AMBER'S POV
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.
Alam ko sa sarili ko na nasaktan ko si Anton dahil sa mga sinabi ko. I know na mali ako. Pero hindi ko talaga mapigilan.
I witnessed Anton's games. Ni hindi na nga mabilang ang mga babaeng naging karelasyon niya. He never was serious. And now, palagi niyang sinasabi sa akin na iba ako, na talagang gusto niya ako. Kahit gusto ko man siyang paniwalaan, mahirap pa rin.
What if these are just one of his games? Eh di olats ako.
Ayokong masaktan. At alam ko kung anong dapat kong gawin para malayo ako sa sakit na pwede kong maranasan kapag nagpadala ako kay Anton.
Sabi nga nila di ba, old habits die hard, and Anton has been a player since I could remember. Kaya, no, I will never ever let myself fall for him. Ako lang matatalo sa huli, kahit saang anggulo pa, if I'd let myself fall for his ways, dehado talaga ako.
I was about to sleep when I heard a bang on my window. Agad ko namang kinuha ang pepper spray ko at dahan-dahan na lumapit sa pinanggalingan ng tunog.
Mygad! Kapag ito talaga magnana---...
"Hey." I almost dropped my pepper spray when I saw him. Literal talaga yung my heart skipped a beat.
"Sorry if natakot kita." He said to me habang pumapasok sa kwarto ko.
"And I am sorry if nasaktan kita sa ginawa ko." Tiningnan niya ako mata sa mata.
At alam ko na any moment from now, iiyak na siya.
He never cried in front of me. At hindi ko alam anong gagawin ko kapag iiyak siya ngayon.
"Bing, mapapatawad mo ba ako? Will you give me another chance? Magpapaliwanag ako." Hindi pa rin ako makakilos sa kinatatayuan ko.
I don't know what to feel, what to do, what to say.
Si Billy 'to eh.
"Amber, please. Talk to me." gustuhin ko man, hindi ko pa rin alam kung anong sasabihin ko sa'yo.
"I'll explain okay? Just sit here and listen to me." he held my hand and guided me papunta sa mini sofa ko sa room ko.
He sat beside me and started talking. "Amber, I am really sorry for leaving you. Sorry kasi nagpadala ako sa katangahan ko. I was just scared na kung ano ang pwedeng gawin sa'yo ni Akisha. Masyado kang importante para sa akin and I would never forgive myself if something bad would happen to you because of my selfishness. I honestly want you to be just mine, pero kapag pinili ko 'yon, Akisha might hurt you, and I don't want that. Pero sa kagustuhan kong hindi ka masaktan, nailayo kita sa akin. Napalitan ako. And look at you now, nasaktan ka pa rin, nasasaktan ka pa rin. Bing, please forgive me. Give me another chance."
Habang nakikinig ako sa kanya, nakaramdam ako ng galit. Hindi sa kanya, kundi sa sitwasyon na kinatatayuan naming dalawa.
Nasaktan niya ako eh. Ilang araw akong parang tanga na naghahanap ng rason kung bakit ang distant niya sa akin.
At ngayon na okay na ako, na sanay na ako na wala siya, he came back and hurt me again. Oo, alam ko na para sa akin yung ginawa niya, pero nasasaktan ako kasi nasasaktan din siya. Nasasaktan ako para sa kanya. He is so special to me and I don't ever wanna put him sa sitwasyon kung saan siya ang responsable sa kaligtasan ko.
"I understand." tipid kong sagot sa kanya. He looked at me with hopeful eyes.
"Naiintindihan ko, Bill. Pero hindi sapat na naintindihan kita para patawarin ka. You've hurt me after all. Kilala mo ako, kapag nasira na, wala na. Pero dahil kaibigan kita, pipilitin kong maayos ang nasira sa atin. Gago ka minsan, pero si Billy ka parin eh. Ikaw pa rin ang taong kaaway-bati ko. Kaya maghintay ka muna maging okay ako, baka pwede na nating maibalik ang nakaraan kapag nangyari yun." he smiled at me. At muntik ko nang gustong patawarin nalang siya. Pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ako nagiging pabebe, I just want to leave a mark na hindi ako basta-basta lang pwedeng saktan tapos kapag nag sorry, okay na lahat.

BINABASA MO ANG
Love, Hurt and All the Feelings in Between
RomanceTatlong lalaki, isang babae. May playboy, may frenemy at may loverboy. Iba'iba man ang personalidad nila, iisa lang ang hangad nila, at ito ay ang makuha ang genius na si Amber Kate Millan. Sa kwentong ito, hindi lang puso ang nakataya. Feelings ar...