doon sina Coleen at Xyrina. Mabuti nalang at dumating ang bouncer kaya natigil ang suntukan. Nangilid ang luha sa kanyang mata nang makita ang kinahihinatnan ng lalaki. Pilit itong itinayo ng mga bouncer. Putok ang labi nito at namamaga na ang pisngi.

Muling nabuo ang takot sa loob ni Kira habang humahakbang si Black palapit sa kinatatayuan niya. Natuon sa kanya ang nanlilisik na mata nito. Pilit siyang ngumiti ngunit hindi iyon sinuklian ng binata. Nag-isang linya ang labi nito nang tuluyang makalapit sa kanya.

Kumabog nang malakas ang puso ni Kira nang hinablot ni Black ang kanyang braso. Sa pinaghalong kaba at takot, hindi na siya nakapanlaban. Sobrang higpit ng hawak nito sa pala-pulsuhan niya habang pilit siyang hinihila palabas sa bar.

Galit si Black. Galit na galit. Iyon lang ang nasa isip ni Kira ngayon.

When The Bitch FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon