AMBER'S POV
Nasa bahay na ako.
At hindi ako makatulog.
Hindi ko maiwasang hindi isipin ang pag-uusap namin ni Anton.
Hindi talaga ako makapaniwala.
At iisang tao lang ang gusto kong kausapin tungkol dito.
- hello?
= bill? billy?
- oh? bakit ka napatawag bing?
= nasan ka? I need to talk to you.
- ha?
= nasaan ka sabi!
- chill! nasa bahay lang.
= pwede ka bang makalabas? meet me sa park?
Agad agad ko namang binaba yung phone at lumabas ng bahay.
Buti nalang talaga at hindi pa umuwi si Mom.
At pagkarating ko sa park, nakita ko agad si Bill na nakaupo sa isa sa mga bench dun.
"Bill!" tawag ko sa kanya. Nginitian naman niya ako at naglakad papalapit sa akin.
"Oh, anong problema? Parang kanina lang nagmamadali kang umalis sa PLS room."
"Mapagkakatiwalaan ka naman siguro no?" ewan ko.
Tama ba na sabihin ko kay Billy ang nalaman ko tungkol kay Anton?
Sekreto yun ni Anton. At ramdam ko na ayaw niyang may nakaalam.
"Bakit ka ba nagtatanong ng ganyan? Pinagdududahan mo ba ang loyalty ko sayo?"
Umiling ako.
I guess sa akin muna ang sikreto ni Anton. He trusted me. At kahit galit ako sa kanya, I still have my principles. And a secret is a secret.
"Wala. Just forget it."
"Just tell me Bing. I promise na mapagkakatiwalaan mo ako."
Alam ko.
"Well, I just want to tell you na narealize ko, there are other people na mas magaling keysa sa akin. I don't want to admit this, pero I feel like all this time, hindi ko deserve ang mga awards ko."
Totoo talaga.
That is exactly how I feel.
Iniisip ko pa lang ang mga panahong proud na proud ako sa sarili ko dahil sa achievements ko, naiiyak na ako.
"Ano ba yang pinag-iisip mo? Talagang may taong mas magaling sayo Bing. But that does not mean na hindi karapatdapat sayo ang mga parangal na natatanggap mo. You've worked hard for it. Pinaghirapan mo lahat, deserve na deserve mo lahat."
He will not understand me.
Pero tumango nalang ako.
"Don't ever doubt yourself. Ako nga, hindi ko nga pinagduduhan sarili ko. Naniniwala ako minsan na mas magaling ako sayo, but everytime na tinatalo mo ako, mas nangingibabaw ang pagkaproud ko sayo keysa sa pagkabwesit ko sayo. Kaya Bing, don't question yourself at kung anong meron ka. Para sayo yang mga yan. Sayong-sayo lang."
I find Billy's words so comforting.
Kahit na minsan hindi kami magkasundo at parati kaming nagbabangayan, kaibigan ko pa rin talaga siya.
BINABASA MO ANG
Love, Hurt and All the Feelings in Between
RomanceTatlong lalaki, isang babae. May playboy, may frenemy at may loverboy. Iba'iba man ang personalidad nila, iisa lang ang hangad nila, at ito ay ang makuha ang genius na si Amber Kate Millan. Sa kwentong ito, hindi lang puso ang nakataya. Feelings ar...