32

11 2 0
                                    

AMBER'S POV

"Ms. Millan, I need to talk to you." napa face palm nalang ako sa imagination ko. 

It has been three weeks since Anton and I talked. And it has been three weeks as well na ginagago na naman niya ang sarili niya at bumalik sa pagkabobo. 

And here I am, kaharap na si Sir Velasquez. 

"May problema ba sa pagtuturo mo sa anak ko, Amber?" paumanhin lang ho sana sir, hindi ko trabaho turuan ang anak ninyo, kayo po yung prof, punyemas. 

Pero syempre, hindi ko yun sinabi, baka magka sanction pa ako, mahirap na.

"Baka po nahihirapan lang talaga si Anton sa mga bagong lesson po. Pero ginagawa ko naman po lahat para maipaintindi sa kanya." pagpapalusot ko. Eh ang totoo naman, hindi kami nag-uusap dalawa sa PLS, magkasama nga kami, pero parang hindi naman.

Pumupunta lang naman si Anton dun para makipaglandian sa mga bobong batchmates namin, at ako, nakikipagkwentuhan nalang sa mga ibang tao. 

"Inaasahan ko yan, Ms. Millan." tumango lang ako at tiningnan si Sir Velasquez habang naglalakad palabas ng classroom namin.

Naupo nalang ako sa upuan, biglang sumakit ulo ko sa nangyayari.

"Okay ka lang, Bing?" lately, Bill is being extra sweet to me. Sinasabayan niya akong pumunta sa school, hinahatid pauwi, sabay kaming nag-aaral, we have fun.

Unti-unti na rin naming naibabalik ang kung anong meron kami dati. 

We became comfortable with each other again, sabagay one month na rin simula nung nagbati kami. 

"Naiinis na kasi ako sa Anton na yun." pagsusumbong ko sa kanya. Bill's back again at being my frenemy kasi, kaya medyo komportable na rin akong magkwento sa kanya,

"I mean, alam ko na galit siya sa akin, pero sana man lang, huwag niyang idamay ang pag-aaral niya. Hindi lang naman kasi grades niya naapektuhan, pati image ko kay Sir Velasquez, nadudungisan niya." pagtatantrums ko. 

Eh kasi, baka sabihin pa ni Sir na hindi ko siniseryoso ang pagtuturo sa anak niya, kung tutuusin naman, anak lang niya yung gago.

"Hindi pa rin ba kayo nagkakausap ng maayos?" tanong niya sa akin. Umiling lang ako. Eh for the past weeks, sinusubukan ko namang kausapin siya ulit, pero matigas si koya, ayaw paawat.

"Do you want me to talk to him, Bing?" 

"Naku Bill, huwag nalang. Baka magsapakan lang kayo eh. Ako nalang ang bahala. Total, ako din naman talaga ang may kasalanan, pagtitiyagaan ko nalang muna siya." I know Bill wants to help me. Ganyan naman kasi kami palagi, we fight but we always got each others back lalo na kapag may mga problema.

"Basta nandito lang ako Amber ha, I am always here for you." he patted my head and gently kissed my forehead as he went outside kasi magsisimula na rin ang klase niya.

Napabuntong hininga lang ako.

Kaya mo 'to Amber. 





PLS time na. Nasa room na ako, si Billy bumili pa ng makakain. Yung iba naman, nagsisimula na sa agenda nila. Akisha is nowhere to be found, kaya nakatunganga muna ang tutee niya. 

And me? Umaasa akong sisipot ngayon si Anton kasi pag-uusapan namin ang dapat naming pag-usapan. Nakakapagod na yung ganito. 

"Excuse me?" napatingin ako sa lalaking nagsalita. 

"Yeah?" sagot ko naman sa kanya. 

"I'm Carl, new recruit ako ng basketball team." Pagpapakilala niya. He extended his hand for a hand shake.

Love, Hurt and All the Feelings in Between Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon