AMBER'S POVNagising ako ng feeling ko may nakahawak sa katawan ko. I opened my eyes and David was carrying me paakyat sa room ko.
Nasaan si Mom? Why is he letting a man carry me papunta sa room ko?
"David? I'm awake. You can put me down now." Sabi ko sa kanya nang malapit na namin marating ang room ko.
"Oh sorry." Binaba niya naman ako agad.
"Nasaan si Mama? Why didn't you wake me up sa car?"
"Nasa baba siya. I was going to wake you up pero pagod na pagod kasi mukha mo. Kaya I went up to your Mom and told her na muntik ka ng mahimatay sa daan and ang sarap ng tulog mo sa kotse ko. So I asked her if pwede kitang buhatin nalang para hindi maputol ang maganda mong tulog."
"And she agreed?"
"Yes. Kaya nga nabuhat kita hanggang dito." He said while grinning from ear to ear. Tama nga ngayon si Val, I really do have a new knight in a shining armor.
At itong si Mama. Para ngang nung una kahit may mag text man lang sa akin sinisigaw sigawan na ako.
Na ambata ko pa daw para sa mga bagay na yan.
"Thank you ng marami."
"You're welcome, and by the way. Eto nga pala." inabot niya sa akin yung notebook at pen ko. "Nalaglag mo sa kotse nung nakatulog ka na. Alam mo, pilit ko talagang inaalam yang mga sinusulat mo jan. Kaso hindi ko talaga mabasa ng buo. Yun bang one word lang o di kaya phrase lang makikita ko. Sana naman pabasahin mo ako soon." pangiting sabi niya.
"Saka na kapag sikat na writer na ako. Sige David, pasok na ko. Uwi ka na rin."
Hindi naman kami masyadong nag'usap ni David.
After I went inside my room, umalis na rin siya.
And since it's 6PM na, napag'isipan ko na lang na matulog. I badly need to rest right now.
~~--~~
Still, maaga akong umalis ng bahay. Baka kasi mas lalong maging imbestigador yung Nanay ko dahil sa nangyari kahapon.
"Nakita mo ba si Sir Velasquez?" kararating ko lang sa school at kasalukuyang kausap ko ngayon si Billy.
Hindi kasi kami magkaklase ni Bill kasi nga ayaw niya maging kaklase ang kakambal niya.
Maaga ang schedule ng mokong kaya nandito siya ngayon at kinakausap ko.
Kailangan ko lang talaga ng tao na malalabasan ko nitong chismmis ko. Kating kati na kasi tong sikmura ko. Gusto ko na talagang may mapagsabihan nito.
"Nope. Hindi ko siya nakita. Why? Ba't mo siya hinahanap?"
"Wala. So Bill, di ba kasali ka sa mga inatasan sa Peer Learning?"
"Yes. I'm smart." Talagang dapat isingit ang katalinuhan niya? Hindi ba pwede ang simpleng YES lang?
"Oo na, matalino ka na. Mas nga lang ako. So ano kasi, I was tasked to tutor Anton, yung anak ni Mr. Velasquez."
"Amber, I know. So anong big deal? You are starting to fall for him?" Muntikan ko na malunok yung nginunguya kong Kokocrunch.
Fall agad?
Ni hindi ko nga matiis na maging mabait sa asungot na yun, tapos FALL?
"Gago ka ba? May atraso ka pa sa akin oy! Huwag kasi ako pangunahan. Makinig muna sa kwento. Ba't ba kasi wala pa si Val. Siya nalang yung kakausapin ko."
BINABASA MO ANG
Love, Hurt and All the Feelings in Between
RomansaTatlong lalaki, isang babae. May playboy, may frenemy at may loverboy. Iba'iba man ang personalidad nila, iisa lang ang hangad nila, at ito ay ang makuha ang genius na si Amber Kate Millan. Sa kwentong ito, hindi lang puso ang nakataya. Feelings ar...