8

180 70 25
                                    

AMBER'S POV


"Why do you even like that guy?" tanong ko kay Val.

Matagal ko na kasing gustong itanong yun sa kanya.

Ngayon ko lang talaga nalakasan ang loob ko. Hindi naman kasi ako yung tipong nakikialam pagdating sa mga bagay na ganyan.

Wala akong alam sa mga ganyan kaya wala rin akong karapatan pagsabihan si Val.

"Amber, everyone likes THE ANTON LOUIE!" Well, that excludes me.

"Alam ko, pero ano nga ang rason kung bakit niyo siya gusto? Kulang nalang ata gawan ninyo ng rebulto at sambahin yung Anton na yun." akala naman nila kasi kung sinong Diyos si Anton.

May mga nagvovolunteer na dalhin yung mga gamit niya.

May nag'aagawan ng upuan para lang makatabi siya.

May mga nagkakandarapa na punasan yung pawis niya.

"Kasi Amber, kahit na maikli lang yung mga panahon na makakasama mo siya, na gawin ka niyang girlfriend, ang ganda pa rin sa feeling. Yun bang feeling mo na safe na safe ka lagi. Yun bang binabanatan ka niya ng mga cheesy na cheesy na linya. Pinaparamdam niya sayo na isa kang prinsesa. He acts like an idiot kapag nasa harap ng maraming tao, pero he is sweet kapag kayo lang dalawa. Every girl would want a guy that would treat her as a queen. Every girl wants to feel protected and safe. At sa mga maikling araw na nakakasama namim si Anton, he lets us feel those feelings." for the first time in forever, matinong sumagot si Val.

Kitang'kita mo pa ang pagspa'sparkle ng mga mata sa pagsasalita niya.

"Talagang bilib na bilib kayo sa kanya kahit na pinaglalaruan lang kayo. Kahit na niloloko lang niya kayo sa huli." oo nga, given that magaling siya magpafall at magpakilig ng mga babae, hindi pa rin tama na ginagago niya sila sa huli.

Yun bang ang saya saya mo na tapos one sided love lang pala talaga.

"He warns us naman. Alam naman namin na hindi forever yung kung anong meron kami. I didn't want to tell you this part kasi ayaw ko na sugurin mo si Anton kapag sinabi ko sayo na sinabihan niya ako na hindi talaga kami magtatagal. Pero ganito kasi yan, everyday he asks us, kaming mga nililigawan niya, if sasagutin na ba namin siya. And when we say YES, dinadala niya kami sa isang magarang restaurant at pinapaliwanag niya na he is not the type of guy na nakakayanan ang ever lasting relationship. Kaya kasalanan rin naman namin kung bakit kami nasasaktan sa huli, kasi binalaan niya kami pero sinasagot pa rin namin siya. Pero kasi hindi kami makatanggi, ang guwapo niya. Tapos ang honest niya pa. He is so manly."

Iba rin ang pagkatao ng Anton na yan. Hindi naman pala siya masyadong masama.

Talagang masama na masama. Kung hindi lang rin naman kasi siya handang mag commit ng totoo, bakit pa niya pinapasok ang ganyang mga bagay?

Nakakasakit pa siya ng feelings ng iba. Nagkakasala pa siya sa mga babae at sa Diyos. Kahit na nag warn siya, mali pa rin yung pinapaasa at sinasaktan mo yung ibang tao para sa kaligayahan mo.

"Kung alam niyo rin naman na hiwalayan ang uwi ninyo, then bakit parang nabagsakan kayo ng langit everytime na dumadating na sa point of separation?" di ba dapat handa na sila kapag dumating na sa hiwalayan? Alam na nila ang mangyayari but they act like ikakamatay nila ang paghihiwalay nila kay Anton.

"Kasi kahit alam namin na ganun ang ending, nangangarap pa rin kami na baka mag'iba. Na baka kami na yung babaeng hinihintay niya. Yung babaeng makakapagpabago sa kanya."  Tanga na, martyr pa.

Love, Hurt and All the Feelings in Between Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon